Chapter 4

257 38 0
                                    

VIA

"Ano ang pangalan mo?" tanong ko sa cute na ref. Its color is light blue. This talking mini fridge looks amazing.

"Wala po akong pangalan. Our master is the one who gives us a name," ngiting sabi niya. Awe, it's so cute. It's also talking in English.

"Who's your master?"

"You."

Nagulat ako nang sabihin iyon ng talking fridge. I'm its master? Then I should name this fridge. Ano kayang magandang pangalan sa isang mini fridge?

"How about, Frizzy?"

The fridge smiled and said yes. Frizzy gave me a juice. Tama nga ito, nabibigay nito ang pagkain o inumin na gusto ko. This is totally awesome. This room is beautiful. It's girly but tolerable. Kwarto na binuhusan ng glitters. I chuckled at my own thoughts.

Napatingin ako sa relo ko. Oh, it's 7pm. Hindi ko na namalayan ang oras. Masyado ata akong naaliw sa mga magical happenings dito sa kwarto ko. Hindi ko pa nakikila ang mga kasama ko rito sa kwarto. Inilibot ko ulit ang mata ko sa kabuuhan ng kwarto ko. That pink-haired girl said earlier that the color of this room will change based on the power that I have.

Wala naman akong kapangyarihan pero bakit nagbago pa rin ang kulay ng kwarto? Does that mean, may kapangyarihan ako? Napailing ako. Imposible. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at napagdesisyunang lumabas ng kwarto.

Nang isarado ko ang pinto ay nagulat ako nang lumiwanag ang pinto at naging kulay violet ito at nagkaguhit ito ng paru-paro. Kumunot ang noo ko at hinaplos ang guhit. A butterfly? I shrugged and made my way to the living room.

Nadatnan kong walang tao sa living room kaya pumunta ako sa kusina at nadatnan ko silang naghahanda ng hapunan. I still don't know their name.

"Oh, 'andiyan ka na pala, Via. Akala ko hindi ka na lalabas sa kwarto mo," sabi ng pink-haired girl. I'm really curious about their hair. Was it natural or dyed? Wala naman sigurong buhok na ganyan ang kulay since birth, 'di ba?

I just smiled at her.

"Let's eat, girls. I'm already hungry," sabi ng yellow-haired girl. She looks nerdy yet beautiful. Umupo ako sa bakanteng upuan. Medyo hindi pa ako komportable dahil hindi ko pa sila kilala. Nahihiya naman akong itanong ang pangalan nila.

"Oh, you've been here for how many hours pero hindi pa rin kami nagpapakilala sa 'yo. Sorry for that. Ako nga pala si Jeniah Eve Dimsay," pakilala ng pink-haired girl na kausap ko kanina.

"At ako naman si Hemiah Ven Rionsey. Maya for short. You can call me with any names you're comfortable with," nakangiting pakilala ng babae na may lilang buhok.

"I'm Cyrine Kenn Payton. I'll give you a gucci bag later as a gift, friend," sabi ng babae na may dilaw na buhok. A preppy girl. Her yellow hair suits her.

"I'm Lievelle Rae Miniuet and I love Science. I'm also the electric princess. I can help you with your assignments," aning purple-haired girl.

Ano ulit ang sabi niya? Electric Princess? She's a princess? W-What? Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. She looks serious at wala akong makita na bakas ng pagloloko sa mukha niya.

"Electric Princess? You're serious?"

"Yes, I am."

She smiled. I don't know how to react. Too much magical happenings to absorb. So that means, she's a mage? And her power is electric? That's cool but scary. Oh come one, I'm supposed to be scared. I can't understand myself.

The Heiress Of MagicWhere stories live. Discover now