ELIEZER JACE
Five days has passed after the Black Necromancer's attack happened. Via is still asleep. I have been thinking about what happened for days.
Sobrang gulo. It is so confusing. Via's existence is confusing the hell out of me. Sino ba talaga siya? Saan siya nagmula? Paano niya nagawa 'yong pagpapalabas ng kapangyarihang tubig?
Bakit napapalibutan siya ng mga simbolo ng mga kapangyarihang hawak namin no'ng dumating kami para tulungan si Cyrine sa Black Immortals? Sobrang gulo. Now I'm curious about her.
Another question is that, bakit sumugod ang mga Black Immortals dito? That is just weird. Ano ang kailangan nila? Hindi sila sumusugod nang basta-basta rito unless may hawak kaming gusto nila makuha. What could that be?
Iniling ko na lamang ang aking ulo. Ang dami kong iniisip. Kailangan ko makahanap ng sagot. It is frustrating to have unanswered questions.
I also have a bad feeling about this new boy, Hendrix. He's weird as well. Hanging out with us as if he's a part of our circle. I'm sure he needs something from us. One doesn't stick with us unless one needs something.
Kailangan nang palakasin ang barrier ng school. It was easy for the Black Immortals to get inside. Konting tiis na lang. I know that the chosen one will be discovered and will be a part of us.
Papunta ako ngayon sa clinic para tingnan ang lagay ni Via. Natatanaw ko na ang pinto nang bumukas ito at lumabas ang isang lalaking hindi ko nakikilala. Hold on a second. I think this is Via's suitor.
His name is Skyler. I tsked. Kilala ko pala. He saw me and smiled but I ignored him. Napapaisip na lang talaga ako kung ano ang nagustuhan niya kay Via. She isn't that pretty anyway.
She's loud, annoying and stupid. She's transparent as well. She's someone that is easy to fool. Skyler should work on his standards. Via is getting Cyrine and Jeniah's attitude.
Mas maayos pa si Maya. She's serious and not that loud but then mukhang nahahawaan na rin sa kaingayan. Well, girls. Napailing na lamang ako ay binuksan ang pinto.
Kompleto sila, that's nice. Nahagip ng mata ko si Hendrix. Why is he here? "Pre, nariyan ka na pala. So ano ang pag-uusapan natin? Tapusin na agad para makakain na ako. I'm hungry." Jaxon complained.
Hindi pa nagsisimula, may nagrereklamo na. Napakatakaw talaga nito. Pag-uusapan lang naman namin ang nangyari kay Via.
"Puro pagkain, napakaingay. Napakatakaw." Cyrine said. At nag-umpisa na naman sila. I think it's already their hobby to go against each other. Kids.
"Ano ba ang pag-uusapan natin, Jace?" Lievelle asked. I can't start the discussion unless someone who doesn't really belong here is listening. Baka spy pa ang lalaking 'to.
I glanced at Hendrix who's now playing with an insect. Nakuha naman nila ang ibig kong sabihin. "Hendrix, p'wede bang ikaw na lang ang bumili ng pagkain?" Maya asked. Napatingin naman sa kan'ya si Hendrix.
Hendrix smiled and nodded. Tumayo ito at naglakad palabas. Pinakiramdaman ko kung may presensiya pa bang iba at nang masigurado na ay nagsalita na ako.
"Gusto ko lang na pag-usapan natin ang nangyari no'ng nakaraan." I started.
"Tungkol sa nangyari ba o tungkol kay Via?" Zane asked. Napatingin ako sa kan'ya. "Both, Zane." I answered and he nodded.
Paano ko ba umpisahan ito. Napakaraming nangyari. Unusual things happened ever since Via entered our school. She's really something.
"Cyrine, what did she do? Ano ang ginawa niyong dalawa at pinalibutan siya ng simboll ng mga kapangyarihang hawak natin?" I asked Cyrine. "Nothing. I just told her what we did when we're taming our powers. I told her to concentrate so that she'll be able to talk to the goddess of water." She answered.
Napaisip naman ako. Bakit tubig ang kanyang kapangyarihan? Isang mage lang dapat ang magkakaroon ng gano'n. The gods and goddesses only chooses one mage.
Natahimik ang lahat pagkatapos magpaliwanag ni Cyrine. They're probably thinking of how these things happened.
