VIA MYRRE
Narito kami sa field ngayon. Hinihintay namin si Headmaster. Kailangan namin gumising ng umaga kaya 4:30 pa lang, bumangon na kami. Iniisip ko pa rin talaga kung ano ang mangyayari. Ang masasabi ko lang, bahala na talaga si Batman.
"Ang tagal naman ni Headmaster." reklamo ni Jaxon. "Magliliwanag na lang talaga, hindi pa siya dadating." dagdag nito. Kahit kailan talaga ang lalaking ito. Napakareklamador, e.
"Alam mo, manahimik ka na lang. Wala namang maitutulong ang pagrereklamo mo. It is just a nuisance." sabat ni Cyrine at umirap ito. Nako, nag-uumpisa na naman itong dalawa.
Ship ko sana sila kaso mukhang malabo naman na magkasundo ang dalawang ito. Palaging nagbabangayan. Hindi ata nako-kompleto ang araw kapag walang bangayan na nagaganap.
"Kinakausap ba kita, Cyrine?" sagot ni Jaxon. "Hindi pero nakakarindi ang boses mo kaya shut up ka na lang." Napatingin naman ako kay Cyrine nang sabihin niya iyon.
"Nakakahiya naman sayo na boses tiyanak. Hiyang-hiya talaga ako." palihim akong natawa sa sinabi ni Jaxon. Kahit pareho silang nakakarindi pero nakakatawa rin ang bangayan nila.
Magsasalita pa sana si Cyrine nang magsalita na si Jace.
"Ang ingay." Walang emosyon na sabi nito. Agad na napatigil ang dalawa pero nagpapalitan pa rin ito ng mga masasamang titig. Sumusunod talaga sila kay Jace. They respect him as their leader. Well, he's indeed the strongest among them.
Matapos ang ilang minuto ay dumating na si Headmaster. Finally, tapos na ang paghihintay.
"Apologies for making you all wait. May dinaan lang ako." he said. We just nodded. "Here, take this." May inabot boxes ang Headmaster. Ang napunta sa akin ay violet na box. Ano kaya ang laman nito?
"What's this, Headmaster?" Zane asked. "Just open it." Headmaster answered. Binuksan namin ang box at bumungad sa akin ang isang bracelet na may pendant na butterfly. It's a violet butterfly. Cute.
"Suotin niyo 'yan. It will serve as your protection. Delikado ang forest of Almira. Hindi natin alam kung ano-ano ang mga nandoon. Baka may mga gumagala rin na mga Black Immortals doon. Wear that bracelet so that the Black Immortals won't be able to sense your presence." paliwanag nito.
Kaagad naman naming sinuot ang bracelet na ibinigay sa amin. Now I'm at ease even just for a little. Kahit papano may proteksyon na ako.
"Now, I wish for your success. May you all have a safe journey." sabi ni Headmaster at nawala na ito. Teleportation.
Nagulat kami nang biglang may lumiwanag sa aming harap. The light formed into a portal.
"I think this portal will take us to Almira forest. We have to go before this portal disappears." nang sabihin iyon ni Rayden ay nauna na itong pumasok sa portal.
As far as I remember, this is my second time using a portal. Nagsisunuran na rin ang iba at pumasok na sa portal. Naiwan kaming dalawa ni Zane. I need to face this. Kaya ko ito. Makakaya ko ito.
This is no game at all. This is reality.
"Are you scared?" tanong ni Zane. Napatingin naman ako sa kan'ya at umiling. Sinong takot? Aba, hindi ako takot.
I heard him chuckled kaya napatingin ulit ako sa kan'ya. Zane actually chuckled, wow. "Don't be scared. If anything happens, just call my name. I got you, Via." Gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi ni Zane.
Good thing I got good friends.
Nagulat ako nang hinawakan ni Zane ang kamay ko at hinila papasok ng portal. Napapikit naman ako nang may maramdaman akong kakaiba. After a second ay naramdaman ko na matigas na ang inaapakan ko. Ayos na ba? Is it safe?
"You can open your eyes now, Via." rinig kong boses ni Jaxon. Minulat ko naman mata ko at bumungad ang mukha nilang nagpipigil tawa. Aba, mukhang pinagtatawanan pa ako ng mga ito.
