Chapter 17-I love you

7 0 0
                                    

Bridge's POV

Pinilit kong tanggalin sa isip ko si Zack.Mas kailangan kong problemahin si Thrill at yung kaarawan niya.

Kanina pa ako nakatitig sa envelope.Next week pa naman 'to.Mapag-iisipan ko pa.

Nilapag ko yung envelope sa table katabi ng kama ko.

Huminga ako ng malalim at pinilit kumalma."Bridge!"tawag ni Mommy.Malamang ay kakain na.Bumuntong-hininga ako at lumabas na ng kwarto.Dumiretso ako sa dining room kung saan nandoon na nga si Mommy at Cliff.Nginitian ko sila.

"Hi 'my.Hi baby."bati ko.

"Cliff, say hi to your Ate naman."sabi ni Mommy sa suplado kong kapatid.Nag-angat ng tingin sa akin si Cliff at inabangan ko naman siyang batiin ako pero tinitigan niya lang ako sandali bago binalik ang atensyon sa pagkain.Hmp.Matagal ko nang iniisip kung ampon lang ba si Cliff e.Sobrang sungit!

Biglang may kumatok sa pinto.Nagkatinginan pa kami ni Mommy pero alam ko naman ang kahahantungan nito kaya tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto para pagbuksan ang kung sino mang istorbo namin.Pagkabukas ko ay ang laki na ng ngiti niya."Bakit ka nandito?"tanong ko.

"Masama?"tanong naman niya.

"Hindi mo dapat sinasagot ng tanong ang isa pang tanong."kumunot ang noo ko.Medyo nalito rin ako dun e.

"Anyway,bakit ka nga nandito?"pinagtaasan ko siya ng kilay.Pero bago pa man siya sumagot ay may nagsalita na sa likod namin."Kuya Zack..."maliit na boses ni Cliff ang nagpalingon sa akin.Nakatayo siya sa likod ko at nakatingin kay Zack.Kumunot naman ang noo ko.Bakit naman papapuntahin ni Cliff si Zack?

"Uy Cliff!"sabi ni Zack.Pumasok siya sa loob at inakbayan ako."Pinapunta ako ng kapatid mo e."bulong nito.Obviously.

Naglakad kami papunta sa dining room. "Uy, si Zack pala ang ating bisita. Tara Zackzack, dito ka na kumain."napasimangot ako sa sinabi ni Mommy.

"Oh? What's with the face sweety?"tanong ni Mommy nang mapansin ang busangot kong mukha."Stop calling him Zackzack. It's lame."wala sa sarili kong sabi.Shiz.Ang halata ko talaga.

Natawa si Zack. Sinalubong ko siyang ng matalim na titig."What's wrong with it?It's cute!"sabi ni Mommy.Umirap na lang ako sa kawalan at naupo sa upuan ko kanina.Umupo naman si Zack sa tabi ko.Nakaupo na kaming lahat at nagsimula nang kumuha ng kanya-kanyang pagkain.Susubo na sana ako ng pagkain nang bigla na namang may kumatok sa pinto namin.Bumuntong hininga ako at hindi na naghintau na may mag-utos pa.Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto para pagbuksan ng pinto ang kung sino mang may balak ring manggulo sa amin.Hindi pa ba sapat si Zack?Aish.

Ang busangot kong mukha ay napalitan ng ngiti pagkabukas ko ng pinto."Ate!"niyakap ko si Ate Jes.Nilingon ko ang pamilya niya.

"Hi Kuya Jacob!"bati ko sa asawa niya. Nginitian naman ako nito.At agad ko naman niyakap ang dalawa kong pamangkin na ngayon ay maliliit pa rin.

"Jacob!Jan-jan!"ang cute nila! Si Jan-jan ay mas matanda ng isang taon kay Jacob.Jannica Lopez at Jacob Ian Lopez ang mga pangalan nila.Dalawang taong gulang pa lang si Jacob pero mas matangkad na siya sa Ate niya.

"Hi Tita pretty!"bati nila.Pare-pareho kaming nagtawanan.Ang galing ko talaga magturo.

"Tara pasok kayo!"sabi ko.Dumiretso kami sa dining room at lahat sila nag-ingay nang makita sila Ate.

"Nandito pala si bro-in-law."sabi ni Ate kay Zack.Nagfist-bump sila at nagtawanan."Mommy Ganda!"tumakbo sila Jan-jan papunta kay Mommy.Ayaw ni Mommy na magpatawag na Lola.Mommy na lang din daw.

Hindi ko talaga alam kung sinong nagsasabi sa mga tao na may relasyon kami ni Zack.

Napailing na lang ako.

Broken LinesWhere stories live. Discover now