***Nagmadali akong nagpahatid kay Kuya Sam sa ospital. Tumawag si Eliza na nagising si Ethan.
Halos takbuhin ko ang hallway papuntang ICU. Nadatnan ko ang buong pamilya nila doon. Nangingiyak ngiyak pa si Tita Neri na kayakap sa asawa.
"Ate..." bati ni Eliza. Napatingin ako sa pinakagitnang kama. Inilang hakbang kong tinungo sa kama ni Ethan, Dilat ang mata niyang pilit na ngumiti.
"Ethan..." ani kong di napigilang yumakap.
Humawak ako sa kamay niya.
"S-s-so-p-phi' aniyang medyo utal ang salita.
Ramdam ko ang pagyakap nito kahit medyo mahina siya, at pagpisil sa kamay ko. Napangiti akong napaluha.
"I miss you" ani kong yumakap muli ng marahan.
"I love you Ethan..." ani kong humalik sa kamay niya.
Ngumiti itong bumulong. Rinig ko ang pagsabi nito ng mahina na mahal din niya ako.
Humaplos ito sa pisngi kong nagpalis ng luha ko sa gilid. Mas lalo akong napaiyak, ang simpleng haplos lang niya ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya.
"Mahal kita" ani ko.
"m-me too, I – I l- love y-you" aniyang lumapit pa ako para mas marinig ko ang bulong niya.
Humaplos ito sa pisngi kong kumurot ng marahan sa tungki ng ilong ko, katulad ng madalas niyang gawain nuon.
Sapat na sa akin ang ganoong aksyon niya, kahit ramdam ko ang mahina pa niyang katawan ay ipinaparamdam pa rin niya ang pagkasabik at pagmamahal sa amin.
"Im' sorry..." aniyang bulong muli.
"I love you S-sophie"
Napangiti ako.
"Mahal din kita" sagot kong pilit itong napangiti.
"Hey..." ani kong humawak sa kamay niya.
"May good news ako sayo" ani kong excited na humawak sa tiyan ko.
"Magkaka-" ani ko ng tumunog ang isang makina nito. Nagulat akong napatayo ngunit nakahawak pa rin ako sa kamay ni Ethan.
"Anong nangyayari?" taranta kong tanong. Nagmadali ang nurse na tsineck iyon.
Ramdam ko ang hawak ni Eliza sa balikat ko.
"Anong nangyayari?!" tanong kong napatingin kay Ethan na tumingin sa gawi ko ngunit unti unti pumikit.
"Ethan!" ani kong di binitawan ang kamay niya.
"Ethan!"
"Ate..." rinig kong garalgal na boses ni Eliza. Pagkuwa'y boses na ni caleb ang narinig ko.
"Doc, anong nagyayari?" tanong kong muli na inakay ako ng nurse na pilit na inaalis ang kamay ni Ethan.
"No! no... no!" ani kong hindi binitawan iyon.
"Ma'am, you need to be outside" rinig kong aniyang di ko maaninag dahil sa luha ko.
"Ethan..."
Ramdam ko ang hawak sa balikat ko.
"Let go Sophie... kailangan nilang gawin ang trabaho nila" rinig kong malumanay na ani ni Caleb sa likuran ko. Bumitaw akong napalingon sa ginagawa ng mga doktor at nurse. Para akong naghinang napaupo sa bangko.
Yumakap ako kay Kuya Sam na sumalubong sa akin.
Rinig na rinig ko ang mahinang hikbi ni Eliza at Tita Neri. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.