***
Naalimpungatan akong nagising.
Isa na namang panaginip na kasama ko si Ethan.
"You okay?"
Gulat akong napatingin sa gilid ko. Si Caleb na tumayo mula sa pagkakaupo.
Tumango ako.
"Asan si Ate?" tanong ko.
"Bumaba lang sandali may inayos sa admission mo" aniyang nakapamulsa.
"Bakit ka naandito? sinong kasama ni Ethan doon?" tnaong kong umayos ng pagkakaupo, lumapit itong aalalay sana ng sinenyasan kong kaya ko.
"He's still in ICU, limited ang visitor's time doon, hindi pwedeng magtagal Reverse Isolation" paliwanag nitong tinanguhan ko. Naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. masyadong mahina ang immune system ni Ethan ngayon na hindi pwedeng maexpose sa dumi sa paligid kahit sa mga bisita.
Napatungo akong nilalaro ko ang daliri at singsing ko.
Pangalawang araw ko na ito ngayon at bukas i didischarge na rin ako. Kahapon ay hindi ko nakita si Ethan.
"Nagugutom ka ba?" tanong ni Caleb muli na inilingan ko.
"You should eat more, dala mo ang pamangkin ko... i'm sure yan din ang sasabihin sayo ni Kuya" aniyang lumapit ng kaunti sa gawi ko.
Ngumiti ako ng tipid na humaplos sa tiyan ko. Hindi ko pa rin nasasabi kay Ethan ang tungkol sa pagbubuntis ko.
"Pwede ba akong pumunta ngayon?" tanong ko.
Tumango ito.
"After lunch, ipapaalam ko sa attending niya" aniyang muli.
"U-uhm, Caleb anong sabi ng doktor ni Ethan?" tanong ko dahil pansin kong pagkatapos kahapon na na malaman kong buntis ako'y sinalubong nito si Rico na nagmamadlaing lumabas ng kwarto ko.
"Still the same Sophie, wala namang changes pero hininto ang treatment niya temporarily, he's a bit weak" diretsong sabi nito.
"Don't think too much, mas gugustuhin ni Kuya na hindi mo pinapabayaan mo ang sarili lalo na ang baby ninyo" aniyang muli na humalukipkip.
Napatango ako.
I felt ecstatic ng malaman kong magkakababy na kami ni Ethan ngunit meron pa rin sa loob ko ang takot at lungkot.
"Hold on baby... dadalawin natin ang daddy mo mamaya" bulong ko sa sinapupunan ko.
***
"Are you sure Caleb?" tanong ni Ate.
"Opo, saka parating na rin po sina Mommy" ani ni Caleb.
"Okay then, on the way na rin si Mommy at si Kuya Sam Bunso" paalam ni Ate na uuwi muna. Sinundo siya ni Kuya Dion, nagka batian pa sila. Nabanggit dati ni Ate Serena na kilala ni Kuya Dion si Caleb.
Tumango ako.
"I'll go ahead then, Bunso makikinig ka kay Caleb ha" bulong ni Ate na napangiti ako, mukha kong bata sa paningin nila na kailangang bilinan pa.
"OO na po" ani ko.
*
Nagrequest si Caleb ng wheelchair. Itinulak ako papunta sa kwarto ni Ethan.
"Paano kayo nagkakilala ni Kuya Dion?" tanong ko.
"The same Org sa University" sagot nito.