#Inspired ❤
Hope you'll enjoy this update! :)
Dara is on the media. 😍😘😘💗💋💕*Dara's POV*
"Aaah!" Napapikit ako.
Magkayap kami ng asawa ko sa isahang sofa sa loob ng sala habang sigaw naman ako ng sigaw.
Nanonood kami ng movie, guess what? Train to Busan! At kung tinatanong niyo kung bakit kami magkayap? Dahil kinakalabit ko ito tuwing nagugulat, natatakot o naiiyak ako. Hinahayaan lang ako nitong yakapin siya, actually mukhang natutuwa pa nga ito dahil kapag napapaakap ako rito ay mas lalo nitong nilalapit ang katawan ko dito.Libreng tyansing!
Pero okay lang, nakaka-thrill kasi talaga iyong movie, lalo na kapag hinahabol ng mga zombies iyong mga bida. "Aaahhh!" Nagtitiling sigaw ko ng munting nang makagat ng zombies iyong bidang batang babae. Napakapit ako sa balikat ng asawa ko at itinago ang mukha ko sa malapad na dibdib nito. "Hey.." Untag nito sa akin ng hindi ako gumalaw upang manood muli.
"Wala na. Nakaligtas na iyong bata." Anito na hinihimas ang balikat ko, inaalo ako nito.Muli akong nanood sa penikula nang marinig ko ang mahina nitong pagtawa. Napatingin ako sa asawa ko na tila sinusupil ang tuluyang pagtawa nito.
"Anong nakakatawa?" Naguguluhang tanong ko.
"Wala." Anito pero hindi naman masupil ang pag-ngiti nito.Pinandilatan ko ito ng mata. "Pinagtatawanan mo ba ako?" Tanong ko. "Hindi ah." Agad na depensa nito. Tinitigan ko ito, natatawa talaga ito eh. Loko. Pinagtatawanan talaga ako nito. Hinampas ko ito sa balikat. "Oh, bakit ka nanghahampas dyan?" Nagulat na anito. Napalabi ako. "Pinagtatatawanan mo naman ako e!" Reklamo ko.
"Hindi ah." Tanggi nito.
"Wag ka ngang magsinungaling, nararamdaman ko e, tinatawanan mo ang reaksyon ko. Muntik na nga mapuknat iyang labi mo kakangisi e!" Ungot ko. "At wag kang magsisinungaling, lalayasan kita!" Dagdag ko pa na pinagduduro ito. "Dara naman..." Anito na hinuli ang kamay ko para halikan iyon.
Geez, he's just doing for me not to get pissed. He's using his charms to sweep off his feet.
"Hindi naman kita pinagtatawanan.." Depensa nito. "Eh bakit parang mapupunit na iyang labi mo kakangiti?" Nakalabing tanong ko.
Itinuro nito ang kamay kong naka-angkla sa sa braso nito gamit ang nguso nito. Naka-abresyete pala ako rito. "Natatakot ka na niyan pero ang sweet mo pa din." Anito.Matagal bago nag-sink in sa akin ang sinabi nito. Nakatitig lang ako rito habang ito naman ay pinangko ako paupo sa kandungan nito. Maya-maya ay nagsalita ito. "Hey. Tulala ka na dyan." Anito na isinandal ang ulo sa balikat ko.
Kinikilig ba ito kapag niyayakap ko ito? Maybe?"Kinikilig ka ba?" Hindi ko mapigilang itanong rito. Hindi ito naka-imik, tumango ito bilang sagot. Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa asawa ko. "For real? Kinililig ka talaga?" Kulit ko pa.
Sa halip na sagutin ako ay siniil ako nito ng isang mainit na halik sa labi, agad ko namang tinugon ang intensidad ng halik nito. Nag-umpisa nang maglikot ang kamay nito sa katawan ko, umabot hanggang sa butt ko ang haplos nito pero agad namang tumigil pagkaraan.
"Fvck! We should stop this. Ayokong bumalik ng America na sabik na sabik sa iyo, baka mabaliw ako kung hindi kaya'y hindi ko matapos ang pag-aaral ko doon." Anito na inayos ang nalilis kong damit mula sa pagme-make out namin."Eh, babalik-balik ka naman din e." Aniko habang inayos ang medyo nakunot nitong t-shirt. "Oo naman, babalik-balik ako para dalawin ka dito sa Pilipinas pero sigurado akong kapag bumalik na ako doon ay mababaliw ako kakaisip sa'yo. " Anito na niyakap ako. "Baliw na ako sa iyo pero ang mabaliw sa pagkasabik sa iyo ay hindi ko kakayanin." Dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
The Rape Victim
Fiksi Remaja#TeamDarence ❤ Dara Evangelista A girl who has rape by the man she would marry.. Typical woman who believe in love but has turned into woman who hates the world.. Cerence Anthony Villaries the name she would never forget, the man who would make her...