VIA MYRRE
Napabuntong hininga ako sa pagod. Kanina pa kami lakad nang lakad rito sa gubat pero hanggang ngayon, wala pa rin kami sa pupuntahan namin.
"Lievelle, wala pa ba tayo?" tanong ni Jeniah. Umiling lamang si Lievelle bilang sagot. "Are you sure that we're taking the right path?" Jaxon asked.
Oo nga naman. Baka lakad kami ng lakad rito tapos maling daan pala. Edi mas lalo lang lumayo ang destinasyon namin. Mas nakakapagod maglakad kung gano'n.
"We're going in the right way. Ito ang sabi sa map. Malayo lang talaga siya mula sa pwesto natin kanina." paliwanag ni Lievelle. I trust her. She's the smartest among us so I'm pretty sure we're indeed going in the right way.
Habang naglalakad ako ay inoobserbahan ko ang paligid. Wala man lang magagandang bulaklak dito. Parang sementeryo ang gubat na ito. Puro puno at kahit makakita ako ng ibon ay wala. Poison ivy lang ata nakikilala kong halaman.
Nang makita kong nauna maglakad si Zane ay lumapit ako sa kan'ya at sumabay. Napatingin ito sa akin at biglang natawa ng mahina. Aba't pinagtatawanan ako ng lalaking ito.
"Anong nangyari sa iyo at mukhang humahaba ang nguso mo?" tanong niya sa akin. Sino ba naman ang hindi hahaba ang nguso e kanina pa kami naglalakad at wala pang nakakalibang na makikita?
"Wala kasi akong makita na bulaklak. Ang boring naman ng gubat na ito. Walang nakakalibang." sagot ko na nakanguso pa rin. Napangiti ako nang may naisip akong ideya.
"Zane, hindi ba't lupa ang kapangyarihan mo?" Tumango naman siya sa akin. "Marunong ka bang magpatubo ng bulaklak? Lagyan mo ng bulaklak itong gubat, dali." nakangiting sabi ko. Natawa naman ito ng mahina.
"Hindi sakop ng kapangyarihan ko ang magpatubo ng halaman lalo na ang bulaklak. Lupa ang kapangyarihan ko. That means that I can manipulate the ground but not the things that are growing in the ground. It is Maya's power as the nature princess." mahabang paliwanag nito. Napatitig naman ako sa kan'ya na mukhang napansin niya naman.
"What's wrong?" He asked. "Nagulat lang ako. Ang haba kasi ng sinabi mo. First time ko marinig." sabi ko. He just smiled.
Napangiti rin ako. Naiintindihan ko na ang kapangyarihan nila. Si Zane ay ang earth prince. Kaya niya galawin ang mga bato, ang lupa mismo at kung ano-ano pa pero hindi ang mga halaman. Ang astig naman talaga.
Matapos kong guluhin si Zane ay naisipan ko namang lapitan si Lievelle para kulitin siya tungkol sa pagpapatubo ng bulaklak. Akmang pupunta na ako sa kan'ya nang may makabunggo ako.
Tiningnan ko kung sino ito at nanlami ang mata ko nang sumalubong sa akin ang malalamig na mata ni Jace. I smiled awkwardly.
"Pasens'ya na, hehe." sabi ko at lumakad na ulit papalapit kay Lievelle. "Napakakulit." rinig kong sabi ni Jace pero hindi ko na ito pinansin.
"Lievelle." tawag ko sa kan'ya. Napalingon naman siya sa akin. "Via, nariyan ka pala." Ngumiti naman ako.
"Lievelle, kaya mo ba patubuin ang bulaklak dito? Ang boring ng gubat e. Walang nakakaaliw." sabi ko. Natawa ng mahina si Lievelle.
Pareho sila ni Zane. Itong mga 'to talaga. Ba't ba natatawa sila sa akin. Ang funny ko na ba?
"Yes, kaya kong magpatubo ng bulaklak o halaman. Pero, hindi ko p'wede patubuin ang halaman dito sa Almira forest. Kapag nagpatubo ako ng bulaklak dito, mamamatay din agad dahil may sumpa ang lupa rito. Mga wild plants lang ang nakakatagal dito." paliwanag nito sa akin. Napanguso ulit ako. Ano ba 'yan.

YOU ARE READING
The Heiress Of Magic
FantasyA world full of magic. A kingdom of euphoria and a place of passion. All of that was in chaos when a kingdom of darkness and the aura of death created a war to kill thousands and to rule the whole world. The beauty of magic faded. Goodness has onc...