VIA
Hinahanap ko pa rin ang dorm ko. Tama ba talaga ang dinadaanan ko? Ang daming pasikot-sikot kasi. Nakakalito. Maya-maya ay natanaw ko na ang dorm ko kaya napangiti ako. Sa wakas, makakapagpahinga na ako.
Hindi ko naitanong kay Headmaster kanina kung nag-iisa lang ba ako sa kwarto o hindi. Baka lalaki pala ang makakasama ko, nako. Siguradong mag-aaway kami ni Headmaster kung mangyayari 'yon.
Kumatok muna ako at agad namang binuksan ang pinto. Nagulat ako nang pagkabukas ng pinto ay may sumalubong sa aking libro. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko kaya naiwasan ko ito. What the hell just happened? Meron bang flying book dito? Ang gandang bungad naman no'n.
I opened the door even more only to find four girls who's hugging each other and they seem scared. What? Nakakatakot ba ako? Nang makita nila ako ay nakahinga sila nang maluwag. Ngumiti sila sa akin as if walang nangyari.
"Oh my gee. You're our new dorm mate?" excited na sabi ng yellow-haired girl. Tumango ako sa kanya at napangiwi nang tumakbo ito papunta sa akin at niyakap ako.
"Hala, natamaan ka ba ng libro?" tanong ng purple-haired girl habang papalapit sa akin.
"Hindi, nakaiwas naman ako," sagot ko sa kanya. She smiled at me. She's cute and that blonde girl looks pretty.
"Pasensya ka na do'n ha. Akala kasi namin bumalik na iyong nan-trip sa amin kanina. Pasensya na talaga," paliwanag ng violet-haired girl. Whoa, I like her hair. It suits her and it's my favorite color. She's also pretty.
"Pumasok ka na. Akin na ang mga gamit mo, ihahatid kita sa room mo. Welcome to our room!" nakangiting bati ng pink-haired girl. Is their hair natural or what?
Kinuha ni pink-haired girl ang mga gamit ko at nagsimulang lumakad. Sumunod ako sa kanya. Wait, hindi ko man lang naitanong ang mga pangalan nila. They just dragged me real quick. Mamaya na lang siguro.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto. Napanganga ako. This is not a dorm, it's a freaking house! I saw a kitchen, living room, comfort room and rooms. This is really a house. But it's cute! Ang pinta ng bahay-kwarto rather, ay light pink, white, and light blue. Perfect combination.
Natigil kami sa harap ng limang pinto. Pinagmasdan ko ang pinto ng bawat kwarto. Ang pinto ng nasa pinakadulo ay asul na may guhit na teardrop of water. The paint looks real. Very creative.
Napatingin ako sa kasunod na pinto. Ito'y kulay puti na may guhit na isang buhawi. It looks realistic. Cool but weird. Ang kasunod ay dark violet at may guhit na electric volt. The color of the electric volt is a combination of blue, light blue and gray. Awesome.
Lastly is a light green door with a drawing of a plant. Just like the others, it also looks real. Ano ang ibig-sabihin ng mga drawing na 'to? Is this some kind of a symbol? But, for what? It's weird but the drawing really looks awesome. Well, this is a world full of magic. What do you expect?
Napatingin ako sa isang pinto. It's plain white. It doesn't have any design or drawing. I assume that this will be my room. They're so harsh. It doesn't have any design. I will have to draw it later. Binuksan ni pink-haired girl ang kwarto at ipinasok ang maleta ko. Hindi ba siya nabibigatan? She looks chill.
"So, uhm, what's your name?"
"Via Myrre," sagot ko.
"Nice name. Anyways, as you can see, your door doesn't have any design. Sa oras na pumasok ka sa kwarto mo ay mag-iiba ang kulay ng buong kwarto mo pati na rin ang pinto and it will be based on your power," paliwanag nito.
Power? What? But I don't have any power.
"But I don't have-"
"Oh my. You will have to tell me about the color of your room later, okay? I'll go muna," putol nito sa sasabihin ko at umalis. Aish.