Inilibot ko ang aking paningin. So this is the forest of Almira. It's creepy. Ang tataas ng mga puno at wala akong makita na makukulay na bulaklak. Medyo madilim din ang paligid.
"Mabuti na lang at humingi kaagad ako ng mapa kay Headmaster." sabi ni Lievelle at kinuha ito sa kanyang bag.
"Good thing we have a smart friend like you." puri ni Maya sa kan'ya at nag-thumbs up. Lievelle just smiled. Well, totoo naman. Lievelle is tge smartest among us.
"Alright, let's start walking." A cold voice spoke at my back. His cold voice always got me. I have been always curious about why Jace is like that.
Was he born cold? Did something happened to him that made his emotions faded? Kahit sa mata niya, mahirap hagilapin ang emosyon.
"Staring is rude, Via. Just speak up if you need something." Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon. What? Ako nakatitig sa kan'ya? No way.
"Assumero. Hindi ako nakatitig sayo ano. I was looking at your back." sagot ko sabay irap. "Yeah, and pigs can fly." napaismid naman ako sa sagot niya. Whatever.
"Maybe pigs can really fly here in magic world." I muttered. Kung sa mundo ng mga tao sana, applicable pa ang idiomatic expression na iyan. But dito sa magic world, just one spell and the pig will really grow some wings.
Napatigil ako nang marinig ko si Jace na tumawa ng mahina. Napatingin ako sa kan'ya pero nauna na ito sa akin. Wow, he laughed! The fire manipulator can laugh. I just smiled.
HENDRIX COLE
Papunta ako ngayon sa silid ng ama ko. Pinapatawag niya raw ako. I'm sure he's just going to ask about Hezaira University. I tsked. Of all mission, this is the only one that I hate.
My Mom taught me to be kind. She raised me to be kind while my father is teacher me to do bad things. He ordered me to kill our own comrade at the age of 9. After that, my Mom scolded me because what I did was wrong.
I love my father but I guess he doesn't like me at all. Selfish ang ama ko. Alam kong gusto niya lang maghiganti. Gusto niyang maging makapangyarihan upang mapatunayan ang kanyang sarili. Upang maibangon ang ego niyang naapakan.
Binuksan ko na ang pinto at agad na pumasok. Bumungad ang ama kong nakaupo sa kanyang trono.
"Ama." panimula ko. Agad siyang napatingin sa akin at ngumisi. "Narito ka na pala. Kanina pa ako naghihintay sayo. Ano ang maibabalita mo sa akin?" Sinalubong ko ang mga titig niya.
"Pasens'ya na ngunit wala akong maibabalita, Ama. Masyadong tahimik ang mga tao roon. Wala silang ginagawang kakaiba o laban sa atin." sagot ko. Agad akong napaluhod nang batuhin niya ako ng bolang itim.
"Hangal! Paniguradong may mga itinatago sila ngunit isa kang mangmang na hindi mo malaman ito. Wala kang kwenta." sigaw nito sa akin. Agad na sumiklab ang galit sa akin. Palagi na lang ganito.
"Umalis ka na habang hindi pa nag-iinit ang ulo ko at baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo." Nang sabihin niya iyon ay lumakad na ako palabas ng silid. I've been enduring this hell for too long.
I wanted to be free. I wanted to have a mind of my own. Hindi maiwasang manikip ng dibdib ko habang naglalakad ako. If only Mom is still alive.
Napagdesusyunan ko na lamang na bumalik sa Hezaira University. Mas gusto ko na lamang lumagi rito. Lalo na't may napupusuan akong babae rito. Napangiti ako nang maalala ko ang magandang mukha niya.
She's so pretty. Just seeing her smile completes my day. I think I do really like her. Sana lang matanggap niya ako kapag nakilala niya ako ng lubusan. Hindi ako makakapayag na masaktan siya. If I'll have her, I'll be the happiest.
I smiled again.
---
MysteriousENDGoddess
YOU ARE READING
The Heiress Of Magic
FantasyA world full of magic. A kingdom of euphoria and a place of passion. All of that was in chaos when a kingdom of darkness and the aura of death created a war to kill thousands and to rule the whole world. The beauty of magic faded. Goodness has onc...