*Dara's POV*
NAPABALIKWAS na bumangon ako. Iba kasi ang damit ko, hindi naman ako nakapantulog sa huling naaalala ko ah.
Pati ang asawa ko'y nagising na din."Hey." Tawag nito sa akin.
"Ahmm, umaga na pala." Pagsisimula ko nang usapan.
Napatingin ito sa orasan. Alas siyete na nang umag. "Yeah." Anito na bumangon na.
"Ikaw ba nagbuhat sa akin kagabi?" Tanong ko.
"Of course. Why?" He asks back.
"Ahmm, ikaw din ba ang nagpalit sa damit ko?" Kinakabahan kong tanong dito.
"I want to but I didn't, pinatawag ko yung ibang kasambahay na bihisan ka kagabi." Anito.
"Ah, ganun ba?" Paninigurado ko.
Tumango ito. Bakit parang nainis ako na hindi ito ang nagbihis sa akin kagabi?
Sh-t! What am I thinking?
Tumayo na rin ako. "Ahm, mauuna na akong maligo hah?" Paalam ko rito.
"Yeah, sure." Sagot nito.
Nagtungo na agad ako sa banyo. Mariin kong pinikit ang mata ko nang makapasok ako sa banyo.
Oo nga't hinalikan ako nito pero bakit ganito ang mga iniisip ko?
Magpalit ng damit ko? God! What was that?!
Huminga ako nang malalim.
I should not think like that. Argh. Pero hindi ko naman maalis sa isipan ko ang sinabi nito.
Inilunod ko ang katawan ko sa bathtub. Hang over lang ito. I am not thinking about that. No. I'm not.
Hinilut-hilot ko ang aking sintido. Kalokohan ang iniisip ko kanina. Bakit naman siya ang magpapalit ng damit ko, di ba?
Nang nakumbinse ko ang sarili ko ay mabilis kong tinapos ang paliligo. I wear my robe and got out the the bathroom.
"Pwede ka nang maligo." Pag inporma ko rito.
Tumango lang ito.
"Hindi ba sumasakit ang ulo mo?" Tanong nito.
"Ahm, hindi naman. Wala naman akong hang over. Ikaw ba?" Tanong ko. "Mas madami ang naimon mo kagabi." Dagdag ko pa.
"I'm okay, medyo nasanay na." Anito.
"Ah, okay. Hindi ka pa ba maliligo?" Pag-iiba ko nang usapan.
"Maliligo na din, sige." Anito saka naglakad patungong bathroom.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Kahit simpleng pag-uusap ay may iba siyang nararamdaman.
Hindi naman ako dating ganito ah?
Ano bang nangyayari sa akin? Naalala ko na naman ang mga nangyari sa pagitan namin.
Sh-t! Baka makita na naman ako nitong naka-underwear lang!Mabilis akong nagbihis, baka kasi abutan ako nitong naka-undies lang kakaisip rito.
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto, pero papihit pa lang ako ng seradora ay nagbukas na ang pintuan ng banyo.
"Lalabas ka?" Tanong ng asawa ko na nakatingin sa kamay kong hawak ang door knob. "Ahm, oo.. Tatambay lang muna sa sala dun na lang ako nag-aantay ng agahan." Aniko.
"Ahh, I see." Sagot nito.
"Sige, lalabas na ako." Paalam ko rito. Hindi ko na inantay ang sagot nito, lumabas na agad ako ng kwarto.
BINABASA MO ANG
The Rape Victim
Teen Fiction#TeamDarence ❤ Dara Evangelista A girl who has rape by the man she would marry.. Typical woman who believe in love but has turned into woman who hates the world.. Cerence Anthony Villaries the name she would never forget, the man who would make her...