Chapter 6

223 40 4
                                    

CYRINE

Nandito kami sa cafeteria. Nakaupo kami sa table na exclusive lang para sa amin. It's only for royalties. I can feel the insecurities of other students towards Via. People nowadays. They'll find a hole just to make you look dirty. I don't even know why they created a rule saying that no one will be friends with us unless you're a royalty or your level is the same with us.

I don't like it. Pantay-pantay lang naman kami rito. Via is a good person. I can sense it. Naniniwala ako sa kanya nang sabihin niyang galing siya sa ibang mundo pero naniniwala rin ako na may rason kung bakit nandito siya.

I mean, she's a mystery for me. Dormmate namin siya. We are royalties. She's not a royalty. I'm not against her but it's really a mystery. She's a good person and I would like her to be my best friend. Nagsasawa na ako sa pagmumukha ni Jeniah, Maya at Lievelle. Natawa ako sa na isip ko.

"Ano na'ng order niyo?" biglang tanong ni Maya. The same old Maya. Pagdating sa pagkain ang hyper niya.

"Order ko? Malamang pagkain. Common sense, hahaha," ani Jaxon. Sinamaan siya ng tingin ni Maya.

"Eh kung bitayin kita sa puno ko hanggang sa mawalan ka ng hininga? Epal 'to," nanggigigil na sabi ni Maya. Tumawa lamang si Jaxon.

"Jerk," mahinang sabi ko. Napatingin sa akin si Jaxon at kumindat. Napangiwi naman ako.

"I'm proud to be one, hahaha."

Bumuntong hininga na lamang ako sa sagot niya. Wala na talagang pag-asa na tumino pa si Jaxon.

"Red velvet cake na lang akin, Maya. Thanks."

Tumango si Maya. Nilapag na rin ng iba ang kanilang mga order. Maya is good at memorizing kaya hindi siya nahihirapang i-memorize ang mga order namin. Amazing, right?

"How about you, Via? What's your order?" tanong ni Maya kay Via na pansin ko ay kanina pa nananahimik. Oh, hindi pa pala niya kilala ang mga lalaki.

"Sundae na lang," nakangiting sabi niya. Is she on diet or she's shy?

"Jace?"

"I'll go with sundae," maikling aniya.
Via gave Jace an annoyed look. Ako lang ba ang nakakita? I chuckled lightly. Did something happened between them without us knowing?

Bigla kaming natahimik. An awkward silence to all of us. Anong magandang i-topic?

"Via, what do you feel about the school? May crush ka na ba rito?" I asked.

"Oo nga, Via. Is our school great or nah? May crush ka na ba? Share naman diyan," singit ni Jeniah. Nakita kong napasulyap siya kay Zane na ngayon ay cold pa rin.

Sus, crush niya lang si Zane eh.

"Jeniah, Jeniah, Jeniah. Umamin ka na lang na crush mo si Zane."

Tumawa ako ng mala-demonyo nang sabihin ko iyon. Bakas naman sa mukha ni Jeniah ang gulat. Sinamaan niya ako ng tingin. Inasar naman siya ng iba at deny lang siya nang deny. Aigoo.

"You have a crush on me?"

Natahimik ang lahat nang itanong iyon ni Zane. Minsan lang magsalita itong si Zane.

"Hindi 'no. Bakit naman ako magkakagusto sa 'yo? Oy, Cyrine. Pinagsasabi mo ba? Walang forever tigil-tigilan mo ako."

Natawa na lamang ako.

The Heiress Of MagicWhere stories live. Discover now