Chapter 1

640 49 4
                                    

VIA

It's early in the morning yet my day is already ruined. Aish, ang silaw. Binuksan na naman ni Tita ang bintana. It's annoying. Walang klase yet I feel like I don't have the right to oversleep.

I sighed. Tumayo na ako at pumasok sa banyo para maligo. The water is cold so I can't help it but to scream a little when it touched my skin. After a couple of minutes, I came out of the bathroom.

It's refreshing. Habang naghahanap ako ng maisuot ay may nakita akong kahon. Kumunot ang noo ko. Hindi ko naman ito nakita dito noon ah? And the box looks weird base on its design.

Nasa pinakasulok din siya nakalagay na mas lalong nagpa-weird. Kinuha ko ito at tiningnan nang mabuti. May nakataling sulat sa kahon kaya kinuha ko ito at binasa.

The letters says; "If you can read this letter, it means that you're ready. My dear daughter, I want you to have this necklace. This necklace means the most to me. Wear this and don't let the others see it. It's precious and it's only meant for you. Protect it at all cost. I love you, my dear daughter. Your father and I are always right here for you."

Napaupo ako nang mabasa ko ang letter. So this letter came from my mom? Ang sabi niya sa huli ay nariyan lang sila ng ama ko sa tabi ko palagi but look at this, they're not here.

Pinagmasdan ko ang kahon. Dahan-dahan ko itong binuksan at napanganga ako nang makita ko ang nasa loob. Ang ganda ng kwintas. Isa siyang crystal na sa loob ay may butterfly na gumagalaw na pinapalibutan ng parang sky blue na usok. It looks magical.

Kinuha ko ito sa kahon at pinagmasdan nang mabuti. Gumagalaw talaga ang paru-paro. Hindi pa ako nakakita ng ganitong kwintas. Whoever made this, it's wonderful. So this is the necklace that my mom is talking about. Honestly, hindi ko alam kung buhay pa ba ang mga magulang ko o ano? I sighed. My life is really complicated, I swear.

Isinuot ko ang kwintas at pinagmasdan ang sarili sa salamin. I smiled. Bagay ang kwintas sa 'kin. I winked in the mirror and smiled. Ang ganda ko. Maya-maya ay biglang tumunog ang tiyan ko.

Gutom na yata ang halimaw sa tiyan ko. Nagbihis na ako at bumaba para kumain.

"Good morning 'Ta! Anong ulam natin?" bati ko kay Tita Jenny. Tita ko siya. Siya ang nag-alaga sa akin simula noong sanggol pa ako hanggang ngayon. She never told me about my parents. Kapag nagtatanong ako ay iniiba niya ang topic o kaya naman ay iiwasan niya ito. I sighed. It's funny that I don't know anything about my parents.

"Ang ulam natin ay omelet, ham, and bacon," sagot ni Tita.

Inamoy ko ito. It smells delicious. Kumuha na ako at nagsimulang kumain.

"Nakapag-impake ka na ba, iha?" biglang tanong ni Tita.

"Yes, Tita. Kagabi pa po," sagot ko naman.

May pupuntahan kami ngayon at ang sabi ni Tita ay bagong school ko raw. Hindi ko alam kung ano ang naisip ni Tita at kung bakit bigla niya akong trinansfer ng school. My old school is great and it served as my second home dahil elementary pa lang ako ay doon na ako nag-aaral. Pero, wala naman akong reklamo dahil alam ko namang gusto lang ni Tita na mapabuti ako.

The Heiress Of MagicWhere stories live. Discover now