Chapter 1-Manhid

79 1 1
                                    

"Huy!Baka naman matunaw yan kakatitig mo!"panggugulat nung best friend kong si Zack. Tinignan ko siya ng masama dahil sa pang-iistorbo niya sa pagtitig ko sa picture ni Thrill,crush ko.

Hanggang pagtitig na nga lang ang nagagawa ko,pinagkakait mo pa?!Aish!

Mas lalo akong nainis nung kinurot niya yung ilong ko."Ano ba?!"saway ko sa kanya. Tinawanan niya ako,"Lika na nga!"sabi niya at inakbayan ako. Dinala niya ako sa canteen kung saan naghihintay yung konti kong kaibigan at ang ibang members ng basketball team na kaibigan ni Zack. Napako ako sa kinatatayuan ko nang nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha na nakikipagtawanan sa iba naming kaibigan.

"Si T-Thrill..."sambit ko. Napatigil rin si Zack sa paglalakad at tinignan ako. Nilingon niya yung tinitignan ko sandali at bumaling ulit sa akin.

"Ayaw mo bang sumabay sa kanila?"tanong niya. Kusang gumalaw yung ulo ko at umiling. Nag-aalinglangan siyang tumango at muli akong inakbayan bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam kung gusto ko ba talagang sumabay kumain sa kanila.Baka kasi mapahiya ko lang ang sarili ko sa harap ni Thrill. Ayokong mangyari yun!Lord!Help!

Pinilit kong ikalma ang sarili ko habang naglalakad patungo sa table ng mga kaibigan namin. Hindi naman lahat sila kaclose ko pero dahil basketball player si Zack ay nakasanayan ko na rin silang kasama. At hindi naman buong basketball team ang sumasabay samin. Madalas ay sina Will,Erick,Shane,Trent,Dane,at Macky lang. Pero ngayon kasama namin si Thrill,kaya di mo ako masisisi na nabigla ako. Makakasama ko lang naman kumain ang crush ko!≧﹏≦

Pagkalapit namin sa table ay lahat sila napatingin samin. Alam nilang lahat na crush ko si Thrill kaya ngayon,kakaibang ngiti ang kanilang pinapakita. Nakangiti sakin ang babae kong best friend na si Gabbie. Namumula rin siya at sobrang laki talaga ng ngiti niya habang ako ay di makangiti ngiti dahil sa sobrang kaba. May dalawang bakanteng upuan sa gitna ni Gabbie at Trent. Uupo na sana kami dun ni Zack ngunit umusog si Gabbie at tumabi kay Trent. At dahil magkatabi kanina ng upuan si Gabbie at Thrill,ang bakanteng upuan ngayon ay ang dalawang upuan sa gitna ni Gabbie at Thrill.

Kinindatan ako ni Gabbie at pasimpleng ngumuso na tinuturo yung upuan sa tabi ni Thrill na walang kamuwang muwang sa mga nangyayari.

Uupo sana ako sa tabi ni Thrill pero tinulak naman ako ni Zack papunta dun sa upuan sa tabi ni Gabbie kaya si Zack ang naging katabi ni Thrill. Binati niya si Thrill at binalewala ako.Muntik ko na siyang sigawan pero buti na lang nagsalita agad si Will.

"Binilhan na namin kayo ng pagkain."sabi ni Will habang nag-aabot ng dalawang paper plate na may lamang kanin at ulam sa amin. Nagpasalamat ako at pinilit ngumiti pero di pa rin maitatago sa mukha ko na naiinis ako.

Inabot ko yung cellphone ko at nagtext kay Zack dahil ayoko siyang kausapin at baka di ko mapigilang saktan siya.

To: Zack

Dafuq dude?!

Yun lang nasabi ko dahil bigla akong siniko ni Gabbie na nakatingin kay Thrill. Tinignan ko rin si Thrill at halos matunaw ako nang makitang nakatitig siya sa akin. Nginitian ko siya at ngumiti rin siya pabalik. Tumayo ako at naglahad ng kamay.

"I-I'm Bridge."pagpapakilala ko. Damn. Ngayon pa ba magbubuhol ang dila ko?! Argh!

Inabot niya yung nanginginig kong kamay at nakipagshake hands."Thrill."ngumiti ulit siya. Masyado akong natulala dahil sa unti-unting pagsink-in sa akin ng mga nangyayari. Kausap at ka hawak kamay ko ang isang Thrill Jimenez. Wtf?!

Natauhan na lang ako nung biglang may naghiwalay sa kamay namin ni Thrill. Pareho kaming napatingin kay Zack na mariing nakapikit.

Sabay kaming umupo ni Thrill. Nagpatuloy siya sa pagkain habang ako ay nakatunganga lang sa pagkain ko at hindi mapawi ang ngiti sa akin labi. Di bale nang di kami magkatabi. Nakahawak kamay ko naman siya at nakausap!Shit!Eto na yun!Eto na yung sign na unti-unti na niya akong mapapansin!

Broken LinesWhere stories live. Discover now