Chapter 5-School Fest

2 0 0
                                    

Unang araw na ng school fest at dahil nga required, nandito kami ngayon sa school.Madaming busy lalo na sa mga freshmen at mga kasali sa mga competitions.Required kasing magtayo ng isang booth ang mga freshmen.Habang kaming mga seniors, tambay lang.Biro lang!Required rin naman samin na magkaroon ng representative every course.Buti na lang hindi ako napili! Hehe.

"Bro kain tayo?"yaya sakin ni Zack, at inakbayan pa ako."Tara g!"sabi ko naman.Maraming booth na nagbebenta ng iba't-ibang pagkain ngayon eh.

"Wait lang,tawagin ko lang sila—"hindi na niya ako pinatapos at bigla niyang hinawakn ang kamay ko at nagtatakbo palayo."Wag na!"natatawa niya pang sabi.

"Ang sama mo talaga!"natawa rin naman ako.Tumigil kami sa pagtakbo nung mapunta kami sa isang booth ng mga freshmen.Puro food on a stick ang binebenta nila.Napasimangot tuloy ako."Hindi naman ako mahilig kumain ng ganyan eh."nakasimangot kong sabi kay Zack.

"Try mo lang."sabi niya."Ugh."

"Try mo muna.Pag hindi masarap,ako magbabayad.Pero pag masarap, ikaw.Game?"tanong niya."Sige na nga."sabi ko.Hindi naman masama magtry.

"Okay ma'am.Maupo na po kayo at ako na ang oorder ng food natin."nakangiti niyang sabi.Tuwang-tuwa lang?

Tulad nga ng sabi niya, umupo ako sa isang table na para sa dalawa.Ang daming tao sa booth na 'to.Masarap nga siguro yung mga benta nila.First day na first day mahaba ang pila eh.

Di rin nagtagal ay dumating na si Zack na may dalang mga pagkain at ngiting-ngiting naglalakad papalapit sakin.Aish, pag ako nagsuka dahil dito ah.

"Here's you're order Madame."sabi niya.Umupo siya sa upuan sa harap ko at kumuha ng isang stick."Ano 'yan?"tanong ko.Ang weird ng itsura, ayoko na.

"Eto ang isaw."sagot niya.Bigla niyang inilapit sa mukha ko kaya agad akong napangiwi."Tikman mo."sabi niya.Umiling ako habang umiiwas sa pagkain na inaabot niya.

"Deal natin na titikman mo diba?pagpapaalala niya pa.Tinitigan ko ng mabuti yung 'isaw'.Ugh, bahala na nga.

Kumagat ako sa isaw na hawak niya at ninamnam itong mabuti.Hi-hindi naman ganun kasama yung lasa!Wooh!

"Ang sarap 'no?"pinagtaasan niya pa ako ng kilay.Nginiwian ko lang siya.Ayoko ngang aminin."Sus pabebe ka pa."kinurot niya pa yung pisngi ko.Langya.Kumugat ulit ako dun sa isaw hanggang sa di ko na namalayan kung naka ilang stick na ba ako.Ansarap!Nakaka-adik.hihi.

Nung matapos kami ay may lumapit sa amin na mistisang babae.Ang ganda niya kahit nakacostume siya ng pang-waitress.Iba rin ang booth nila ah.Cutie.

"Hello po.Eto na po ang bill niyo."nakangiti niyang sabi habang inaabot sa amin ang isang papel."Uhm...Pwede po bang humingi ng favor?"nahihiya niyang tanong.

"Ano yun?"tanong ko, nakangiti rin."Pwede niyo po bang sagutan ito?"inabutan niya ako ng papel."Just write your comments about our booth."sabi pa niya.Sinunod ko ang sinabi niya.At nang matapos na ako ay inabot ko agad sa kanya yun.

"May tanong po ako-if okay lang naman po."nahihiya niyang sabi.Nahiya ka pa.

"Ano yun?"nakangiti ko ulit na tanong."Masarap po ba yung isaw?"napangiwi siya.Sinulyapan ko pa si Zack na nakatingin rin sa akin at parang nag-aabang rin ng isasagot ko.

"Masarap naman siya uh..."

"Samantha.You can call me Sam."nakangiti niyang sabi."Thank you for everything.Hope to see you again ma'am—"

"Bridge na lang.At siya naman si Zack."pagpapakilala ko naman samin."Oh."dun na siya napabaling kay Zack at nung magsalubong ang mga mata nila ay sandali pang napatigil si Sam.Ha ha.Nabighani siguro siya kay Zack Ethan.Hihi.Ang gwapo naman kasi ng best friend ko.

Broken LinesWhere stories live. Discover now