Chapter 7

217 36 6
                                    

VIA

Naglalakad kami ngayon habang nag-uusap. Pupunta raw kami sa field ng University. Mas malaki kaya ang field dito kaysa sa luma kong school?

"We're here! Welcome to Hezaira University's field, Via," ani Cyrine. Pinagmasdan ko ang field at napanganga ako nang mapagtanto kong mas malaki nga ito sa field ng dating school ko. It's two times wider, cool.

Hindi namin kasama si Jace. May pupuntahan daw eh. Ewan ko do'n sa supladong lalaking 'yon. This is really cool. Mas malaki pa ito sa covered gym namin. Pwede na mag-picnic dito.

Napatingin ako sa mga naglalaro ng soccer. Uso rin pala ang sports dito. Buti na lang meron pang normal na pwede kong gawin dito.

"Via, look at that. Naglalaro si Skyler ng soccer," ani Maya sabay turo kay... Si Skyler nga. He's handsome, I admit. No wonder kung isa siya sa mga campus crush dito sa not-so-normal school na 'to. Nabanggit ni Cyrine kanina na siya raw ang pinakamagaling na illusionist dito. I wonder what an illusionist can do? Umiwas ako ng tingin nang napatingin siya sa 'kin. What the hell.

"Oh my, tumingin siya kay Via. Ang haba talaga ng hair mo, Via, pakiputulan nga. Baka apakan ng iba oh. Sayang hindi kayo MU."

I tsked.

"MU? Mag-isang umaasa?" bulong ko. Napatingin naman sa'kin si Maya.

"Mukhang unggoy raw. Pft." Natawa kami ni Maya.

"Misunderstanding," dugtong ko. Napailing na lang si Maya na ikinatawa ko nang mahina.

Uso rin pala rito ang hugot. Nice, updated sila sa nangyayari sa mortal world. Pft.

"Lievelle!" biglang sigaw ni Jeniah kaya napatingin kaming lahat kay Lievelle na muntikan nang matamaan ng soccer ball. Ibinaling ko ang tingin ko sa mga naglalaro ng soccer at lahat naman sila ay tumatakbo papunta rito.

"Princess Lievelle, natamaan po ba kayo? Pasensya na po, hindi namin sinasadya."

Nang sabihin iyon ni Skyler ay humingi na rin ng pasensya ang mga kasama niyang naglalaro ng soccer kanina.

"Hindi sinasadya? Ako, hindi ko sinasadya na mahulog sa kanya," napatingin kaming lahat kay Maya nang bigla itong humugot. Alam kong ngayon ko lang sila nakilala at naging close pero ang sarap din batukan ng isang 'to eh.

"Sino yan, bes? Tara patayin natin," ani Jeniah.

"'Wag niyo na lang pansinin si Maya. Anyway, okay lang 'yon. Next time, mag-ingat kayo sa paglalaro ah?" bilin ni Lievelle.

"Maraming salamat po, Princess Lievelle. Hindi na po mauulit." Tumango lamang si Lievelle at ngumiti. Parang nakakahiya naman na lahat ng tao rito tinatawag sila na Princess or kaya Prince tapos ako na sampid lang dito, hindi.

"Sana linakasan nila 'yong sipa para sapol sa mukha ni Maya. 'Di ba, Zane?" biro ni Jaxon. Hindi sumagot si Zane kay Jaxon na ikinatawa ko nang mahina.

"A-Aray! Makabatok ka, Maya, ha. 'Pag ikaw sinapak ko, knock out ka ulol."

Hindi ko alam kung ganito talaga si Jaxon sa lahat o sa kanila lang dahil mukhang okay naman sila sa inaasal ni Jaxon. Napatingin ako kay Skyler at nagulat ako nang mapagtantong nakatingin din siya sa'kin. Ngumiti ito kaya nginitian ko rin siya. He's a good person, I can sense it.

--

Matapos ang ilang oras na paglalakad sa mga sulok ng school ay napagpasyahan na naming bumalik sa aming dorm. Bumalik na rin ang mga lalaki sa kani-kanilang dorm. Nakakapagod rin naman kasi ang ginawa naming paglilibot.

The Heiress Of MagicWhere stories live. Discover now