Bridge's POV
Natapos ang lunch break at patuloy kong iniwasan si Zack. Sinabi ko sa sarili ko na ito na ang huling araw na magkakaganito ako.Kailangan kong pahalagahan ang lahat ng meron ako.Masyado nang maraming nawala sa akin, ayoko nang madagdagan pa yung mga yun.
"Bri!"hinabol niya ako at agad na hinawakan ang siko ko."Ano?"pataray kong tanong.
"May lakad ka—"
"Tamara!"napatigil siya sa pagsasalita at napalingon kami pareho. "Thrill..."sambit ko.
Nginitian niya kami."Hi Zack!"masigla niyang bati.Tinanguan lang siya ni Zack.
"Pupunta ka bukas?"tanong ni Thrill kay Zack."Oo.Ikaw?"
Tahimik lang akong nakinig sa usapan nila.
"Yup.Ikaw Tam?Gusto mong sumama?"tanong ni Thrill. "Huh? Saan?"tanong ko.
Bahagya pa siyang natawa."We have a game tomorrow."sagot ni Thrill.Natulala ako.Ghad! Nakalimutan kong basketball players nga pala sila."Uy.Gusto mo sumama?"tanong ni Thrill.
"Sige na...sumama ka na...i-cheer mo kami."nginisian niya pa ako.Kung makapilit 'to akala mo naman nakasagot na ako.
Sasagot pa lang sana ako nung bigla namang umimik si Zack."Lagi naman siyang sumasama."masungit niyang sabi. Tama.Simula noon,parati na akong sumasama sa mga practice game or mismong game nila pag may time ako.
Tinitigan ako ni Thrill."Okay then.Pupunta ka at susunduin kita.10am yung game namin pero we have to be there two hours before the game.Okay lang ba sa'yo na gumising ng maaga?"pilyo niyang tanong.Sumimangot ako."Grabe ka!Di ko kasi nabasa yung text mo kaya di ako nagising ng maaga."sabi ko.Tumawa siya nang tumawa.
"Wala naman akong sinasabi ah?"natatawa niyang sabi."Tss.Oo na.So 7am mo ako susunduin?"tanong ko.Tumango siya.
" 'kay."
"May klase ka pa?"tanong ko."Wala na.Hang-out tayo."pinal niyang sabi.Ni hindi man lang nagtanong kung free ba ako?!Langya.
Hinawakan niya yung kamay ko at nagsimulang maglakad."Bye Zack!"kinawayan niya lang si Zack.Nilingon ko si Zack.Hindi ko alam kung bakit pero kusang tumigil ang mga paa ko sa paglalakad.Gusto k siyang lapitan.Para bang may humihila sakin pabalik sa kanya.Gusto ko siyang balikan at gawin na lang namin yung tulad ng mga ginagawa namin dati.
Pero tumalikod siya.
Naglakad ako papalapit sa kanya pero napatigil rin agad.Pinanonood ko yung ekspresyon niya habang tinitignan si Samantha na papalapit sa kanya habg ngiting-ngiti.Walang nagbago.Blanko pa rin yung mukha niya.
"Tamara?"binalingan ko si Thrill."May problema ba?"tanong niya.Umiling ako.Walang problema.Wala dapat.
"You're frowning."sumimangot siya.Pero muling nagliwanag ang mukha niya at agad na hinawakan ang kamay ko."C'mon, let's make that frown upside down."hinila na nga niya ako.Di ko napigilang mapangiti."Corny mo talaga."sabi ko.
Nilingon niya ako."At least napangiti kita."ngumisi pa siya.Yabang talaga.
Lumipas ang mga araw.Halos si Thrill na ang lagi kong kasama.Si Zack parating sinasama ni Samantha kung saan-saan.Sinasanay ko na nga lang yung sarili kong mag-isa.
Sabado ngayon at 5am pa lang gising na ako.May game nga kasi sila Thrill ngayon!Ayoko nang malate at baka idagdag na naman niya yun sa mga pwedeng ipang-asar sa akin.Kagabi nga kinukulit niya pa ako kung kaya ko ba talagang gumising ng ganun ka aga.Kaya eto at nagsend ako ng snap sa kanya.Hah!
Nagring agad yung phone ko."Wow.You really woke up early for this huh?"bungad niya.Kung siguro kaharap ko siya ay malamang nakangiti na yun.
"Told yah!"ngumiti ako."How sweet."sabi niya.