You Happened 11

5.4K 201 2
                                    




***

                 

Limang araw.

Limang araw na ang nakalipas magmula ng pumunta si Ethan sa Singapore para sa second opinion para sa treatment niya. Dalawang araw ko na rin siyang hindi nakakausap sa video chat at sa telepono ko. Nakakabahala at di ko maiwasang mag alala, dagdag pa dito ang pangungulila ko sa kanya. Isang linggo bago ang alis niya ay araw araw ko siyang nakasama.

"Dito ka ba matutulog?" tanong ni Ate Serena habang nilalaro ko ang anak niya.

Umiling ako.

"Uuwi na muna ako ate" sagot kong tumango ito.

"Okay, ipapahatid kita sa kuya mo" aniyang muli.

"uh,pinagiisipan kong magreretract na ako ng leave ko Ate" ani kong napasulyap sa gawi ko si Ate Serena.

"Sigurado ka? Pwede ka namang hindi muna pumasok" aniyang tanong muli.

TUmango ako, mas lalo lang akong naiinip sa bahay.

"It's up to you, kailan ba nag balik ni Ethan from his bussiness trip?" tanong ni Ate na hindi ko nilingon. Hindi ko sinabi ang tutuo sa kanila.

"Hindi ko po alam" sagot ko.

"Bunso..."

Napabuntong hininga ako.

"Mukha naman siyang mabuting tao, in a short period of time, nakuha niya ang loob ni Daddy at Kuya besides kilala ang pamilya nila sa construction company. Kilala ni Dion ang nakababatang kapatid niya" ani ni Ate na siguro ang tinutukoy ang kapatid ni Ethan na humahawak sa firm nila.

Tumango ako.

"U-uhm, nakita ko si Zac the other day" ani ni Ate na nilingon ko.

"Uh, honestly, he asked for forgiveness and he's trying to get your number... siguro para kausapin ka" aniya.

"One of these days kakausapin ko rin siya" sagot ko.

Nakatingin lang si Ate sa akin.

"I mean... I forgave him or them, i just want a proper closure" sagot ko.

"Gusto kong ring isoli lahat ng ibinigay niya sa akin. Ayoko nang kahit anong bagay na may koneksyon sa kanila. I honestly wish them well, hindi naman ako bato Ate para mawala agad ang sakit pero I decided to move on, nakalipas na yun, at siguro panahon na lang ang magsasabi na totally wala na yung sakit, pero napatawad ko na sila" ani kong nagkatitig si Ate.

"Gusto kong ubusin ang oras ko kina Mommy, sa inyo , sa mga pamangkin ko at sa sarili ko" ani ko pang muli.

"Gusto kong idate si Mommy at Daddy, magplaplano rin ako ng family outing natin"

"... natapos na ako sa pagmumukmok at pagaaksaya ng oras kong walang katuturan" ani ko pang muli na nakatitig lang si Ateng nakatingin sa akin.

"... at syempre kay Ethan" ani kong nilalaro ang singsing na bigay nito.

Napahinga ng malalim si ate.

"Hindi ko alam kung anong pagaunwind ang ginawa mo sa Macau, you've change..." ani ni Ate.

"Parang hindi ang bunsong Sophie na kapatid ko ang kausap ko ngayon" aniyang ngumiti.

"...Well, I could say na nagmatured ka ng konti" tawa ni Ate.

"I guess Ethan is good for you, parang nag iba ang perspective mo sa buhay" ani ni Ate na humalukipkip.

Napangiti ako.

"Dati kasi nang humingi ka ng blessings na magpapakasal ka na, I am kinda worried... you were sheltered Sophie, may pagka immature ka ng konti, impatient too and may pagka brat,matigas ang ulo mo, madali ka ring magtampo, at lagi mong ginagalit si Mommy at Daddy" aniyang napailing akong ngumiti.

