Prologue

734 20 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Napahawak ako sa ulo ko at napaupo sa kama. Anong nangyari? Ang sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa paligid at napagtanto kong hindi pamilyar sa 'kin ang silid.

Where the hell am I?

Tumayo ako at inilibot ang mata sa paligid. Ang ganda naman ng kwarto na 'to. Parang kwarto ng isang prinsesa. Napatingin ako sa larawan na nakapatong sa isang desk.

"T-Teka, ako 'to ah?" bulong ko sa sarili ko. Ibinalik ko ang larawan. Nananiginip ba ako? Bakit may litrato ako rito?

Napagpasyahan kong lumabas na lamang ng silid. Isang malaking litrato ang pumukaw sa atensyon ko. Nilapitan ko ito at nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang nasa larawan.

A-Ako?

Pero, hindi ako ito. Bakit... Bakit kamukha ko siya? Kamukhang-kamukha ko siya. Napatingin ako sa naka-engrave na sulat sa frame ng litrato.

"The Heiress of Magic," basa ko. Whoa, she's the heiress. But, why does she look like me?

"Hmm, ang ganda niya ano?"

Nagulantang ako sa boses na nagmula sa likuran ko. Isang matandang babae. Ngumiti ito sa 'kin ngunit hindi ko ito pinansin.

"Tama nga talaga ang sinasabi nila. Magkamukha kayo."

Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya 'yon.

"Nino po?"

"Ng tagapagmana, noon. At alam kong ikaw ang susunod sa yapak niya, prinsesa."

Kumunot ang noo ko. Ako ang susunod sa yapak niya? Hindi ko nga siya kilala eh, at isa lang ako sa mga mahihinang power user. At hindi ako prinsesa. Nababaliw na yata ang matandang ito.

"Hindi po ako prinses—"

"Hindi," putol nito sa sasabihin ko. "You're the next Heiress of Magic."

Nanlaki ang mata ko. W-What? Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito. Unti-unting nandilim ang paningin ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

***

MysteriousENDGoddess

The Heiress Of MagicWhere stories live. Discover now