Chapter 5

240 42 0
                                    

VIA

"Hey, Via! Wake up. We're going to be late."

Tinakpan ko ng unan ang ulo ko dahil sa ingay ng boses ni Jeniah. She's so loud. Respeto naman diyan sa natutulog pa oh.

"Hey! Wake up! Bahala ka diyan. Iiwan ka namin."

I groaned.

"Give me five minutes." naiinis na sabi ko.

I need more sleep. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa kakaisip tungkol sa mga nangyari kahapon.

"Five minutes?! Ayaw mo bang pumasok? Bahala ka na nga. First day mo pa naman."

Narinig ko ang boses ni Lievelle. Bumangon na lamang ako at tinungo ang banyo para maligo. Kahit inaantok pa ako ay kailangan ko nang bumangon. I don't want to be marked as late on my first day of school in this weird place or world.

Nang matapos na akong maligo ay lumabas na ako sa banyo at lumapit sa box na nasa kama ko. Sabi ni Jeniah ay uniform daw namin ito. Hindi ko pa 'to nakikita. Binuksan ko ang box at namangha ako sa nakita ko. Woah, ang ganda ng uniform. Isa itong puting longsleeve na may violet na kwelyo at violet na ruffles.

Ang skirt ay kulay lila rin na medyo kumikinang pa. I like the color of their uniform but I don't like the idea of wearing a skirt. Masyadong exposed na 'yong legs ko. Pero, may magagawa ba ako? I sighed and wore the uniform.

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Bagay ang uniform sa akin. Ang ganda ko talaga. Napatingin ako sa logo na naka-engrave sa puting longsleeve na suot ko ngayon. I think this is the logo of the school. Isa itong paru-paro na may banner sa gilid nito. Cute.

Isinuot ko na ang necktie ko na kulay lila. May logo rin ito ng school at may naka-engrave na 'HU'. Beautiful and cool. Lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa kusina. Nadatnan ko roon ang mga kaibigan ko na kumakain na. Umupo ako sa bakanteng upuan at nagsimula na ring kumain. Oh, ang sarap ng luto. Sino kaya ang nagluto nito?

"Sh*t. 25 minutes na lang. Mamaya na lang natin ayusin. Tara na," sambit ni Cyrine.

Oh. Nagseseryoso pala si Cyrine kapag male-late na kami. Nakakatakot siguro 'yong mga teachers. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa naisip ko. Ayoko pang mamatay. Lalo na't wala naman talaga akong kapangyarihan. Ano na lang ang iisipin ng iba? Nakapasok ang isang normal na tao sa mundo ng mahika.

Nakasunod lang ako sa kanila dahil hindi ko alam kung saan ang kwarto ko. Kaklase ko naman sila kaya okay lang na sumunod ako sa kanila. Napatigil ako sa paglakad nang huminto sila Jeniah. Napatingin ako sa pinto kung saan kami tumigil. Section Pegasus. Yeah, this is my room.

Unang pumasok sina Maya at ako naman ang pinakahuli. Nabaling sa akin ang atensyon ng mga nasa kwarto. What do I expect? I'm with this princesses. Malamang ay sikat na sikat sila tapos ako freshman pa lang pero kasama ko na agad sila. This is how the world works now.

Some students are glaring at me while the others are staring at me from head to toe. This is very uncomfortable.

"Girl. Look oh! Bakit kasama niya ang royalties?"

"I know right! Tsk, feeling close yata siya. Porket mababait ang mga royalties."

"Humanda siya kay Iris."

Uso rin pala rito ang mga chismosa. Humanda ako kay Iris? I don't even know that person. Great, what a nice welcome. Ano naman kung kasama ko ang royalties? They are my roomates slash friends. Aigoo.

The Heiress Of MagicWhere stories live. Discover now