RAYDEN
"Jaxon Rhys Clayton, you're next. Show us what you've got."
Ngumisi naman si Jaxon nang tawagin siya ni Ma'am. Hambog itong pumunta sa gitna. He gave us a smirk saying that we should watch and learn from him. Napailing na lamang ako. Ang yabang talaga ng lalaking 'to.
His weapon is a shuriken. Nakangisi nitong tiningnan ang dummy. Sumingkit ang kanyang mata at bago niya ihagis ang shuriken ay hinawi pa niya ang kanyang buhok. Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'to.
Kasabay ng pagtusok ng shuriken sa dummy ay ang pagsabog nito.
"Basic," sambit ni Jaxon at ngumisi. Puro kahanginan at yabang ang laman ng utak nito. Nagpalakpakan ang lahat at bumalik na rin si Jaxon sa kanyang pwesto.
Ang sunod na tinawag ay si Lievelle. As always, she's wearing her nerdy glasses. Kahit na nerdy siya, she's pretty. I know how powerful she is. I smiled.
"Goodluck, Lie," bati ko sa kanya.
"Thank you, Den-Den."
I just smiled when she called me by my nickname. Actually, it's her nickname for me. I call her Lie, short for Lievelle and she calls me Den-Den, short for Rayden. We've been friends since we were young and I'm happy that until now our friendship still remains.
Pumwesto siya sa gitna at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Rinig na rinig ko dito ah. Ang lalim. Hindi pa rin siya nagbabago. Kinakabahan pa rin sa mga ganito.
"Rayden, okay lang ba si Lievelle? Parang pinagpapawisan kasi siya," biglang tanong ni Via sa 'kin.
I smiled at her. "Yeah. Kinakabahan talaga siya pagdating dito but trust me, she'll do well," I explained.
Tumango-tango lamang siya at ibinalik na ang tingin kay Lie. Via is pretty. Unang araw pa lang na nakasama ko siya ay magaan na loob ko sa kanya. I mean, malakas ang radar ko at alam kong merong something kay Via at sa pagkatao niya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Lie.
She's now holding her gun. Napasinghap ang lahat nang umalingawngaw sa buong training room ang putok ng baril. Sumabog ang dummy at abot-langit naman ang ngiti ni Lie nang mangyari iyon.
Nagpalakpakan kami lahat. Tumabi siya sa 'kin. I tapped her shoulder for a job well done. Amazing, nanginginig ang kamay niya pero natamaan niya pa rin ang dummy.
"Nice, Lievelle!" sabi ni Via.
Kinindatan na lamang siya ni Lie.
"Rayden Sage Finley, you're up."
Tumayo ako dala-dala ang sandata ko. My chosen weapon are knives.
"Go, Rayden!" pag-cheer nila sa 'kin. I smiled.
Tiningnan ko ang dummy. It's ten meters away from me. Hinawakan ko nang mabuti ang kutsilyo at hinagis ito sa dummy. Tumama ito sa gitna. Nagkaroon ng crack ang dummy hanggang sa masira ito. I smiled.
Sumunod sa 'kin ay si Zane. Itong isang 'to. Parang mas bagay siyang maging ice prince kaysa kay Jaxon eh. Ang weapon ni Zane ay isang chane na may spike ball.
"Fighting, Zane," ani Via. Napaka-supportive. Tinapunan lamang siya ng tingin ni Zane na isinawalang-bahala niya lang. Alam niya na siguro ang ugali ni Zane.
Walang kahirap-hirap na na pinatamaan ni Zane ang spike ball sa dummy na agad namang ikinawasak nito. Kahit kailan talaga 'tong si Zane. Wala man lang thrill. Tinapos agad.
But, it's amazing. Hindi siya nabibigatan sa hawak niya. I mean, it's made of steel. Mas malaki pa yata ang spike ball sa ulo ko eh. Bumalik si Zane sa kaniyang pwesto at nakipag-apir kay Jaxon.
YOU ARE READING
The Heiress Of Magic
FantasyA world full of magic. A kingdom of euphoria and a place of passion. All of that was in chaos when a kingdom of darkness and the aura of death created a war to kill thousands and to rule the whole world. The beauty of magic faded. Goodness has onc...