VIA
"Guys, punta tayo sa training field," biglang sabi ni Cyrine. "At ano naman ang gagawin natin doon, Pangit?" Binigyan ni Cyrine si Jaxon ng matalim na titig.
"Ano ba kasi ang ginagawa sa Training Field?" diniinan ni Cyrine ang pagkakasabi sa salitang 'training'.
"At 'wag mo nga akong tawaging pangit. You're the one who's ugly and you're passing it to me? Duh! " maarteng ani Cyrine."Mahiya-hiya ka naman sa mukha mo, Cyrine. Napakapangit, nakakadiri. At hindi lang naman training ang ginagawa sa training field ah? Common sense d'yan, oh."
Inirapan ito ni Cyrine. Sasagot pa sana ito nang biglang nagsalita si Maya."Tumigil na kayo. Baka kung saan na naman umabot 'yang away niyo."Natawa ako nang manahimik ang dalawa.
"Ikaw kasi, tss," bulong ni Cyrine kay Jaxon. "Ba't ako? Nagtatanong ako nang maayos, ikaw 'tong paepal na nambabara. Papansin ka," Jaxon answered. Sasabat pa sana si Cyrine pero tinitigan sila nang masama ni Maya.
"Kapag may narinig pa akong pag-aaway, hindi ako magda-dalawang isip na ibitay kayong dalawa sa puno ko. You'll see," banta ni Maya sa kanila.
Siguradong tatawanan ko ang dalawang 'to kapag nagkatuluyan sila. Oh, this will be fun. Anyway, this is so frustrating. I don't know what to do. How to be calm in this kind of situation? Frustrating, I tell yah.
"Via."
I froze when I heard something- someone, rather. May bumulong sa pangalan ko. Pinagti-trip-an na naman yata ako ng mga 'to.
"Peeps, may tumawag ba sa 'kin?" tanong ko sa kanila na ikinatigil naman nila sa paglalakad.
"Huh? Walang tumawag sa 'yo, Via,"sagot sa 'kin ni Rayden. "What? May tumawag sa 'kin, I swear. Pinagti-trip-an niyo ako, 'no?"I raised a brow at them and they gave me a confused look.
"Didn't heard somethin', Via. Legit."Zane interrupted. I sighed. Don't tell me that there is a lost entity here. May multo ba sa sumisikat na araw na 'to?
"Via, our dearest princess."
Napatigil ulit ako sa paglakad nang marinig ko ang boses na tumatawag sa akin kanina. "Hindi e, may tumatawag sa 'kin e. Hoy, 'wag naman ganito. I'm kinda scared in lost spirits." Maluha-luhang sabi ko sa kanila. Nakakatakot mga multo kaya.
"What are you talking about, Via?" tanong ni Maya sa 'kin. "May tumatawag sa 'kin, Maya. I swear, may tumatawag sa 'kin talaga."Nagpa-panic na ako.
"Lost spirits? You mean, multo?" Zane asked. Oh, Zane is improving
"M-multo? Saan?"tanong ni Jaxon. Napatingin ako sa kanya at bigla akong nagulat nang makitang namumutla ito. Lumapit ito sa 'kin at kumapit. Anong nangyari dito?
"Anong nangyari sayo?"bulong ko sa kanya.
"Ah-eh, wala."kumunot lamang ang noo ko sa sagot nito. Nababaliw na naman ata ang lalaking 'to. Hindi na 'ko nag-taka.
"Oh, anong nangyari sayo Jaxon? Ba't pinagpapawisan ka?"tanong ni Jeniah kay Jaxon.
"M-may multo ba talaga?"mahinang tanong nito. Napatingin ako kay Rayden nang natawa ito ng mahina.
"Why, bro? Are you afraid?"tanong nito kay Rayden. Umiling naman si Jaxon bilang tanggi.
"No! Ba't naman ako matatakot?"aniya.
"Sa pagkakaalam ko kasi takot ka sa multo."Rayden chuckled. Sasabat pa sana si Jaxon nang biglang tumawa ng malakas si Cyrine.
"HAHAHA, scaredy-cat!"asar nito kay Jaxon. Kahit kailan talaga 'tong si Cyrine. She's always the loud one. Sinamaan siya ng tingin ni Jaxon pero wala itong epekto sa kanya. Kaya pala biglang lumapit sa 'kin ang lalaking 'to. Takot din pala sa multo.
YOU ARE READING
The Heiress Of Magic
FantasyA world full of magic. A kingdom of euphoria and a place of passion. All of that was in chaos when a kingdom of darkness and the aura of death created a war to kill thousands and to rule the whole world. The beauty of magic faded. Goodness has onc...