***
Naalimpungatan akong may kayakap.
Napadilat akong medyo antok pa ng mabungaran ko ang mukha ni Ethan sa ulunan ko.Nakasiksik ako sa dibdib nitong nakayakap sa kanya habang nakakulong sa bisig nito, ang isang binti ko'y nakadantay sa isang binti nito na ganundin siyang nakadantay sa binti ko.
Hindi ako makakilos. Napakagat akong labi kong di ko alam kung papaano ako kakalas. Papaano kami nakarating sa ganitong posisyon? Naalala ko pang naglagay ako ng unan s agitna namin.
Umangat ako ng tingin na nakapikit itong mahimbing na tulog.
Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakadantay nito sa hita ko ngunit lalo itong hinila ako papalapit sa kanya.
Hindi ko rin matanggal ang kamay nito sa likuran ko.
"E-ethan..." bulong ko.
"Hmm" aniyang mukhang tulog na tulog pa.
"Y-yung ka-" ani kong hinila ako lalo nito sa dibdib niya.
"Let's sleep some more, hindi ako nakatulog ang lakas mong humilik" aniyang mukhang wala sa sarili at nanaginip pa. Napangiti akong natahimik.
Naisip kong mamya ko na lang ako kakalas kapag tulog na tulog na siya. Pumikit akong muli.
***
Nagising akong mag isa sa kama. Wala na si Ethan sa tabi ko. Napabangon akong humilamos sa mukha, mukhang nakatulog akong muli. Magmula ng insidente sa simbahan ay parang ngayon lang yata akong napahimbing ng tulog.
"Gising ka na pala"
"Ha? Ah, e oo" sagot kong umatras, bagong ligo na ito at nakabihis na.
"Anong oras na?" tanong ko.
"Almost lunch" sagot nitong umupo sa dulo ng kama.
"Sorry, napahimbing yata ang tulog ko" dyahe kong sagot.
"It's okay, magprepare ka na, brunch na lang tayo then we're off" aniyang tinanguhan ko.
"Nakatulog ka ba?" tanong ko ng maalala ko ang sinabi nito kanina ng maaga akong gumising.
"Yeah, pero madaling araw na" ngisi nito.
"Uh, kasi a-ano, malikot ba akong matulog?" tanong kong ramdam kong pamumula ng mukha ko.
"Yeah, and sumiksik ka sa akin, and you're snoring" tawa nito.
"Ethan!"
"You're deep asleep, tapos nagpumilit kang sumiksik sa akin, kaya hinayaan ko na lang" aniyang tawa pa rin, binato ko ito ng unan.
Sinalo nitong ibinalik sa kamang lumapit sa akin.
"It's okay, alam kong pagod ka, and you're cute while snoring" aniyang tawa
Tumawa itong tumayong palabas ng kwarto.
Bumangon akong nag ayos ng sarili.
***
"Kumain ka na" aniyang lapag ng pancake sa harapan ko.
Ramdam kong muli ang pamumula ng mukha ko sa mga sinabi nito kanina.
"Humilik ba talaga ako?" mahina kong tanong. Napatawa itong umiling.
"Oo nga, I enjoyed watching you sleeping" tawa nitong muli. Napasimangot ako. Nakakahiya kung tutuo man yun! Ang lakas mangasar ng taong ito!