Chapter 15-Kasalanan mo

3 0 0
                                    

Bridge's POV

Nagulat ako nang biglang dumating si Gab.Nag-aalala siya kung bakit ako umiiyak at kanina pa siya nagtatanong pero hindi ko masagot.Pinainom niya ako ng tubig para kumalma.

"Bri, what happened?"nag-aalala niyang tanong."Gab, pwede bang ihatid mo na ako pauwi?"tanong ko.

"O-okay."sabi nito.Tahimik kami buong byahe.Ramdamn niyang di ko pa kayang sabihin ngayon.

Masyado kong nasaktan si Thrill.I made him feel all those things, and I didn't even notice it.Ang akala ko lang nagkulang ako pero di ko naisip na pinaramdam ko sa kanyang may mahal akong iba.Ganun ba ako mamanhid?

Pag-uwi sa bahay ay sandali lang akong nagpaalam at pasamat kay Gab bago dire-diretsong pumasok sa bahay namin.Nandoon si Mommy na may binabasang libro kaya agad akong napayuko para di niya makita ang mugto kong mata.

"Bri..."tawag nito.

"P-po?"nakayuko pa rin ako."Halika rito anak."sabi niya.'My naman e! Bakit ngayon pa? Wrong timing ka talaga!

"Ma-magbibihis po muna ako—"

"No.Wag mo na ngang itago sa akin.Lumapit ka dito at mag-uusap tayo."utos niya.Minsan lang maging ganyan si Mommy kaya di ko maiwasang matakot.Umupo ako sa tabi ni Mommy na nakayuko pa rin.

"Humarap ka sa akin, ano?Mag-uusap tayo na nakayuko ka?"sabi niya.Humarap ako.Bahala na.

Huminga siya nang malalim."Anak..."lumambot na ang boses niya.

"Anak,masaya ka pa ba?"tanong niya.

"Baby,napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw...you're not the same anymore.Hindi naman sa ayaw ko kay Thrill...pero alam mo sa sarili mo na may iba kang gusto. Alam mo na kahit anong pilit mo, may iba na 'yang tinitibok."tinuro niga yung dibdib ko.Tumulo na naman ang luha ko.She's right.

"Kaya sana...tapusin mo na lahat.Nahihirapan ka, nahihirapan siya.Pare-pareho lang kayong nahihirapan kaya bakit niyo pa pinagpapatuloy?"tanong niya.Umiling ako."Wala na po kami ni Thrill."sabi ko.Niyakap niya ako ng mahigpit.Yung yakap ng isang Nanay na magpaparamdam sa'yo na safe ka.Na magiging okay din ang lahat.Na may taong laging nandyan para sa'yo.And I'm so thankful that I have a Mom like her.

"Matulog ka na at magpahinga.I love you, Anak.Nandito lang ako palagi kung kailangan mo nang kausap, okay?"nginitian niya ako.Niyakap ko ulit siya."I love you Mommy."sabi ko.

Sa sobrang pagod ko ay nakatulog agad ako.

Sumunod na araw ay wala akong lakas pumasok."Anak, late ka na."sabi ulit ni Mommy habang kumakatok sa pinto ko. Hindi ako sumagot.Ayokong pumasok. Kahit ngayong araw lang, gusto kong magpahinga.

Hindi nga ako pumasok pero hindi naman ako makapagpahinga nang mapayapa.

"Anak!Nako naman e!Naglaslas ka na ba dyan?!"nagwawala na si Mommy sa labas.

" 'my ano ba?! Natutulog lang ako!Ugh! "Sagot ko.

"Hindi e!Anak kung depressed ka, madadaan naman sa usapan 'yan! Wag mong sayangin ang buhay mo—Kyah!"napatili siya nang bigla kong buksan yung pinto."See?Buhay pa ako."sabi ko kay Mommy.

"Buhay nga. Mukha namang bangkay."napalingon ako sa nagsalita."Za-zack?"

Anong ginagawa niya dito?

Nilingon ko si Mommy."Sabi sa'yo e.Maraming nag-aalala sa'yo."sabi nito.Ugh!

"Tita, ako na pong bahala sa kanya."sabi ni Zack.Tumango si Mommy.Naalala ko yung sinabi niya kagabi...hindi naman sa ayaw ko kay Thrill...Hindi niya ayaw kay Thrill pero gustong-gusto niya si Zack.

Broken LinesWhere stories live. Discover now