Chapter 9-Selos

3 0 0
                                    

Bridge's POV

Kinaumagahan ay nag-almusal kami sa bahay nila Zack bago dumiretso sa bahay.Sandali akong naligo at nag-ayos bago kami dumiretso sa school.

Natapos ng normal ang araw namin."Zack kailangan ko nang umuwi."sabi ko kay Zack.Ginagawa pa rin kasi nila yung walang katapusang report na 'yan.

"Uh...Anne pwede ko bang ihatid—"

"Zack.Kaya ko naman mag-isa e.Malapit lang naman bahay namin so stay here na lang.Bye!"at nagtatakbo na ako palabas ng room.

Kailangan ko nang umuwi kasi...nakakahiya pero ang sakit ng tyan ko.Naccr na talaga ako pero pinipilit kong hintayin si Zack kanina.

Aish! Kung kailan kailangan tsaka walang jeep na dumadaan.

"Tamara!"

"Uy Thrill!"kinawayan ko siya."Hatid na kita!"sabi niya. Hinila niya bigla yung kamay ko at dinala ako sa sasakyan nakapark sa di kalayuan.

"Thank you."sabi ko."No problem."nginitian niya ako. Damn that smile.

Pagkarating namin sa bahay ay nagpaalam lang ako sandali.Ni hindi nga ako nakapagsalita sa buong byahe dahil sa walangya kong tyan.

"Uh...Tam... "

Thrill naman!Pwede bang bilisan mo nang magsalita? Di na kinakaya ng tyan ko eh.

"Hang out tayo sa saturday?"

"Saturday? Bukas? Sure! Text me the details na lang! Bye! Thanks ulit! "At nagtatakbo na ako papunta sa bahay.Dire-diretso ako sa banyo.

Pagkatapos ko sa cr ay nahiga na ako at mag-aaral na sana nung biglang nagring yung phone ko.

Hindi ko na sinilip kung sinong tumatawag dahil abala ako sa pagkuha ng mga libro na kailangan kong basahin."Hello?"bungad ko.

"Bri, nakauwi ka na?"si Zack pala yung tumawag."Yup."sabi ko. Binitawan ko muna yung libro para makausap siya.

"Ikaw?"dumungaw ako sa wa clock.7pm na rin pala."Pauwi pa lang.Kumain ka na?"tanong niya.Tsaka ko lang naalala na di pa pala ako nakakakain.

"Hindi pa.Haha.Nalimutan ko."sabi ko.

"Kain tayo?"aya niya.Napatingin ako sa mga librong kailangan kong basahin.Pero naisip ko si Zack.May kasalanan pa ako sa kanya dahil nalimutan ko yung date namin kahapon.

"Sige.Pero sandali lang..."sabi ko.

"Sandali lang, promise.Kakain lang tayo."sabi niya."Okay!Sunduin mo ako?"tanong ko.

"Papunta na ako dyan.MagMcdo na lang tayo para malapit lang."sabi niya." 'Kay. Magbibihis na ako.Bye!"at binabaan ko na siya ng telepono.Sandali lang akong nagbihis ng simpleng shorts at shirt at nagsuot ng jacket nung marinig ko yung busina sa baba.Malamang ay si Zack na yun.

Pababa pa lang ako ay naririnig ko nang nag-uusap sila Mommy at Zack."Oh nandito na pala ang prinsesa."sabi ni Mommy.Nginitian ko lang siya.Ang nakakatuwa kay Mommy ay yung di nawala ang paniniwala niya sa love pagkatapos ng lahat ng nangyari.Pagkatapos siya iwanan at saktan ni Daddy.

"Okay ka lang?"tanong ni Zack habang pinapaandar ang sasakyan niya."Yup.May naalala lang."sagot ko.Tumingin na lang ako sa bintana at pinanood yung mga sasakyang dumadaan.

Pagkarating namin sa mcdo ay pinabayaan ko na lang si Zack na umorder.

Kumain kami saglit bago niya ako inuwi sa bahay ulit.Ginawa ko lahat ng kailangan bago natulog.

Sunod na araw ay nagising ako dahil sa sigaw ni Mommy."Bridge! Babangon ka ba dyan o babangon ka?"pagalit niyang sigaw sa pinto ko.Bumangon ako sa kama at dumungaw sa wall clock sa kwarto.10:30 am na pala.Pero wala namang pasok ngayon ah?Ano na naman bang problema ng nanay ko?

Broken LinesWhere stories live. Discover now