Bridge's POV
Ilang araw na ang lumipas mula nung gabing yun.Halos di kami nagkita ni Zack buong weekend.Sa phone lang kami nagcocommunicate.
At ngayon na may pasok na naman kami...hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang magwala ang puso ko. Tapos idagdag mo pa yung nakakairitang kiliti sa tiyan ko.
Kinakabahan ako na ewan.Ugh.
"Anak, ano bang problema?Kanina ka pa di mapakali ah?"tanong ni Mommy. Huminga akong malalim bago umiling at nagsimula nang kumain.
Sinundo ako ni Zack at sabay na kaming pumunta sa school."Oh, kasama mo na nga ako,ako pa rin iniisip mo?Magsawa ka naman."biro niya. Natawa na lang ako. Totoo naman e. Siya pa rin yung iniisip ko. Yung halik pa rin niya ang bumabagabag sa aking isipan.
Pero sorry ka Zack Ethan, di ako magsasawa sa'yo.
Pero ano nga ba tayo?
Meron nga bang tayo?
Hayst. Pero kailangan ba talaga ng lable para maging masaya?Hindi naman diba?Basta masaya ka, i-enjoy mo na lang muna.Wag mong madaliin. Kasi minsan ang mga bagay na minamadali, hindi maganda ang nagiging bunga.
Pero hanggang kailan ba 'to magtatagal na ganito?Kasi alam ko,habang tumatagal, darating at darating ang panahon na kailangan mo nang manghingi ng lable.
Minsan kasi nagseselos ka. Pero hindi mo alam kung may karapatan ka bang magselos at masaktan. Bakit meron bang kayo?
MU?Malabong usapan?Mag-isang umiibig? Hayst. Dati,normal lang ang buhay ko. Dati ang meron lang ako ay crush. Isang tao na inaadmire mo. Pero ngayon, bakit parang komplikado na?Ganun ba talaga ang love?Komplikado?Magulo?
"Oops, sorry."sabi ko sa nakabangga ko. Bridge Tamara, tumingin ka nga sa dinadaanan mo!
"Hayst...Nasaan ka na ba?"tapos na ang klase namin at kanina pa ako palakad-lakad dito sa school. Napuntahan ko na ata lahat ng pwedeng puntahan ni Zack. Nakarating na ako sa canteen,sa library,sa school gym,at sa iba't ibang classroom.
Nanghingi na rin ako ng tulong kina Gab at nagtanong na ako sa iba nilang team mates.
From: Dane
Baka umuwi na?
Napairap ako.
To: Dane
Tss.May usapan kami ngayon e.
Kainis ka talaga Zack.Paimportante ka pa e! Alam mo namang may lakad tayo diba?Ngayon mo pa naisipang magtago? Hayst.
Nakakairita. Excited na excited pa man din ako para dito tapos ano? Di matutuloy? Kasi yung lecheng ka-date ko, nawawala.Ugh!Langya.
Naglakad ako papunta sa quad.Malayo pa lang, kitang-kita na na walang masyadong tao.Pero pupuntahan ko na rin.Wala namang mawawala sakin kung subukan kong doon maghanap.
Nilabas ko na rin yung cellphone ko at dinial yung number ni Zack.
Di ko na talaga alam kung saang lupalop hahanapin si Zack.Di kaya umuwi na nga yun?Ugh.Di naman niya siguro yun gagawin.Pero baka may emergency?Hala.Baka may nangyari kina Tita or what.
Nahaluan ng kaba ang pagod na nararamdaman ko.Argh!Zack Ethan nasaan ka na ba?
Humanda ka talaga sakin! Sumasakit na nga paa ko, di mo man lang sagutin yung tawag ko.
Puro ring lang ang naririnig ko.Zack Ethan!Sagutin mo!Nag-aalala na ako e.
"Answer the phone—"