Bridge's POV
Nagtext kagabi si Thrill na susunduin niya ako ngayon pero sabi ko ay wag na.
Para saan pa?
Bakit pa niya pinagpapatuloy 'to? Ganun ba ako kasarap saktan?
Kung may gusto siyang iba, bakit pinaparamdam niya na espesyal ako?
Bakit pa niya pinahihirapan ang sarili niya?
Ugh! Kahit na sinasaktan niya ako,ginugulo niya pa rin yung utak ko!
"Hi Bridge!"bati nung schoolmate ko.Di ko siya kilala kaya nginitian ko na lang.
"Good Morning Bridge!"bati pa sa akin nung kaklase ko.Binati ko rin siya.
"Bri!"nilingon ko si Gab."Uy."
Tinitigan niya akong mabuti."Bakit namamaga mata mo?"tanong niya.Parang ewan at tumulo na naman ang mga luha ko.Hinawakan niya agad yung kamay ko at pinaupo ako sa bench na di kalayuan pero wala nang masyadong tao.
Tahimik siyang naghintay na tumahan ako."Gab...bakit kaya ang bilis kong maniwala?"tanong ko.
"Ha?Maniwala saan?"naguguluhan niyang tanong.
"Naalala mo nung sinabi kong sabi ni Thrill gusto niya ako?"tanong ko.Tumango siya.
Bahagya akong natawa bago nagpatuloy."E paano kung sinabi niya rin yun kahapon kay Zarah?"tumulo na naman yung luha ko.
~~~
Thrill's POVDadaan na sana ako sa hallway papunta sa room nila Tamara dahil ayaw niyang magpasundo sakin.Napatigil ako nang makarinig ng hikbi.At may narinig din akong pamilyar na boses.Dahan-dahan ko iyong sinilip at tama nga ang hinala ko.Si Tamara! Pero bakit siya umiiyak?
Lumapit pa akong mabuti para mas marinig ang usapan nila pero di ako nagpakita.Alam kong masamang makinig sa usapan ng may usapan pero gusto ko talagang malaman kung bakit umiiyak si Tamara.Nakakapanibago.
"Naalala mo nung sinabi kong sabi ni Thrill gusto niya ako?"tanong ni Tamara sa babaeng kaharap.Ang pagkakaalala ko ay Gab ang pangalan niya at malapit siyang kaibigan nila Tamara.
Tumango lamang si Gab.
Anong kinalaman ko sa usapan nila at bakit siya umiiyak?
Tumawa si Tamara."E paano kung sinabi niya rin yun kahapon kay Zarah?"at may mga panibagong luha na naman ang nagsimulang bumuhos mula sa mga mata niya.Damn.Ang sakit makita siyang nasasaktan!
Pero ano daw?Sinabi ko kahapon kay Zarah?
Napasapo na lang ako sa noo nang maalala yung nangyari kahapon.Nakita ba kami ni Tamara?
Nagpatuloy sila sa pag-uusap pero may isang salita si Gab na nakakuha ng atensyon ko." 'Yan ang hirap sa walang label e.Hindi mo alam kung anong gagawin sa mga panahon na ganyan?Hindi mo alam kung may karapatan ka bang magselos at magalit.Hindi mo alam kung anong dapat maramdaman at gawin.Hindi mo alam kung may commitment—"
Habang naglalakad ako palayo ay paulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi ni Gab.
Label?
Commitment?
May isang bagay na pumasok sa isip ko.Di tulad ng dati,di ako magdadalawang isip na gawin 'to.Dahil ngayon, sigurado na ako kung sino ang gusto ko.
~~~
Bridge's POVPagkatapos namin mag-usap ni Gabbie ay pumasok na ako sa room namin.Laking gulat ko nang wala pa si Zack.Dumapo ang mga mata ko sa orasan at malapit nang magstart ang mga klase!