Chapter 15:Party and Him

1K 27 1
                                    

Di ko alam kung anong kalalabasan nito, Cerence Anthony's POV bebes, expect the unexpected.

Enjoy niyo na lang po pleasee!

**

*Cerence Anthony's POV*

Napapangiti ako habang nagda-drive. Patungo na kami sa club pero hindi ko pa din makalimutan ang nangyari kanina, it's not everyday na makikita kong nakahubad si Dara-well almost. Parang gusto ko na tuloy araw-arawin ang pag-uwi ng maaga. I'm not gonna force her but if ever that happens again, I'll be glad. Saka yu'ng sa dinner kanina, it's just heaven for me na hinayaan niya akong pagsilbihan siya. Atleast, I see progress in our relationship. Hindi na ito masyadong naiilang sa akin. Saka hindi na din ito masungit hindi tulad noon, na kahit gustong-gusto ko na itong ligawan ay hindi niya ako pinagbibigyan. It's just best that we got married, now I could love her until she'll love me too.
Fvck. Para akong sira-ulo kakangiti rito.

Nilingon ko si Dara. Nakatuon ang tingin nito sa labas ng bintana. Kanina pa ito nakatingin sa labas at kanina pa din ito tahimik, simula ng bumaba ito nang matapos itong magbihis ay ang tahimik na nito.

Hinawakan ko ang kamay nito. Napatingin ito sa akin. "You okay?" I asks curiously.
Dara just nod.

Hindi na ako nag-usisa, baka excited lang itong mag bar.

I parked the car as soon as we arrived at the venue. Sabay naman kaming lumabas ni Dara nang sasakyan. I held her close when we walk inside, ayokong pag-piyestahan ito nang mga kalalakihan sa loob. Dara is mine.

Agad kaming nakahanap ng mauupuhan. Kahit wala pa ang iba naming kasama ay nauna na kaming umorder.
"Brandy please." I ordered as the waiter takes our drinks. "Anong sa inyo?" Tanong ko kina Minzii at Dara.

"Margarita for me." Ani Minzii.

"Piña colada lang sa akin." Ani Dara. I smiled at her. Buti naman at light drink lang ang iinumin nito.

"Isang serve ng sisig." Dagdag order niya. Tumango ang waiter saka umalis na.

Hindi nagtagal ay isa-isang nagsidatingan ang mga kasama namin. Lahat ng lalaki ay hard drinks ang inorder samantalang ang mga babae naman ay light drinks lang, si Minzii lang ang umorder ng margarita.

"Uy, game tayo!" Sigaw ni Minzii maya-maya.

"Anong game?" Tanong nang iba naming kasama.

"Spin the bottle." Anito.

"Boring." Anang isang barkada ko.

"Kung ayaw mong sumali, eh di wag. Di ka naman talaga dapat kasali dito, pabida ka lang. " Anitong inirapan pa ang barkada. Mortal na magka-away talaga ang mga ito.

Sa huli nag-spin the bottle kami. Unang natuon kay Minzii ang bote. "Ang malas naman!" Reklamo nito.

"Truth or Dare?" Tanong ng mga ito kay Minzii

"Truth." Ani Minzii.

Si Dara ang nagtanong rito. "So, may crush ka ba rito Minzii?" Dara smiled mischievously at her friend.

Napatingin si Minzii sa aming lahat. "Dito? Wala." Anito maya-maya.

"As in wala? Wala talaga?" The girls asks.

"Wala, as in no one." Sagot nitong muli. Maya-maya ay inikot ni Minzii ang bote, tuluy-tuloy lang ang laro habang ako nakatingin lang sa asawa ko. Tawa ito nang tawa. Fvck, I could take my eyes off my wife.

Maya-maya ay tumili ito. Kay Dara pala nakaturo ang bote.

"So, Thruth or Dare?" Tanong ng mga ito sa kanya.

The Rape VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon