Bridge's POV
Pagkasimulang kumanta ni Macky, di ko na naman mapigilang humanga sa boses niya.Napakaganda talaga ng boses niya.Ugh.Kung ganyan lang kaganda boses ko?Aba, ako na lang manghaharana sa taong gusto ko!Joke!
Pero seryoso, nakakainlove yung boses niya, sayang nga lang wala si Gabbie.
Day 2 na nga pala ng School Fest.Hindi ko lang talaga maiwasang maalala yung nangyari kahapon.Pagkatapos magperform ni Macky ay sinubukan naming hanapin si Gab pero wala.Kahit si Trent ay sinubukan naming hanapin pero wala rin.Saan na ba nagpupunta yung mga yun?Actually,tanghali na at hanggang ngayon wala pa ring balita kay Gab.Si Trent natwagan na namin pero wala namang binigay na matinong sagot.Aish.
"Watcha Thinking about?—"
"AY BALITA!"di ko naiwasang mapasigaw.Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat."Balita?"takang tanong ni Thrill.Oo si Thrill.
"Jusme Thrill, bigla bigla ka na lang sumusulpot!"sabi ko pa."Oh I'm sorry."natatawa niyang sabi.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo...kwento?"sabi pa niya.Umiling lang ako."Bakit ka nga pala nandito?"tanong ko.
"Wala lang.Wala ka bang kasama?"tanong niya.Tumingin ako sa paligid ko."May nakikita ka ba?"pabiro kong sabi.Tinawanan niya lang ako.
"Hang-out?"simpleng pag-aaya niya.Ayan na!Hang-out ah! Hindi date!
Nginitian ko siya.pilit."Sure."wala naman kasi akong kasama eh.Si Zack may ginagawa.Sila Erick at Sophia,nagdadate.Sila Dane,Shane, Will at kahit si Macky na himalang tahimik ay nagbabasketball naman.Absent naman si Trent at Gab.
Dinala ako ni Thrill sa isang booth na puro sweets."You like sweets?"tanong ko. Tumingin siya sakin na parang nahihiya. Gosh! He's so cute!Alanganin pa siyang tumango."Uy.Bakit parang kinakabahan ka?"tanong ko.
"Nakakahiya..."umiwas pa siya ng tingin."Hala! No!It's not that!Si Zack kasi hindi mahilig sa sweets."paliwanag ko.Napatingin na muli siya sakin."Ah."nabuga siya ng hininga.
"So...may gusto ka ba? Or ako na bahala?"tanong niya.Umupo ako sa pinaka malapit na mesa."Ikaw na bahala."nginitian ko siya.
"Okay...stay right there.I'll be back."sabi niya at nagtatakbo na papunta sa pila.
Habang naghihintay kay Thrill ay di ko maiwasang marinig ang usapan ng dalawang babae sa di kalayuan.
"Yan yung Bridge diba?"
"Oo ata."
"Bakit sila magkasama ni Thrill? "
"Oo nga eh.Balita ko nga last week daw binigyan siya ng rose ni Thrill."
"Sus.Walang sabi yun sa mga binigay na bulaklak ni Thrill kay Zarah 'no!"
"Pero kahit na...Ibig sabihin hindi loyal si Thrill?"
"Eto naman.Malay mo friends lang sila.Alam ko namang loyal si Thrill kay Zarah eh."
AYOKO NA.
Mas lalo lang ata akong naguluhan sa mga nangyayari.Gusto ni Thrill si Zarah?
--------------------------------------------------------