"Remember, pati ang kursong gusto nila hindi mo sinunod, at kumuha ka ng kursong malayo sa gusto at sa gusto nila" tawa nito.

" Kung ako lang ang masusunod noon, ayaw kong magpakasal ka kay Zac, but you insisted at ipinaliwanag mong mahal mo si Zac, nakita ko rin naman na matiyaga si Zac sayo kaya I agreed" ani ni Ate. Pareho sila ni Kuya na ayaw kay Zac nuon.

"Tapos na yun ATe, i am happy now... with Ethan" sagot ko. Tapos ns yun na kabanata ng buhay ko gusto ko na lamang ipadama sa mga mahal ko ang pagmamahal at oras ko sa kanila habang na naandiyan pa sila. Life is precious, you never know when you're going to lose it.

"I know, I felt it... madalas ko siyang nakikitang nakatitig sayo parang ayaw ka niyang mawala sa paningin niya" tawa ni Ate.

Napaaling ako.

I miss Ethan... i miss his kisses. I miss being with him, i miss spending a day with him.

***

"Thank you anak" ani ni mommy na humalik sa pisngi ko. Katulad nga ng plano ko, dinate ko sila ni Daddy, nanood kami ng basketball ni Daddy, at isinama ko si Mommy sa isang well center for spa, then i treat them in  a fine dining restaurant para sa dinner. I bought them a gift. Isang shawl kay MOmmy na kakulay ng binili kong tie ni Daddy.

"Your welcome 'My, i love both of you" ani kong humalik sa pisngi nila.

"I'm sorry po for the shortcomings ko sa inyo, and thank you also for always   being there for me" ani kong yumakap sa kanila. I realized na tama si Ate, naging expressive na ako sa kanila, nag family outing din kami last time na nagenjoy ang mga pamangkin ko kasama sina Kuya at Ate.

Napatawa ng mahina si Daddy.

"You will always be my baby Bunso, kaya nga kahit ang kuya at ate mo ay ganoon din ang tingin nila sayo" ani ni Daddy.

__

Halos isang linggo na ang nakalipas. hindi ko pa rin nakakausap si Ethan, madalas akong makatanggap ng mensahe sa kanya, na nagsasabing mahal niya ako at nagungulila rin siya sa akin.

Hindi ko maiwasang mag alala.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa ibaba, eh pinapasok na po ni Sir ng masalubong nila sa labas" ani ng katulong ng pinagbuksan ko ng pinto. Napangiti ako, nagmadali akong maghilamos, ngunit nakapajama pa rin akong suot. Nagsuklay lang ako at nagpusod ng buhok. naisip kong si Ethan yun dahil hindi naman papasukin ni Daddy ng hindi nila kilala.

Hindi ko maitago ang saya kong pababa.

Napahinto ako ng mapansin kong ibang tao yun. Sa likuran pa lang alam kong hindi si Ethan yun. nanlumo akong nalungkot.

"Uhm.." kuha ko sa atensyon nito.

Lumingon ito sa gawi ko.

Hindi ko siya kilala. Ngumiti ito ng tipid at saka kumunot noong umubo ng bahagya.

"Y-you're looking for me?, I don't think I know you" tanong ko ng diretsuhan.

"I'm sorry... I'm Caleb" aniyang naglahad ng kamay na tinanggap ko.Caleb?

Napatango akong naalala kapatid ito ni Ethan.

"Yeah, naikwento ka ni Ethan... where is Ethan? Kamusta na siya?" ani kong lumapit dito.

"Is he fine? kamusta ang sa Singapore?tell me that he is fine!" ani kong di napigilang tumaas ang boses ko.

"A-actually, i 'm here because he wants to see you..." aniya.

Napalunok akong parang may bara sa lalamunan ko.

"B-bakit hindi siya ang pumunta dito para kitain ako?" mahinang tanong kong para akong mauubusan ng boses.

***

You HappenedWhere stories live. Discover now