VIA
Kumakain kami ngayon. Kakagising ko lang at siyempre, ako na naman ang huling nagising. Medyo nahihiya na rin ako sa apat na 'to kasi parang donya ang dating ko e dapat nga sila ang inaano ko dahil mga totoong prinsesa sila.
Napuyat ako sa kakaisip sa discussion namin kahapon. Ang saklap naman pala talaga ang nangyari dito sa Hezaira University bago naging ganito kaganda. Naawa ako sa reyna at sa hari pati na rin doon sa sanggol. Aish, that's beyond cruel.
"Lievelle, ilang taon na ang nakalipas nang mangyari ang pagkawala ng prinsesa?" Napatigil sa pagsubo si Lievelle at tumingin sa 'kin.
"17 years ago, why?" Woah. "It means ka-age lang natin ang prinsesa."
Tumango sila bilang pagsang-ayon.
"Sayang at hindi natin siya kasamang lumaki. Siguro, kasama natin siya ngayon, if ever na hindi siya nawala," ani Maya. Yeah, siguro nga kasama niyo siya.
"Oh shoot. Malapit na mag-bell. Red carpet na naman us nito." We chuckled when Cyrine said that. As always, kami ang nahuhuli sa klase. Hahaha, it's fun though.
Nag-race kami papuntang classroom at nagtawanan nang makaabot kami. It's fun to be with them. Nakakahanga sila. Napaka-humble nila at kahit na prinsesa sila ay wala silang pakialam kahit na ano pa ang makikita ng mga tao sa kanila.
Umayos ako ng upo nang pumasok si Ma'am. I don't know why pero ang lakas talaga ng radar ko. Like, alam ko kung ano ang pakay ng tao o kung may mangyayaring kakaiba. Hindi talaga nagkamali ang radar ko.
At ngayon, umaandar na naman ang radar ko at nafi-feel ko na may mangyayaring ikakabahala ko.
"Good morning, class. I have a very important announcement to tell," panimula ni Ma'am.
"So y'all are familiar in this event since normal na talaga ito. Next week, we will be having our Leveling Battle. And of course, ang nakasanayan, classes will be suspended for everyone to train their selves."
And what the hell is Leveling Battle?
"Remember, 'wag mag-train mag-isa. Also, refrain from training too much. Alam niyo na ang mangyayari, students. You don't want to put your powers at risk, right? Good luck and class dismissed."
Magtataas pa sana ako ng kamay para magtanong pero biglang naglaho si Ma'am na ikinagulat ko naman. I shook my head. Nagugulat pa rin talaga ako sa mga pangyayari.
"And Ma'am is using teleportation again," dinig kong sabi ni Lievelle. Sinundot ko ang braso niya at napatingin naman ito sa 'kin.
"What's teleportation, Lievelle?" I asked. I've heard it and I know that it's an ability but I don't know what it does.
"Teleportation, the ability to transfer from one place to another."
"Oh," tanging naisagot ko. Cool, gusto ko ganyan y'yong ability ko para maka-punta ako kung saan ko man gusto pumunta.
"Hoy, kayong dalawa," tawag sa 'min ni Jeniah.
Napatingin kami ni Lievelle sa kanya. "Tara na sa cafeteria." Tumayo kami at nagsimula nang maglakad.
Na-observe ko lang na kada tapos ng subject namin ay pumupunta agad kami sa cafeteria. I haven't seen my schedule since then and yeah, sinusunod ko lang sila Jeniah.
"Feeling ko ang taba ko na," biglang sabi ko at napatingin naman sila sa 'kin. "Mataba raw. Ang sexy mo nga e."
I pouted.
YOU ARE READING
The Heiress Of Magic
FantasyA world full of magic. A kingdom of euphoria and a place of passion. All of that was in chaos when a kingdom of darkness and the aura of death created a war to kill thousands and to rule the whole world. The beauty of magic faded. Goodness has onc...