"Uhm, guys." Maya called our attention. Lahat kami ay napatingin sa kan'ya at naghihintay sa kung ano ang sasabihin niya. Magsasalita na sana siya nang marinig namin ang isang daing.
Lahat kami ay napatingin kay Via na unti-unting minumulat ang kanyang mata. Napalingon din kami sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang lalaking ayaw kong makita, si Hendrix.
VIA MYRRE
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Ramdam ko rin ang sakit ng aking ulo. What happened?
"Via! I'm so glad you're already awake. How are you feeling?" Lievelle said. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kan'yang mukha. Tiningnan ko ang palibot ko at nagulat ako nang makita na kompleto sila. Kahit si Hendrix ay narito.
White wall, medicines and health-related posters. Now I'm sure of where I am right now. I'm in the clinic. I managed to sit down.
"Ano'ng nangyari?" I asked. Nagkatinginan sila. "You passed out, remember?" Jeniah said. Nagulat ako. I passed out? Really?
"I did? Why did I passed out?" I asked. Nagulat sila at nagkatinginan ulit. Now I'm getting confuse. Ano ang nangyari at nawalan ako ng malay?
"Hindi mo maalala?" Kunot-noong tanong ni Zane sa akin. Inalala ko ulit ang nangyari sa akin. The last thing I remember is that Cyrine instructed me to talk to the goddess of water.
"Hindi e. Ang naaalala ko lang iyong nagko-concentrate ako upang makausap ko ang diyosa ng tubig. Cyrine instructed me to do so. Ayon lang ang naaalala ko." I answered.
Tumango-tango lamang sila. Kumunot ang noo ko. They're confusing me. May nangyari bang hindi ko nalalaman? Magtatanong na sana ako nang tumunog ang tiyan ko. Mukhang nagugutom na ang dinosaur sa tiyan ko.
"May pagkain ba kayo riyan? Gutom na gutom ako. It's like I haven't eaten for like three days." I said and laughed awkwardly. They all laughed at what I said. Ay, nakakatawa iyon para sa kanila.
Inabutan ako ni Jeniah ng pagkain at tubig. Ngayon ko lang napagtanto na wala pala si Skyler dito. Oh wait, ba't ko ba hinahanap iyon. Nagsimula na akong kumain.
"Alam mo pala na tatlong araw kang hindi kumain." Rayden said and then he chuckled. Patuloy lang ako sa pagkain nang mapagtanto ko ang sinabi ni Rayden. What what?
Napatingin ako sa kan'ya. "Ano sabi mo?" I asked him. "Hindi ka nakakain ng tatlong araw." Nanlaki ang mata ko. Agad akong uminom ng tubig nang mapaubo ako dahil nabulunan ako.
"Don't tell me tatlong araw akong nakahilata rito?" He just nodded. Wow, sleeping beauty na ba ako nito? Kumain na lamang ako dahil sa gutom. Kaya naman pala sobrang nagrereklamo na mga halimaw dito sa tiyan ko e. Tatlong araw palang hindi nakatikim ng masarap.
---
After an hour, the clinic nurse allowed me to go out. Ayos naman na raw ako. Bumalik na raw ang lakas ko at p'wede na raw ulit mahimatay. I chuckled.
Narito kami sa dorm namin. Pakiramdam ko talaga ay may itinatago sa akin itong mga kaibigan ko, e. Kanina pa ako tanong ng tanong kung ano ang nangyari sa akin at nahimatay ako but they refuse to answer.
Aside from that, ang tahimik nila. Usually kasi napakaingay namin e. We're chaotic and loud. Nakakapanibago. Something is really bothering them and I am curious about it.
Hinayaan ko na lamang sila at nagpahinga na lang. Sobrang naubos ang energy ko. Kahit ata mag-milo ako ng tatlong beses ngayong araw, hindi mababawi ang energy ko.
Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Nahiga na lamang ako at natulog.
---
MysteriousENDGoddess
YOU ARE READING
The Heiress Of Magic
FantasyA world full of magic. A kingdom of euphoria and a place of passion. All of that was in chaos when a kingdom of darkness and the aura of death created a war to kill thousands and to rule the whole world. The beauty of magic faded. Goodness has onc...