Hello po bebes! Update here. ❤
**
"Hoy, gumising ka nga." Halos maghimutok na ako habang ginigising ang asawa ko. Hays naman kase! Lalasing-lasing e di naman pala kaya.
"Okay lang kaya siya?" Tanong ko sa mga katiwala sa bahay.
"Lasing na lasing lang yang si Sir kaya hindi magising hindi naman talaga siya nasaktan sa pagsuntok mo Ma'am Dara e." Anang matandang mayordoma.
"Oo nga Ma'am e, baka bukas okay na yang si Sir." Anang isa. Napatango ako. Pero kahit na sinasabi nilang okay lang ito ay kinakain ako ng guilt ko, kung di ko sana ito sinuntok kanina ay baka may malay tao pa rin ito ngayon.
"Ah, manang paki-sabihan na lang yung mga nag-iinuman sa ibaba na hindi na makaka-baba para makipag-inuman ang isang 'to sa kanila, paki utusan na rin ang ibang kasambahay na linisin ang kalat ng sir nila.. Babantayan ko na lang muna itong isang ito." Ani ko. Tumango ang mga ito bago umalis at sinara ang pinto.
Napatitig ako sa mukha ng asawa ko. "Hay, kase naman e." Wala sa isip kong bulalas habang hinaplos ang mukha nito. Umungol ito. Maya-maya ay gumalaw ito nag-angat ito ng kamay at pininulupot sa bewang ko, tumagilid pa ito. Kaya ngayon ay nakayap na ito sa akin!
"Hoy." Marahan kong tinampal ito sa mukha. "Gising ka ba?" Tanong ko. Umungol uli ito.
Argh! Gising ba ito o tulog? O baka nagtutulog-tulugan? Tsss.
Sinubukan kong bumangon pero masikip ang pagkakapulupot ng braso nito at mas lalo pa nitong sinikipan ang pagyakap ng magtangka akong gumalaw uli. Sinubukan kong alisin pero ang mabigat nito.
"Hoy, gising..." Tinapik kong itong muli pero wala pa din.
"Gising... Ano ba." May diin ang bawat salita ko pero wala pa din. Suko na ako. Tulog nga ito. Hays!
Feeling no choice, inayos ko na lang ang pagkakahiga ko. Pero wrong move pa din dahil mas nagbigay ito ng access para yakapin ako.
Isinawalang bahala ko na lang ang pag-yakap nito sa akin. Isang gabi lang naman. Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang matulog pero hindi ako dalaw-dalawin ng antok. Minulat kong muli ang mata ko. Nakatitig lang ako sa puting kisame, ilang minuto ko ring tinitigan iyon bago ko nilingon ang katabi ko. Payapang natutulog ang 'mahal' kong asawa. Mahimbing itong natutulog, sa katuna'y naririnig ko ang marahan nitong paghilik. Napa-ngiti ako sa nakita ko.
Who would have thought, that the mighty Cerence Anthony Villaries snores when asleep. Kung may hawak lang siyang cellphone ay vivideohan na ito. I laugh at the thought.
Dahil sa pagtawa ko ay bahagyang gumalaw ito, moving closer to me. Halos nakadikit na ang labi nito sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga nito, pumihit ako paharap sa katabi ko. I look closely at his features, he had his thick long eyelashes at eyebrows na parang mas mahaba at makapal pa ng sa akin, matangos at pointed din ang ilong nito. Bumaba ang tingin ko sa labi nito, that lips that touch my cheeks. I felt like blushing. Nakaka-naman ng inisip ko. Ipinilig ko ang aking ulo para iwaksi ang iniisip ko. Nang makalma na ang utak ko ay tinitigan ko uli ang katabi ko. Again, napatitig ako sa labi nito and this time gusto kong haplusin ang labi nito.
I close my eyes intently. Gosh! Why am I feeling this way?!
Minulat kong muli ang mata ko at tinitigan uli ang katabi ko, but the certain feeling of touching his lips are still there. I close my eyes again and tried to sleep but it's no use. I re-opened my eyes and look at my husband.
Tulog naman siya e. Anang kabilang bahagi ng isip ko.
Get a grip, girl! Inis na kutya ko sa sarili ko.

BINABASA MO ANG
The Rape Victim
Novela Juvenil#TeamDarence ❤ Dara Evangelista A girl who has rape by the man she would marry.. Typical woman who believe in love but has turned into woman who hates the world.. Cerence Anthony Villaries the name she would never forget, the man who would make her...