Chapter 14-End

7 0 0
                                    

Bridge's POV

Hinihintay kong dumating si Thrill.Nangako kasi akong magdadate kami ngayon.Nagtataka nga ako kung bakit wala pa siya e.

Nangako akong magdadate kami para naman maging matino ang relasyon namin.

"Tamara!"tumakbo siya papunta sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap."I missed you."sabi niya.Natawa ako.

"Kaninang lunch lang magkasama naman tayo ah?Wag ka ngang OA!"natatawa kong sabi.Natawa rin siya."Masama na bang mamiss ang girlfriend ko?"tanong niya.Umiling lang ako.

Habang naglalakad kami ay maraming napapatingin sa amin.Kalat na sa buong school na kami na ni Thrill.Malamang maraming nagalit.Sa dami ba naman ng nabihag ni Thrill e.

Nagalit rin si Janice Ereja sa akin.Siya yung batang babae na nakipag-usap sa akin noon tungkol sa...pag-amin ni Zack.

Sila Gab naman, medyo weird.Halatang di sila komportableng kasama ako.Akala ko nung una,galit sila sa akin dahil nga doon. Pero kung ganun nga, bakit galit rin sila kay Zack? Hayst. Di ko na maintindihan.

"What's bothering you?"tanong niya.Tinignan ko lang siya.Kung mas nauna ba si Zack, sasagutin ko ba siya?Magiging masaya ba ako?

Napa-iling ako."I always wonder what's on your mind...is it me?Or him?"bulong ni Thrill.Kumunot agad ang noo ko."Ano yun Thrill?"napatingin agad siya sa akin, tila nagulat sa pagtatanong ko.Nakalimutan atang katabi niya lang ako e.

"Nah.It's nothing."he smiled at me but pain is the only thing I see in his eyes.Damn.Ang sakit saktan ng taong walang ibang ginawa kundi mahalin at alagaan ka.

"Thrill..."

"No. Really.It's nothing, don't worry."sabi niya. Ngumiti muli siya.Tumango ako.Pero alam kong pareho na kaming wala sa mood para magdate."Thrill, okay lang ba kung ihatid mo na lang ako pauwi?Babawi na lang ako next time."sabi ko.

Tumingin siya sa akin at parang gusto ko nang bawiin yung sinabi ko."Okay..."pero nung sumang-ayon siya ay wala na akong nasabi.Walang umimik sa amin habang pauwi kami, tahimik lang siyang nagdrive.

"See you tomorrow."sabi ko nung nasa tapat na kami ng gate namin.Bumaba ako ng sasakyan at dire-diretsong naglakad papunta sa gate namin pero natigilan ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran."I really... Really love you Tamara..."sabi nito.Nararamdaman ko na ang pangingilid ng luha ko.Bakit ba ako naiiyak?Tears of joy?Bullshit.

Bridge! Umayos ka nga! Bakit ka ba umiiyak?'yan na yung taong gusto mo oh!Yakap ka at sinabi pang mahal ka!Bakit nasasaktan ka?Nababaliw ka na ba?

Ramdam kong naghihintay siya na sumagot ako.Pero di ko kaya.Parang mali.Parang mas lalala lang ang lahat pag ginawa ko yun.I couldn't say what he wants me to say.Hanggang sa naramdaman kong unti-unti siyang naghihina at lumuluwag na ang yakap niya sa akin.

"I'll go now."sabi niya bago umalis.Tumakbo ako papasok sa bahay, hindi ko siya nilingon.Hindi ko kaya.Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay bumuhos na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.Argh!Napakasama ko!

Dumiretso ako sa kwarto at umiyak nang umiyak hanggang sa di ko namalayan ay nakatulog na pala ako.Nagising ako dahil sa pagring ng phone ko.Tumatawag si Thrill...

Huminga ako ng malalim bago ito sinagot.

"Hello?"napaos pa ata ako.Walang sumagot sa kabilang linya."Hello?"sabi ko ulit.

"Ta-tamara..."sambit nito.

"Thrill...Uh,nandyan ka na ba?Teka—"bigla akong kinabahan. Late na ba kami?

Broken LinesWhere stories live. Discover now