Chapter 2-Itlog

12 0 1
                                    

"Hon,let me explain..."

"I don't need your explanation.I need assurance.Wala akong pake kung nakipaghalikan ka sa kanya,basta sa akin lang 'to.Ako lang laman ng puso mo!Wala akong pake kung may iba kang babaen–"

Katangahan.

Pinatay ko agad yung TV.Nakakairita naman kasi yung pinagsasabi nung babaeng bida sa teleserye eh!Pinagtaksilan kasi siya ng asawa niya.Tapos ngayon tinatanggap niya?!Basta siya pa rin daw ang mahal nung lalaki ayos lang sa kanya na may ibang babae?! Tengene.Yung totoo?I mean...Kung mahal mo talaga ang isang tao,magagawa mo bang lokohin at pagtaksilan siya?!Aish!Kairita!Sa panahon ngayon,hindi na uso ang pamartyr effect.Either be loyal or be gone!Hanubayan!Ano bang pinaglalaban ko?

"Ate,where's mommy?"napatingin naman ako sa nagsalita sa likod ko.Opo,english speaking si koya!Ewan ko ba dun sa nanay ko!Kay Cliff lang naman siya nagkaganyan eh.Gusto niya magenglish si Cliff kaya ayan!Parang hindi Pilipino eh!

"Dunno.Baka naggrocery."sagot ko.

"I'm hungry."sabi niya.Tumayo ako sa sofa at lumapit sa kanya.Dinala ko siya sa kusina at pinaupo sa table habang naghahanap ako ng makakain namin.Di pa rin pala ako nag-aalmusal.Sabado ngayon at walang pasok.Binuksan ko yung ref at bigla naman akong nanlumo nung nakitang kong walang laman ito,tanging yung kinatatakutan ko lang na pagkain...

Itlog.

Hoy!Tumatalsik kasi yung mantika pag ako nagluluto eh.Last time na nagluto ako ng itlog...naging kulay itim ito dahil nasunog. Tae paano naman kaya ako nito? >___<

"Wala nang food, padeliver na–"laking gulat ko nung nilingon ko si Cliff pero katabi ko na pala siya.

"Scrambled."cold niyang sabi tapos naglakad na siya palabas ng kusina. Takte.Bakit parang ang sarap pisain ng batang yun?! Kaazar!Alam naman niyang takot ako sa itlog eh!huhuhu.

Huminga ako nang malalim at sinimulang kunin ang mga itlog sa ref.Kumuha ako ng bowl at nagbasag ng itlog.Habang hinahalo ko ito ay pinapainit ko muna yung mantika.So far...so good.Nung ready na lahat at kailangan ko na lang ilagay ang itlog sa kawali ay bigla na naman akong nakaramdam ng kaba.Tae.Ang sama talaga nung batang yun!Dapat talaga nagpadeliver na lang kami eh!

Habang medyo,OO MEDYO nagpapanic ako ay nahagip ng mata ko ang payong na nakasabit sa may pintuan.Aha!

Kinuha ko yung payong at binuksan.May shield na ako!Dahan-dahan kong binubuhos yung itlog sa kawali ng biglang may mga humalaklak sa likod ko kaya natapon ko nang mabilis yung itlog,buti na lang sa kawali pa rin bumaksak.Pero takte!Tinalsikan yung kamay ko nang mantika!

Nilingon ko kung sino yung tumatawa.Shit!

"Bakit kayo nandito?!"tanong ko.Nandito lang naman sila Gab,Zack at yung anim na basketball players.Nagtatawanan pa rin sila at dahil sa sobrang irita ko,di ko na masyadong ininda yung sakit na dulot nung mantikang tumalsik.

"Binibisita lang namin si Cliff."sagot ni Dane.

"Hindi naman umuulan ah?Bakit ka may payong,Bri?"mapang-asar na tanong ni Macky at natawa na naman sila.Aww ang babait talaga nila!Da best!

"Oo na lang.Yung binibisita niyo wala dito kaya please lang.Umalis kayo sa kusina ko."sabi ko.

Nagtatawanan silang umalis kaya tumalikod ako para harapin yung niluluto ko.Binaliktad ko yung itlog para yung kabilang side naman ang maluto.Hawak ko pa rin yung payong at binulatan ko pa yung kanang kamay ko ng tela  para sure!

Naluto na yung isang itlog kaya tinanggal ko na ito at nilagay sa plato.Nagbasag ulit ako ng panibagong mga itlog at naghalo at dahan-dahang nilagay sa kawali.Bigla akong may mainit na naramdaman mula sa likod ko.Hinawakan niya yung kaliwang kamay ko na may hawak na payong at yung kanang kamay ko na may hawak na yung pangluto.

Broken LinesWhere stories live. Discover now