Chapter 11-Alin ba?

5 0 0
                                    

Zack's POV

"Ano Zack, parati ka na lang bang magmumukmok diyan?"naiiritang tanong ni Gab habang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.Kasama niya si Trent kanina pero nagpaalam na kukuha ng pagkain kaya naiwan kaming dalawa.

"Isn't it time to try and take a risk?Handa ka bang panuorin siyang kasama ang iba?"tanong niya.

"If she's happy then I'm fine—"

"But she can be happy with you too! Di mo ba naisip na baka ikaw pala talaga?Ni minsan ba di sumagi sa isip mo yun—"

"Paano ko yun maiisip kung sa tuwing kasama ko siya ay alam kong may gusto siyang iba?!"di ko na rin napigilang magtaas ng boses.

"Pero hindi ka man lang sumubok?"hamon niya.

Hindi ako umimik.

"Kung ipagpapatuloy mo 'to,baka ikaw rin ang magsisi sa huli."sabi niya bago ako tinalikuran.Iniwan niya ako sa kwarto ko mag-isa.

Tahimik at walang kasama.Ganito ang nararamdaman ko tuwing magkasama sila Thrill at Bri.

Ngayon...kaya ko nga bang panuorin na lang siya palagi?

Can she really be happy with me?

Dapat ko bang subukan?

Naalala ko yung nangyari kanina.Hinalikan siya sa noo ni Thrill—na noon ay ako ang gumagawa.

Nagbalik ang sakit na narmdaman ko.

Hindi ko kaya.

Ayokong mawala siya.

Huminga ako nang malalim.Bahala na.Kailangan kong subukan.

Sa ganitong paraan, wala sana akong pagsisihan.

~~~
Bridge's POV

Ilang araw na kaming laging magkasama.Wala pa rin kaming label pero ramdam kong naglevel-up naman ang relasyon namin.

Nginitian ko siya."You should go.Baka malate ka pa sa class mo.Bahala ka,mapipilitan ka na naman tumambay sa labas ng room niyo."biro ko.Sinundo niya kasi ako kanina sa bahay.

Tumawa siya."Don't worry,pag pinalabas ako,makikiseat-in na lang ako dito."kinindatan niya pa ako.Tumawa ako at hinampas siya sa braso."Baliw!Dali na!Shoo!"sabi ko.

"Lah.Pinapaalis mo na ako.Ayaw mo ata akong kasama e."sumulyap siya sa relo niya. "May five minutes pa naman e. Pero okay..."yumuko siya.Ugh!Parang bata!

Hinuli ko yung tingin niya."Napaka pa-cute mo 'no?"ngumisi ako.Kinagat niya yung labi niya para pigilan ang pagngiti at nag-iwas ng tingin.Talagang kina-career niya yung drama niya e.

"Thrill..."Malambing kong tawag.Nilingon niya ako gamit ang mapupungay niyang mga mata."Sige na nga...Bye."sabi niya.

"Bye."sabi ko naman.Inantay ko siyang umalis sa harapan ko pero di niya ginawa. "Ano wala kang balak umalis?"natawa ako.

"Wala ba akong goodbye kiss?"pa-cute niyang tanong.Hayst!

Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.Agad nanlaki ang mata niya sa gulat kaya di ko napigilang matawa. "O, bakit nanlalaki mata mo dyan?Hiningi mo diba?"natatawa kong tanong.

"Ganun mo talaga kagusto na umalis ako kaya hinalikan mo ako o talagang gusto mo lang?"seryoso niyang tanong.

"Both."ngumisi ako."Fyi Thrill, five minutes ka nang late."sabi ko.

Huminga siyang malalim.Hinalikan niya ang noo ko."Susunduin kita later.Sabay tayong maglulunch."sabi niya.

Tumango ako.Pinanood ko siyang tumakbo palayo bago ako naglakad papasok sa room.

Broken LinesWhere stories live. Discover now