***
"H- How is he?" tanong kong medyo hingal ng kumaripas ng takbo. Umuwi lang ako sandali para magbihis.
"He's not okay Ate, medyo bumaba ang blood pressure niya" ani ni Eliza. Tanaw ko si Rico sa labas na nakaupo lang at si Caleb na nakasandal sa pader na nakatingin sa gawi namin.
Napaupo akong humilamos ng mukha. Dinala sa ICU si Ethan.
Para akong nakalutang at di ko maintindihang takot at kaba sa dibdib, pakiramdam ko hindi ako makahinga at hirap akog lumunok, panay lang tulo ng luha ko sa gilid ng mata kong parang ayaw maampat.
Napatayo ako ng may mga doctor na papasok ng ICU, alam kong si Ethan ang sadya nila base sa narinig kong code sa pager ng ospital.
Nanlalambot ang tuhod kong napahawak sa pader.
"Sit" ani ni Caleb na inalalayan akong umupo. Inabutan niya ako ng panyo.
Tahimik akong humagulgol sa gilid. Ramdam ko ang paghagod sa likuran ko.
Nanalangin akong sana maayos lang si Ethan.
Ilang minuto pa ay lumabas ang doctor.
"He's okay, stable na siya... lumalaban siya, we lost him once but he is fighting" ani ng doctor na mukhang pagod.
"He's asking for Sophie?" ani ng doctor na lumingon si Caleb sa gawi ko.
*
"Ate mauna na kami" paalam ni Eliza. Tumango akong nagprisintang magbabantay muli kay Ethan.
Nakaupo ako sa waiting area ng ICU na naghihintay ng go signal ng doctor na pwede na akong pumasok.
Binigyan ako ng mask at sterile na gown, hawak ko ang singsing na bigay niya.
Matagal ko ng pinag isipan iyon, gusto kong magpakasal sa kanya.
"Magpalakas ka please..." ani kong tumulong muli ang luha ko.
Ramdam ko ang pagpisil nito sa kamay ko.
***
Naalimpungatan akong nagising sa marahang paghaplos sa pisngi ko.
Napadilat akong natitig si Ethan na nakangiti.
Napaangat ako ng tingin. Nakatulog akong nakasandal sa gilid ng kama niya.
"Ethan..." ani kong humawak sa kamay niya.
"U-umuwi ka muna, you rest" aniyang pilit na ngumiti, may nakakabit pang linya ng oxygen sa kanya, mas bawas na ang pagkaputla niya kaysa kagabi.
Umiling ako.
"Dito muna ako, nakapagpahinga na ako" ani kong humalik sa palad nito.
Ngumiti ito.
"Naandito naman sina Mommy at Caleb, magpahinga ka muna" aniyang napalingon ako sa likuran kong naandon nga ang pamilya niya. Hindi ko namalayan na pumasok sila dito sa kwarto. Magdamag akong gising kagabi na kinakausap siya.
Tumayo akong hinagkan ito sa noo.
"Doon muna ako" bulong ko para bigyan ng oras ang mga magulang niya.
Lumapit akong inalok sa Mommy nito ang bangko.
"Salamat Anak" aniyang tumabi kay Ethan. Umupo ako sa likuran.
"U-uhm, are you hungry?" tumabing tanong ni Caleb sa akin.
Umiling ako.
"May dala kasing food si Tita, kung ayaw mo naman pwede kitang samahan sa cafeteria" aniyang inilingan kong muli. Pinapanood ko alng ang mga magulang nito at mga kapatid kung paano nila asikasuhin at ipakita ang pagmamahal kay Ethan.