Bridge's POV
From: Thrill
Hi Tamaa,.Wag k naa lng oumunta buks.Masakt ksii tuwing nakikita kitaang kasma sya e.
Kaninang 2 am pa ito.Di kaya...lasing siya?
Bumuntong hininga ako.Naiintindihan ko ang gusto niyang mangyari.
Baka nga tama lang na mag-iwasan kami.Hayst.Nakakamiss rin naman kasama yun si Thrill e. Kahit papaano may pinagsamahan kami.He made me feel special but all I did was break his heart.Damn.
Tumayo ako at nagpaalam kay Mommy na aalis ako.Gusto ko munang magpahangin.Ipapaabot ko na lang siguro kina Zack yung reaglo ko para kay Thrill.Para kahit naman papaano malaman niya na may pake pa rin ako sa kanya kahit ayaw niya akong makita o makasama.
Hinayaan ko yung mga paa ko kung saan nila ako gustong dalhin.
Nakarating ako sa isang park malapit sa bahay namin.Diti kami madalas pumuntang magkakaibigan pag wala kaming magawa.Umupo na lamang ako sa isang bench.
Mukha siguro akong out of place dahil ang gara ng suot ko.Party naman kasi ang plano kong puntahan kaso, hindi na pala ako invited.Hayst.Thrill, I'm sorry.Sorry kung hanggang ngayon nasasaktan ka dahil sa akin.
Tahimik ko na lang na pinanood lahat ng dumadaan.Marami akong nakitang couple na masayang naglalakad lakad.Totoo nga ba na may mga pagmamahal na nagtatagal?
Na sa dulo, hindi naman parating paghihiwalay ang kahahantungan?
Na meron ngang pagmamahal na walang hangganan?
Na may nagmamahal na marunong makuntento?
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang magring ang aking telepono.Si Zack, tumatawag.
"Nasaan ka?"bungad niya, puno ng pag-aalala.
"Na-nasa park—"hindi ko pa natatapos ang gusto kong sabihin ay pinatayan na niya ako ng telepono.Bastos!
Tatawag-tawag ka tapos papatayan mo ako?!Sira ulo.
Sumagi na naman sa isip ko si Samantha.Siguro nasa party din yun.Siguro busy si Zack sa kanya kaya pinatayan agad ako ng telepono.
Hindi ko kasalanan kung nagiging abala ako sa kanila 'no!Hindi naman ako ang tumawag e.Leche.
~~~
Thrill's POV
"Bro, kanina ka pa nag-aabang dyan ah?Hinahanap ka na nila."sabi ni Mark.Tinignan ko lang siya.
"Wala pa ba?"tanong niya.Yumuko ako at umiling.Walang kwenta.Bakit pa ba ako naghihintay sa pagdating niya?
"Inimbitahan mo diba?"tanong ko sa kanya.
Tumango siya."Well... Inutusan ko si Sam na i-abot kay Bridge pero eto namang si Sam, kay Zack inabot.Kaya ewan ko na lang kung binigay ba nung Zack kay Bridge yung invitation.Malay ba natin kung possessive pala yun."biro niya.Dapat kasi hindi na niya inimbitahan si Tamara e.Or dapat hindi na lang niya sinabi sa akin na inimbitahan niya si Tamara.Edi sana hindi ako nagmumukhang tanga ngayon na nasa labas ng bahay ko para mag-abang sa kanya.
Hindi naman siya obligadong puntahan ako e.Wala nang kami.Matagal na.
Kaya nga hindi na dapat ako umaasa e.
" 'ge brad.Sumunod ka na lang ah?"sabi niya.Tinapik niya ako sa balikat bago naglakad papasok sa bahay.
Aish.Party ko 'to e!Birthday ko!Pero eto ako, nakatayo sa labas ng bahay ko.Naghihintay sa isang taong di naman darating.Nakakabobo rin pala ang pagmamahal.Tsk.
Aalis na lang dapat ako ng maagaw ng isang lalaking tumatakbo palabas ang atensyon ko.Si Zack.Bakit nagmamadali siyang umalis?
Di kaya...alam niya kung nasaan si Tamara?
Tumakbo agad ako papunta sa sasakyan ko at pinaandar ito para masundan ang sasakyan ni Zack.
