Chapter 3-Group Chat

15 0 0
                                    

Inis.Kalungkutan.Sakit.Gutom.

Ewan!Halo-halo na yung nararamdaman kong emosyon at nararamdaman ko na ang pag-init ng gilid ng mga mata ko.

Mas nananaig sakin ang inis dahil sa hindi niya pagsipot.Umasa kasi ako eh.

Tumayo na ako sa table at nagsimulang maglakad pero napatigil ako nung biglang bumuhos yung luha ko.Nakakainis.Bakit ba ako umiiyak?

Kumakalam yung tiyan ko pero wala akong ganang kumain.Pinunasan ko yung luha ko gamit yung kamay ko.Kung kailan kailangan ng panyo tsaka ko pa nalimutan magdala.

Pakshet na luha 'yan!Di ka ba talaga titigil sa pagbuhos?!

Biglang may pumulupot na braso mula sa likuran ko."Tahan na..."sabi nito...

Boses pa lang,amoy pa lang...alam kong si Zack 'to.Pasalamat talaga akong may best friend akong tulad niya!

"Tahan na please..."para bang ang yakap at pagsasalita niya ang mas lalong nagpaiyak sakin.Yakap lang niya ako mula sa likuran habang pinipilit ko ang sarili kong tumahan.Lecheng luha 'yan!

Nung kumalma na ako tinanggal ko yung braso niyang nakayakap sa akin at hinarap ko siya.Niyakap ko siya ulit.

"Thank you Zack Ethan Fuentes sa pagdating sa buhay ko."nasabi ko na lang.Sobra sobra na kasi talaga akong nagpapasalamat sa kanya.

Kakatapos lang ng klase namin at uwian na.Wala akong ganang gumala kahit na tinext ako ni Gab at nag-aayang gumala pero umayaw ako.

Nagulat ako dahil paglabas ko ng room ay nandun siya,nakaabang.

"Bridge...I'm so sorry-"di ko na siya pinatapos sa pagsasalita."Okay lang."sabi ko.Pinilit kong ngumiti.Halong pagod at gutom na ang nararamadaman ko.Tinalikuran ko na siya at maglalakad na sana ako palayo kaso hinila niya bigla yung braso ko.

"Bridge...may emergency kasi kanina.Uhh...yung Dad ko,inatake na naman.Kinailangan namin siyang isugod sa hospital."sabi niya.Napaharap ako sa kanya at napalitan lahat ng nararamdaman kong inis ng awa.

"Sorry talaga kung pinaghintay kita.I'm so sorry."sabi pa nito.Halatang pagod na siya.Wala na akong nagawa kung hindi tumango."Kung papayag ka...pwede ba akong bumawi?"nahihiyang tanong nito.

"Sisiputin mo ba ako?"nakangiti kong tanong.Napangiti rin siya at bigla niyang hinila ang kamay ko at naglakad kami palabas ng school.

Tahimik akong naglakad kasama niya,habang hawak niya ang kamay ko.Putek.Nananaginip ba ako?

Dahan-dahan kong sinilip yung kamay namin.Iiwas na dapat ako pero napatingin rin siya sa kamay namin tapos bigla niyang pinisil yung kamay ko.Dahil sa ginawa niya,may kung anong kumiliti sa tiyan ko.Fudge!

Pareho kaming nakangising aso habang naglalakad sa kung saan.Teka?Saan ba kami pupunta?

Tinignan ko si Thrill na nakangiti pa rin hanggang ngayon.Gustong-gusto ko nang magtanong kung saan ba kami pupunta pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.Nakakainis!Bakit ba sobrang gwapo niya?

Napuno ako ng kahihiyan ng bigla niya akong nilingon.Yan,titig pa more!

Umiwas ako ng tingin.Kahit ang tahimik namin,sobrang saya ko pa rin.

"Galit ka pa ba?"bigla niyang tanong.Nilingon niya ulit ako kaya nginitian ko siya."Mukha ba akong galit?"

Napangiti naman siya agad."Saan mo gustong kumain?"tanong niya.Bigla naman akong nakaramdam ng gutom dahil sa sinabi niya.Di pa nga pala ako naglulunch!

Nasitaasan ang mga balahibo ko nung biglang humangin ng malakas.Tag-ulan na naman!Ang lamig tuloy.Bigla tuloy akong natakam sa soup or noodles.

May nadaanan kaming Mamihan at bigla naman akong hinigit ni Thrill papunta dun."Masarap dito!"nakangiti niyang sabi.Umupo kami sa isang table tapos lumapit siya sa counter para umorder ng makakain.Di ko tuloy maiwasang isipin na mukha kaming magboyfriend-girlfriend.Hihihi.

Broken LinesWhere stories live. Discover now