Chapter 9

208 33 3
                                    

VIA

Weird things are chasing me now.

"Via! Oh my."

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pagtawag ni Cyrine sa akin. Nakatingin siya sa 'kin na may ismid sa mukha.

"Ha? Bakit? Anong nangyari?" tarantang tanong ko. "Dalawang beses nang natawag 'yong pangalan mo. You're spacing out."

Napatingin ako kay Ma'am. Nakatingin din ito sa'kin na may pagtataka sa kanyang mukha.

"Sorry, may iniisip lang kasi ako."

Umusog ako nang kaunti kay Jeniah.

"Anong gagawin ko? I don't know how to use this," She looked at me with an apologetic expression written on her face. I sighed. Bahala na.

Tumayo ako dala-dala ang bow and arrow. Nanlaki ang mata ko nang bigla akong natalisod sa kung ano. Buti na lamang at na-balance ko ang sarili ko kaya hindi ako natumba.

Tiningnan ko kung saan ako natisod pero hindi pala saan, kundi sino. Sinamaan ko ng tingin ang babaeng nakangisi sa 'kin dahil sa ginawa niya.

"Ikauunlad ba ng bansa ang ginawa niya? Tss," mahinang bulong ko sa sarili.

Nang makarating ako sa gitna ay tiningnan ko lang ang dummy. Hinigpitan ko ang hawak ko sa bow and arrow dahil sa kaba. Fudge, anong gagawin ko rito? Alangan naman titigan ko lang. Pero, paano ba?

Tiningnan ko ang bow.

Hey, pwede bang ikaw na lang ang magturo sa 'kin kung paano ka gamitin?

I sighed. Kumuha ako ng isang arrow at nanginginig na inangat ito. Sh*t, mapapahiya pa yata ako.

"Via, hurry. We're running out of time."

Mas kinabahan ako nang marinig ko ang boses ng teacher namin. Napatingin ako sa bow nang bigla itong umilaw at nanlaki ang mata ko nang biglang kumilos ang kamay ko kahit hindi ko ito kinokontrol.

What the hell is happening?

Kusang kumilos ang kamay ko at hinawakan ang arrow sa tamang paghawak nito at biglang tumutok sa gitna ng dummy. Sinong nagko-kontrol ng kamay ko? What the hell.

Napasinghap ako nang pinakawalan ko ang arrow at sumentro ito sa gitna ng dummy. Binalot ng kuryente ang dummy at sumabog ito. Napanganga na lamang ako.

Anong nangyari? Bakit parang biglang nagkaroon ng isip ang kamay ko at paano ko 'yon nagawa? Fudge, mababaliw na yata ako kakaisip.

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang palakpakan ng mga kaklase ko. Agad akong bumalik sa pwesto ko at inisip ko kung ano ang nangyari. Teka, may nangyari ba? Ay oo meron. Biglang gumalaw 'yong kamay ko kahit na 'di ko ito kino-kontrol. Jusko.

"Ang galing mo, Via," puri sa 'kin ni Jeniah. Nginitian ko lang siya. I can't say a thing. I think I'm on a state of shock. Hindi ako makapaniwala. Akala ko nakakagulat kapag sa iba ko nakikita pero mas nakakagulat pala kapag sa 'kin na nangyari.

"As you can see, ang dali ng pinagawa ko sa inyo. Tatamaan lang ang dummy. Very easy, right? Well, this is only a warm up. Sa mga susunod na meetings, marami nang twists so you have to prepare."

Parang kinabahan naman ako bigla sa sinabi ni Ma'am. Fudge, feeling ko outcast ako.

"For your information, the weapons you're holding chooses its own owner. Yeah, that weapon chose you and that means it's meant for you."

The Heiress Of MagicWhere stories live. Discover now