Pumasok na lamang ako sa kwarto at bumungad sa akin ang mga pader at mga gamit na kulay puti. Oh come on, they didn't even exerted any effort to decorate my room. I pouted. Ang sabi noong pink-haired girl ay mag-iiba ang kulay ng kwarto na ito sa oras na pumasok ako. I waited a couple of minutes for any changes but nothing happened. Oh come on, I'm a normal girl, nothing will happen.
Padabog akong umupo sa kama. Woah, the bed is soft. I like it. Inayos ko na ang mga gamit ko. Habang nag-aayos ako ay napansin kong unti-unting nagliliwanag ang pader. What is happening? Napatakip ako sa mata dahil biglang umilaw ang buong kwarto ko.
After a couple of seconds, ibinaba ko na ang kamay kong nakatabon sa mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad saakin ang bahag-haring kulay ng buong kwarto. What just happened? Wala naman akong kapangyarihan ah? Bakit ganito?
My room just turned into a rainbow-like room. This is so girly and cute. Nagulat ako nang biglang lumutang ang mga gamit ko at naglaho. W-What? My things! Where did it go? Mangiyak-ngiyak kong hinanap ang gamit ko sa buong kwarto pero hindi ko ito nahanap. Anong susuotin ko? What the hell.
Nakuha ng attention ko ang isang walk-in closet na walang kulay kanina pero ngayon ay kulay pink na ito at may glitter pa. Oh boy, this is so girly. Dahan-dahan ko itong binuksan at napanganga ako nang makita ang nasa loob. Is this even a walk-in closet?
This is like a secret passage to a new room. Four rooms, actually. Pumasok ako sa walk-in closet at tiningnan ang mga pinto. Is this connected to the room of my other dorm mates?
Let me see. Una kong nilapitan ang pulang pinto. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang maliit na kwarto na punong-puno ng mga sapatos, sandals and heels. Okay, I give up. This place is really magical and I can't absorb all of these crazy things.
Tiningnan ko ang mga sapatos. Ang gaganda at pangmayaman ang mga ito. Cool. Lumipat ako sa kulay dilaw na pinto. Binuksan ko ito at halos manghina ako nang makita ang nasa loob nito. Jewelries. F*cking jewelries, everyone. Ang daming kwintas, bracelets and earrings. Ang sosyal ng mga 'to.
Lumapit ako sa kulay kahel na pinto at pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mga magagandang damit. Dresses, pants, shorts, T-shirts, sweatshirts, crop tops and skirts. This is too much. This place is too magical that I already feel that I don't belong in here.
I proceeded to the sparkly green door. Halos maiyak ako nang makita ang nasa loob nito. Gowns. Damn gowns, people. Nagpakawala ako ng buntong hininga dahil sa pagkamangha ko. Lumabas ako ng walk-in closet at isinara ito. Kaya pala biglang naglaho ang gamit ko kanina, may mga gamit pala rito na pangmayaman. Kung hindi ko lang alam na magic world ito ay iisipin kong bilyon ang halaga ng mga gamit dito.
Nakaramdam ako ng gutom at lalabas na sana nang may mapansin akong mini fridge. Ang yaman talaga ng school na ito. Linapitan ko ito at labis na lamang ang pagtataka ko nang makitang walang handle ang pinto. Paano ba ito buksan?
"Ano gusto niyong pagkain, Madame?"
"Ahhh!"
Napatili ako nang bigla itong nagkaroon ng mukha at nagsalita. A t-talking fridge. Napahawak ako sa mga mata ko at kinusot ito. It's really a talking fridge!
"'Wag po kayong matakot. Nagsasalita po talaga kami. Sabihin mo lang ang gusto mong pagkain at ibibigay ko po iyon," ngiting sabi ng mini fridge.
Gulat pa rin akong nakatitig dito. My mind can't process this thing. It's a damn talking fridge. Unang araw ko pa lang dito pero ganito na ang mga nangyayari. Ano nalang kaya ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw? Siguradong pupulutin ako sa mental.
Nang kumalma ako nang konti ay lumapit ako sa talking fridge. It looks harmless.
---
MysteriousENDGoddess
YOU ARE READING
The Heiress Of Magic
FantasíaA world full of magic. A kingdom of euphoria and a place of passion. All of that was in chaos when a kingdom of darkness and the aura of death created a war to kill thousands and to rule the whole world. The beauty of magic faded. Goodness has onc...