Chapter 18-Bakod

4 0 0
                                    

Bridge's POV

"Wag ka mag-oonline."bulong ni Zack.Nakaakbay ang kaliwang braso niya sa upuan ko.Hawak niya ang cellphone niya habang may ka-chat.Hindi ko sinilip dahil hindi ko ugaling makibasa ng convo ng may convo.

"Bakit?"kunot-noo kong tanong."Basta wag."sabi niya.Nakakainis 'to!Alam naman niyang mas nakakacurious pag ganyan e.

At dahil nacucurious talaga ako, palihim kong nilabas ang cellphone ko.Ang hirap ah!Katabi ko kaya yung pinagtataguan ko.

Pagkabukas ko ng mobile data ay nagpop out agad yung group chat namin.

Will Miguel Marquez: Bro,kailan kasal?

Dane Andrei Esguerra: Di pa yan sinasagot!Bobo ang torpe!

Zack Ethan Fuentes: Gago!Wala ba kayong mga klase?!

Will Miguel Mraquez: Chill ka lang pre! HAHAHA

Zack Ethan Fuentes: Tangina niyo.

Dane Andrei Esguerra: Wag ka galit.Sasagutin ka rin niyan 😉

Dane Andrei Esguerra: Next lifetime. HAHAHAHAHAHA

Zack Ethan Fuentes: Fuck you.

Will Miguel Marquez: Hey! don't say bad words!

"BRI!"muntik ko nang maitapon ang cellphone ko nang sumigaw si Zack.Tinignan ko agad siya ng masama."Problema mo?!"sigaw ko.

"Sabi ko wag kang mag-online!"naiinis niyang sagot.Hindi na ako nakaimik.

"Ugh."bumuntong hininga siya.

Umirap ako at padabog na naupo sa upuan ko.Kainis.

Umupo rin siya at agad akong hinarap."Sorry..."sambit niya.Hindi ako umimik.Lahat na naman ng kaklase namin ay nanonood sa amin na para bang isa kaming telenovela sa TV.

"Bri..."hinawakan niya yung kamay ko.Hindi pa rin ako umimik.

"Bridge ko..."malambing niyang tawag.Utot mo! Di mo ako madadaan sa pagpapacute.

Ilang beses pa niya sinubukang magpacute bago siya sumuko sa wakas.Pero nainis ako dahil sa parte sa akin na nanlumo nang tumigil siya.Ugh.

Umupo siya ng tuwid at agad akong nanigas nang ipatong niya ang ulo sa balikat ko."Za-zack!"sambit ko.Sinubukan kong itulak ang ulo niya palayo pero ayaw talaga niyang magpatalo.Pumikit na siya habang nakasandal pa rin sa akin."Patulog muna.Napuyat ako, kakahanap sa'yo kagabi.Tinulugan mo lang pala ako."bulong niya.

Habang natutulog si Zack ay malaya akong nakatitig sa kanya ng walang nang-aasar.Except kina Ken at Vince na kanina pa nagpaparinig.

"Pabebe pa."bulong ni Ken.Pero bulong pa ba yun pag naririnig ng buong klase?

"Kunwari naiirita.Pero kinikilig 'yan, pustahan."sabi naman ni Vince.

Hindi ko na lamang pinansin.Baka kasi pag gumalaw ako, magising si Zack.Nagfocus na lang ako sa pagtitig kay Zack.Bakit ang gwapo niya kahit nakanganga?Ugh.Nababaliw na ako.Ilang beses ko na bang nakitang natutulog si Zack?Hindi ko na mabilang.Pero bakit gan'to na lang tumibok ang puso ko?

"Bri, sagutin mo na ako.Bago pa ako matunaw."biglang nagsalita ang mahimbing na natutulog.Nakapikit pa rin siya siya pero ngising-ngisi naman.Inalog ko agad ang balikat ko para mahulog yung ulo niya.Langya.

"Uy joke lang! Take your time.Promise,maghihintay lang ako."kinindatan niya pa ako.Inirapan ko na lang para hindi mahalata na kinikilig ako.Bastos ka Zack!

Broken LinesWhere stories live. Discover now