Bridge's POV
Ugh! Ang sakit ng ulo ko!
" 'my!"tawag ko.Damn! Ilan ba nainom ko kagabi?
Agad bumukas ang pinto at nagulat akong hindi si Mommy ang bumungad kundi si Zack!
Naalala ko yung nangyari kagabi.Ghad! Umamin ako sa kanya kagabi!
"Good Morning Lasinggera!"bati niya.Hindi ako umimik.'yan na ba yun?Pagkatapos kong umamin, ganyan pa rin kami?
"Pumasok ka na."malamig kong sabi.Kumunot ang noo niya."Alam kong masakit ang ulo mo, pero papasok ka sa ayaw at sa gusto mo!Kasalanan mo 'yan!"sabi niya pa.Umiling lang ako.Lumapit ako sa kama ko at akmang hihiga nang bigla niya akong yakapin mula sa likuran.Muli ay naestatwa ako.
"Za-zack."sambit ko.Pinutol niya ang yakap."Maligo ka na at mag-ayos.Nasa baba lang ako."sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.Sandali akong napatunganga sa kinatatayuan ko.Hindi ko alam kung paano pakalmahin yung puso ko.Leche ka talaga Zack!
Nung medyo kumalma na ang puso ko ay nagpasya na akong maligo at mag-ayos kahit ang sakit pa rin talaga ng ulo ko.Iinom na lang ako ng gamot mamaya.Ugh!Hindi ko na talaga uulitin yung kagabi!
Paglabas ko ay nandun na si Zack na feel at home pa sa sala namin habang nanonood ng tv.
"Na-nag-almusal ka na?"oh ghad Bridge! Umayos ka nga!Si Zack lang 'yan e!
"Yup.Pinaghanda ka na ni Tita ng sandwich.Malalate na tayo.Ang bagal mo talaga kumilos."sabi niya.Sumimangot ako at inirapan siya.Pumunta ako sa kusina.Naabutan ko si Mommy na naghahanda nga ng sandwich.
"Good Morning Mommy."bati ko.Nilapitan ko siya at tinulungan sa pag-aayos ng sandwich.Nang matapos kami ay kumuha ako ng isa at nilagay sa bag ko. "Alis na kami 'my!Bye!"paalam ko.Ngiting-ngiti si Mommy habang kumakaway sa amin.
"Bye Tita!"paalam ni Zack.Tinanguan siya ni Mommy at nakita ko pang kinindatan siya nito.Baliw talaga yung Nanay ko.
Habang nasa byahe kami ay panay ang sulyap sa akin ni Zack.Napangisi ako pero hindi na lamang ako umimik.
"Bri..."tawag niya.Tinignan ko siya."Hmm?"
"Namiss mo ba ako?"diretso niyang tanong."O-oo naman."ugh.Hindi na talaga healthy yung epekto sakin ni Zack.
Mas lumawak ang ngiti niya, di ko rin naman mapigilang mapangiti.Nababaliw na ako.
Pagkarating namin sa school ay bumaba agad siya para pagbuksan ako ng pinto.Pinagtaasan ko pa siya ng kilay."Saan mo naman 'yan natutunan?"tanong ko.Natawa lang siya.Naka-akbay siya sa akin habang tinatahak namin ang daan papunta sa classroom.Actually, namiss ko 'to.
~~~
Thrill's POVNapatigil ako sa paglalakad.Fvck.
"So pinakawalan mo na siya?"narinig kong sabi ni Dale."You did the right thing, dude."sabi pa nito.
Hindi ako maka-imik.Kahit sabihin niyang tama yung ginawa ko, di ko pa rin mapigilang masaktan.Lalo pa't nasa harapan ko ngayon ang babaeng mahal ko pero hindi na siya akin e.At ni minsan hindi siya naging akin.
"Dale,Neverland tayo mamaya?"pag-aaya ko."Sure, why not."natatawang sabi nito.Ngayong gabi,magpapakasaya ako.Malilimutan din kita Tamara! Pangako 'yan.
~~~
Bridge's POVPagkapasok namin sa room ay lahat sila napatingin sa amin at di ko alam kung bakit sila nagngitian.May ginawa ba akong kahihiyan kahapon, bukod sa pag-amin ko kay Zack?
Kumunot ang noo ko lalo na nung narinig kong tumawa si Zack sa tabi ko.Tiningala ko siya para sana magtanong nang biglang dumating si Ken."Ayan na pala yung siga!"sabi nito.Kumunot lalo ang noo ko.Nag-apir sila ni Zack.