Napailing na lang ako habang nagdridrive.Oh Ghad.Ganun na ba ako kadesperadong makita siya?
Nang tumigil ang sasakyan niya sa isang park ay nagpark na rin ako sa di kalayuan.Pasimple ko siyang sinundan hanggang sa tumigil siya sa harap ng isang babae.
Shit.Halos araw-araw kong iniiwasan yung babaeng 'yan pero I always end up staring at her from afar.
Kumunit ang noo ko habang nakatitig muli sa mukha niyang nakakunot rin ang noo sa lalaking kaharap.
Paanong gusto mong makita at iwasan ang isang tao ng sabay?
Kasi dapat naman talagang iwasan ko na siya.Paano ka makakamove-on kung araw-araw mong nakikita yung mga dahilan kung bakit mo minamahal ang isang tao?Hindi ba't mas mahihirapan ka lang?Tsk.
Malungkot akong ngumiti.
Happy Birthday to me.
~~~
Bridge's POV
Isang lalaki ang biglang tumigil sa harapan ko.Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"A-anong ginagawa mo dito?"medyo naiinis kong tanong.Hoy!Di ko pa rin nakakalimutan na binagsakan mo ako ng telepono kanina 'no!
Tinabihan niya ako.Hinawakan niya ang kanang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri nito."If you wanna ditch your ex's party, I'll be happy to join you."nginisian niya ako.
Umiling ako."Ayaw niya akong pumunta."sabi ko.
"Ayaw niyang pumunta ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa?Nababaliw na ba siya?"may nakakalokong ngiti sa labi niya na nakakahawa.Si ko tuloy maiwasang mapangiti rin."Bola."sabi ko.
"Seryoso yun.Hayst...wag ka na ngang malungkot."tumayo siya at dahil nakahawak siya sa kamay ko ay nahatak niya rin ako patayo.
"Kumain na lang tayo.Kung ayaw ka niyang papuntahin,kawalan na niya yun."sabi niya.
"Gutom ka na naman?"pang-aasar ko.Tinitigan niya akong mabuti."Kahit mataba na ako, sigurado naman akong mahal mo pa rin ako e."nagyayabang na sabi nito.
"Kailan oa naging encyclopedia ang kapal ng mukha mo?"natawa ako.
Tawa kami ng tawa habang naglalakad papunta sa lugar na puro street foods. Pumila kami sa isang stall na madalas naming bilhan ng pagkain.
"Hanap muna ako ng table natin."sabi ko sa kanya.
"Mamaya na."sabi niya.
"Dali na.Para kang ewan, di naman ako mawawala e."pamimilit ko.
"Tss.Sige na nga."sabi naman sa inyo e,wala nga siyang laban sa akin.
Bakit ang daming tao ngayon?Ang hirap tuloy makahanap ng table.
Habang naglalakad ako ay biglang may kumalabit sa akin.Lumingon ako sa pag-aakalang si Zack yun.
"Ang bilis mo naman—"natigil ako sa pagsasalita pagkakita sa lalaking nasa harap ko."Thri—"di ko natapos ang pagsasalita dahil bigla niya akong hinalikan.Nanigas ako sandali bago siya naitulak palayo.Damn.
Lasang alak yung labi niya.Lasing na naman ba siya?
Para naman akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig pagkakita kay Zack na nakatayo sa di kalayuan.May hawak siyang pagkain habang blanko ang ekspresyon na pinapakita.Oh shit.
"I-I'm sorry, Tamara."di ko na nagawang bigyan ng atensyon ang sinabi ni Thrill dahil agad akong tumakbo papunta kay Zack.Binigay niya yung pagkain na hawak niya sa isang batang nanlilimos.
"Zack!"tawag ko. Hindi siya lumingon.
"Zack Ethan!"dire-diretso pa rin ang lakad niya.
"Zack naman!"hinihingal na ako sa pagtakbo.
Nang sa wakas ay nahabol ko siya,hinawakan ko agad ang braso niya.
"Hindi ko hahayaang matapos ang gabing 'to na halik niya ang iniisip mo."hindi pa pumapasok sa utak ko ang sinabi niya ay bigla naman niya akong hinalikan ng mariin.Hindi ko namalayan na tumutugon na pala ako sa halik niya.Fvck.Nakakabaliw naman talaga humalik ang isang Zack Fuentes.