Bridge's POV
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagbababad sa banyo pero wala talaga akong lakas para kumilos.Kanina pa sumisigaw si Mommy pero parang di ko yun naririnig dahil sa mga gumugulo sa utak na hindi naman dapat.
Hinawakan ko yung labi ko...
Bakit ba kasi ako hinalikan ni Zack?
At bakit...bakit di ako naga—fvck.Mali 'to eh!
Umiling-iling ako at nagpasyang lumabas na.Sandali akong nagbihis at nag-ayos bago lumabas.
"Nako kang bata ka! Kanina ka pa inaantay ni Thrill!Aba malapit na kayong malate, paano ka pa makakapag-almusal niyan?"sermon ni Mommy.Matamlay ko siyang tinignan."Okay lang po.Bibili na lang ako sa school ng makakain."sabi ko.
"Hay nako! Pasalamat ka at gumawa ako ng extra sandwich kanina.Eto at dalhin mo."sabi ni Mommy habang inaabot sa akin ang isang supot na may sandwich.Tumango ako at nagpasalamat.
Paglabas ko ay nandoon na nga ang sasakyan ni Thrill at nakasandal siya doon,matyagang naghihintay sa akin.
Ngumiti siya na parang walang nangyari kahapon.Hindi ko magawang ngumiti pabalik.Naguguilty ako.Alam kong mali ang nangyari kahapon.Maling-mali.Mali, kahit pa anong nararamdaman ko o nararamdaman niya.
"Good Morning,"bati niya.Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok naman ako agad.Umikot siya sa sasakyan at pumasok sa driver's seat.Pagka-upo niya ay hinagilap niya agad ang kamay ko at hinalikan iyon."Happy daysary."Nakangiti niyang sabi.
Bahagya akong natawa."Tsk.Corny."pabiro kong sabi."I love you too..."sabi niya habang hawak pa rin yung kamay ko.Agad napawi ang ngiti ko ngunit pinigilan kong mahalata.
Nagsimula siyang magdrive papunta sa school habang hawak ang kamay ko.Huminto lamang siya nung nasa school na kami. Late na kami kaya sabi ko wag na lang niya ako ihatid pero nagpumilit siya.Ayaw niyang magpatalo kaya pumayag na lang ako.
Nung nasa tapat na kami ng room ay huminto na ako sa paglalakad at akmang papasok na sa room pero hinatak niya ako pabalik at mabilis na nagpatak ng halik sa aking labi.Sht.
"I love you..."nginitian niya ako.Pilit na lamang akong ngumiti.Ngayon?Tama bang pumasok ako sa relasyon na 'to?
Pagpasok ko ay pinalabas rin ako agad.Consequences,tsk.
Tahimik akong umupo sa bench sa labas ng room nang may biglang tumabi sa akin.Di ko siya kilala pero sa tingin ko ay lower batch siya.
"Ate,kayo po ba si Bridge Tamara Vasquez?"tanong niya.Wow, kabisado name ko ah?
Tumango ako,"Bakit?"tanong ko.Ngumiti siya ng malapad at medyo namula pa na parang kinikilig."Congrats po!"sabi niya.
"Huh?Bakit?"kunot-noo kong tanong.Nalaman niya ba yung tungkol sa amin ni Thrill?
"Sinagot niyo po ba si Kuya Zack?Grabe Ate!Sobrang crush ko yun pero dahil pretty ka naman okay lang kahit sa'yo na siya..."sabi niya.
"Huh—"
"Pero sure naman akong sinagot mo siya.Grabe po yung effort nila sa pag-aayos ng quad kahapon e.Sobrang nakakakilig nung mga hinanda nila diba?Pero kahit po siguro wala nang ganun kagarbong paghahanda, sasagutin niyo pa rin si Kuya Zack, 'no?"tinaas-baba niya pa yung kilay niya.
"A-ano bang sinasabi mo?"tanong ko.
"Ha?Ate nakalimutan mo agad?Teka,pakita ko sa'yo...Pinicturan ko pa nga eh."kinuha niya yung cellphone niya at may pinakita sa aking picture.
Tangina.
Sa picture ay may isang malaking tarpaulin na iniikot ng dalawang lalaki para siguro maitago. Pero kitang-kita ko yung nakasulat!