***
Humilig ako sa dibdib nito ng sumakay kami sa isang Gondola Ride.
"The last time na nakita kitang nakatingin dito malungkot ka" aniya.
"Eh, bitter pa ako noon eh" ngiti kong sagot.
"I know, kaya nga niyaya kitang sumakay nuon" sagot nito.
Ngumiti ako.
"U-uhm, how about n-" aniyang sinabaran ko agad.
"I'm not anymore, masaya ako Ethan probably events were too fast for us, but I am honestly happy" sinsero kong sagot. Siguro hindi mawawala ang insekyuridad at pangamba namin pareho but I am genuinely happy... sa piling niya.
"Thank you" aniyang humalik sa sentido ko.
Maghapon kaming naglagi sa mismong mga gallery at shops ng hotel.
"Tara na" aniyang yaya sa akin paakyat ng suite namin. Pabalik na kami ng Maynila bukas.
"Dito ka muna" aya ko ng inihatid ako sa kwarto ko.
Tumango itong sumunod sa akin.
Papasok ako ng kwarto ko ng humawak ito sa braso ko.
"U-uhm..." aniyang napahawak sa braso ko.
"I-I want to give you something" aniyang dumukot sa bulsa nito. Isang bracelet na may mga charms. Ikinabit nito sa palapulsuhan ko ng walang kahirap kahirap. Napangiti akong sinuri yun isa isa, charms na may eroplano, isang cupcake, isang tower, mickey ang minnie design, pangalan ng HK at macau, isang maliit na temple at isang hugis puso.
"Ang ganda, salamat" komento ko.
"U-uhm, I don't think it is enough yet" aniyang sagot.
"Hey, let's take this easy, walang pressure" ani kong yumakap dito.
Yumakap ito ng mahigpit.
"Thank you"
***
Magkahawak kamay kaming bumaba ng hotel kinaumagahan. Kagabi ay magkatabi rin kaming natulog. Nagkuwentuhan lang sa ilang mga bagay bagay sa personal naming buhay.
Hindi ko sinabi sa pamilya ko na ngayong araw din ang balik ko ng Pilipinas. Nagpilit si Ethan na siya ang maghahatid sa akin sa bahay. Pumayag ako sa dahilang gusto ko rin namang makilala siya nina Daddy.
Pagcheck out namin ay panay ngiti ng naghatid sa amin na hotel assistant nuon sa suite namin. Nakatitig ito sa pinagsiklop naming kamay.
"Goodbye Macau, hello Philippines na" ngiti ko sa labasan ng Hotel.
Mamimiss ko ito, marami akong experiences dito, at memories na kasama si Ethan. Maraming bagay akong natutunan sa pagpunta ko dito.
Life is short and precious.
At bukod sa lahat, dito ko nakilala ang taong nakakapagpangiti sa akin ngayon at bumuhay sa patay kong puso.
***
"Relax" aniya ng palabas kami ng NAIA, kapatid niya ang susundo sa amin. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko.
Humawak ito sa kamay kong hila ang maleta namin.
Tanaw ko ang isang lalakeng pakaway sa gawi namin. Ngumiti si Ethan pabalik.
"Kuya!" ani naman ng isang babaeng kasama ng lalake. Yumakap itong humalik kay Ethan at naptingin sa akin.