Epilogue

6 0 0
                                    

Bridge's POV

Tumakbo ako palayo. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao pero nawalan na ako ng pake.

Gusto ko na lang talaga makalayo.

Tumigil ako sa isang tahimik na lugar. Hanahabol ko yung hininga ko. Di na ako makahinga ng maayos dahil sa pagtakbo. Dumagdag pa yung lecheng pag-iyak ko.

Nanatili akong nakayuko habang pinapakalma ang sarili ko. May isang lalaki na tumigil sa harap ko kaya napatingala ako.

Si Zack. Nakatayo sa aking harap, at tulad ko ay naghahabol rin ng hininga.

"Bri...It's not what you think it is."sambit niya. Hinawakan niya ang ang mga braso ko. Umiling ako.

"Baka nga ngayon,hindi mo pa siya gusto. O kaya, baka gusto mo siya,hindi mo lang maamin sa sarili mo. Zack, okay lang naman na may iba kang gusto—dapat okay lang. Pero wag kang magpakita sakin ng motibo kung may iba pala!Kasi umaasa ako!"di ko na napigilang magtaas ng boses.

"Bridge—"

''Maybe we're really not meant to be together..."napayuko ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Bri..."Ugh. Ano ba? Puro 'Bri' na lang ba ang kaya mong sabihin?!

"Zack, baka naman talagang hanggang magkaibigan lang tayo."umiling ako. Nilingon ko siya at mas lalong nadurog ang puso ko pagkakita sa tumulong luha niya.

"Ayoko na,Bri,"sambit niya. Hindi, okay lang pala na puro Bri na lang sabihin mo! Di pa kasi ako handang panuorin kang sumuko at bumitaw. Ang sakit e.

Tumalikod na ako. Hindi ko kayang pakinggan lahat ng sasabihin niya.

Napatigil ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko para mapaharap sa kanya.

"Ayoko nang maging bestfriend mo."seryosong seryoso ang mga mata niya. Tumulo na naman ang mga luha ko.

Zack naman e. Talaga bang ayaw mo na sa akin? Talaga bang mawawala ka na nang tuluyan? Tanginang 'yan. Ayos lang naman sakin kahit hindi mo ako kayang mahalin e! Hayaan mo lang akong mahalin ka. Hayaan mo lang akong iparamdam na espesyal ka,na mahalaga ka. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit!

Itinaas ko ang kanang kamay ko para sana punasan ang luha ko nang bigla niyang hawakan ito ng mahigpit kasabay ng paglapit ng mukha niya sa mukha ko.

Dumampi sa labi ko ang malalambot niyang labi. Fvck. Hindi ko na mahabol ang paghinga ko. Humihinga pa ba ako?

Nung bumitaw siya ay wala pa rin akong imik. Hindi pa rin nagsisink in sa akin lahat ng nangyayari.

"Simula ngayon,hindi na ako ang best friend mo. Okay?"ngumisi siya. Kusang tumango ang ulo ko. Tangina. Ano bang ginagawa mo sa akin Zack?

"From now on,hindi ka na pwedeng magpa-akbay sa iba. Hindi ka nila pwedeng ganituhin..."niyakap niya ako ng mahigpit.

"Hindi na sila pwedeng ganito kalapit sa'yo..."bulong niya. Pinutol niya ang yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"At mas lalong hindi na nila 'to pwedeng gawin sa'yo."muli ay dumampi sa labi ko ang nakababaliw niyang labi. Hinalikan niya rin ang noo ko pqgkatapos.

"Huwag mo na akong iiwan ulit, please..."sabi niya. Tumango ako. Wala na ata akong ibang ginawa kundi tumango at sundin siya. Ni hindi nga ako makapagsalita e.

Napatitig ako sa labi niya."Baby..."hinawakan niya ang baba ko para mapatingin sa mata niya. Puno ng emosyon yung mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ko nang maalala yung nangyari kanina.

Dahil...

'Yang mga emosyong pinapakita niya sakin,wala ni isa dyan ang pinakita niya kanina kay Samantha.

"I love you, Zack Ethan."nasabi ko rin sa wakas. Unti-unting namuo ang ngiti sa labi niya. Hinalikan niya ako ng mariin. Nang bumitaw siya ay pareho kaming naghahabol ng hininga."Nakakadami ka na ah!"sabi ko. Ngiting tagumpay naman ang pinakita niya.

"Mahal na mahal kita Bridge Tamara Vasquez. Mahal kita kahit may minamahal kang iba. Mahal kita kahit slow ka. Mahal kita kahit saksakan ka ng manhid. Mahal kita kahit pabebe ka. Mahal kita kahit ang ingay ingay mo. Mahal kita kahit puro ka reklamo. Mahal kita kahit ang sungit mo. Mahal kita kahit naghihilik ka pag tulog. Mahal kita kahit selosa ka,ayaw mo lang aminin. Mahal kita kahit pag tinatanong kita kung anong problema, sasabihin mong wala pero buong araw mo akong iirapan. Mahal kita kahit minsan ang labo mong kausap.Diba? Ang daming dahilan para mahalin kita. Ang daming "kahit na",pero lahat ng dahilan na 'yan ang mas nagpalalim ng pagmamahal ko sa'yo. Kahit minsan, nakakainis na rin. HAHA. Pero ni minsan ata di nabawasan ang pagmamahal ko sa'yo. Kahit nung mga puntong gusto ko nang sumuko,wala e. Mahal na mahal kita. Kahit pagod na ako, makita ka lang na masaya,nabibigyan ulit ako ng dahilan para magpatuloy."

"Langya."pinunasan ko yung luha na kanina pa buhos nang buhos. Grabe naman kasi yung drama nitong lalaking 'to e.

"I love you more,Bridge Tamara. At kahit pa sabihin mong may iba ka na namang gusto,sorry ka na lang. Di na kita pakakawalan."sabi niya.

Broken LinesWhere stories live. Discover now