Chapter 4-Sophia

2 0 1
                                    

Bridge's POV

To: Thrill

Free ako :)

Nakatingin lang ako sa phone ko,nag-aantay ng reply.

Nakita kong bumukas yung pinto ng room kaya tinago ko agad yung phone ko,baka kasi nandyan na yung prof.Pagtingin ko sa pinto,si Zack lang pala.

"Nakapag-usap na kayo ni Gab?"tanong ko.Actually,may tampo pa ako dahil sa may tinatago sila sakin pero wala naman akong magagawa kung ayaw nilang sabihin diba?

Ngumiti siya,pilit.Lately puro pilit na ngiti na lang yung nakikita ko sa kanya.Ah!Alam ko na!

"Bakit mukhang sad si Zack ko?"paglalambing ko.

"Sus.Sinong sad?Ako?Asa."pagmamang maangan niya.Di mo ko madadaan sa ganyan no!

"Mamayang dismissal,date tayo?"pag-aaya ko.Date talaga tawag namin pag gumagala kaming dalawa kahit pa wala naman kaming relasyon.Wala lang,Trip lang namin.Haha.

"Date?"gulat niyang tanong.

"Ayaw mo?"

"Ha?Hindi!Oo!Puta!Gusto ko malamang!Pero...wala ba kayong date ni Thrill?"natawa ako dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Saturday pa nga diba?Pero kung ayaw mo,okay lang.Ay!May date ba kayo ni mistery girl mo?"tanong ko.Hindi ko matago yung bitterness sa boses ko.Kainis!Gustong-gusto ko na talagang malaman kung sino ba yung babaeng gusto ni Zack!

"Gusto nga sabi...teka nga,sinong mistery girl?"tanong niya.Inirapan ko na lang siya.K,fine.Ayaw sabihin,di wag!

"Nevermind.So sabay tayong uuwi mamaya."sabi ko.Ngumiti siya tapos sumaludo."Opo."

Umupo na kami at tahimik na naghintay sa pagdating nung prof namin.Hays...Inaantok ako.

Natapos ang normal na araw ko nang walang nagpapakitang Thrill.Nakakalungkot naman...

Inakbayan ako ni Zack,nanangako kasi akong magdadate kami diba?

"May regalo ka na para kay Cliff?"bigla naman akong nanigas dahil sa tanong niya.

"Takte.Wala pa!Argh!"nasapo ko na lang bigla yung noo ko.Tinawanan naman ako ni Zack."Sa mall na lang tayo magdate?"nakangiti niyang sabi.Napangiti rin ako dahil sa nakakahawa niyang ngiti.

"Samahan mo akong bumili ng gift sa NBS."sabi ko.

"NBS?"

"National Bookstore.Mahilig kasi siya magdrawing kaya mga coloring materials ek ek na lang ang bibilhin ko para sa kanya."sabi ko.

Pagkarating namin sa mall ay namili muna kami sa NBS bago dumiretso sa DQ para bumili ng ice cream.

Habang nakapila si Zack ay biglang may lumapit saking tatlong babae,naka uniform din sila na katulad nung sa amin,ibig sabihin kaschoolmate ko sila.

Nagulat ako nung bigla niyang binaliktad yung cup ng ice cream na hawak niya.

"Oops...sabi mo sakin hindi tatapon kahit na baliktarin!"maarte niyang sabi sa kasama niyang babae.Tumatawa yung isa pa nilang kasama habang yung kausap nagtapon ng ice cream sakin ay nakasimangot at parang naiirita.

"Tanga ka ba?E tinunaw mo yung ice cream!Malamang tatapon yun!"sigaw nito sa babaemg nagtapon ng ice cream sakin.Nagwalk out yung nakasimangot na babae at naiwan yung dalawa niyang kasama na nakanganga.

Bigla akong nilamig kaya natauhan ako sa nangyayari.TINAPUNAN YUNG UNIFORM KO NG ICE CREAM."WHAT THE FVCK?!"nasabi ko na lang.

Napatingin sakin yung dalawang babaeng naiwan at ngumisi pa sila.Shit!Hindi ko nga sila kilala eh!Anong atraso ko sa mga 'to?!

Broken LinesWhere stories live. Discover now