♀♀ Chapter 6: Brownout Part 2
Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.-Bob Ong
✉Dedicated kay @Recklessbandit hehe natuwa ako sa comment niya :)
Thankyou po sa mga naglagay na ng "If Only" nila sa public library nila @yourturn @TipsyChowder @dontworry10 yung sa mga naglagay din sa private lib nila hehe di ko kayo mamemention pero thankyou. At sa consistent voter @nemonemonie at syempre sa sobrang hayok sa update na si @iamborderline16
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==
✎SUNSHINE's POV
"Haaaaaaail St. Francis~ we love our school our childhood our love we pledge to you." Pampatulog ko yung kinakantahan ko yung sarili ko. Kahit kung ano-ano lang. Lalo na pag ganitong brownout.
Naalala ko noon
Sabay pa kaming kumakanta ni Bes over the phone. Nagigitara pa siya habang kumakanta. Nakakatulog talaga ako nun... nawawala yung inis ko.
"The cradle of our prayers"
Naalala ko naman.
"Bes, ang init-init naiirita ako!"
"Oh sige, papaypayan na lang kita ha" *soundsofblowingair*
Iihip siya sa kabilang linya para daw umabot sa akin at hindi na ako mainitan.
Bumitiw ako sa pagkakayakap kay Aya at tumalikod na lang.
Kahit gaano tayo kalapit sa isa't-isa pakiramdam ko anlayo mo padin sa akin, bes.
Anlayo mo padin sa akin, Dawn.
Kahit na magkatalikuran lang tayo ngayon.
Hindi ako makatulog.
Samantalang kanina pabagsak na din yung mga mata ko. Insomnia nanaman ba to? Haaay. Ito yung pakiramdam na sobrang pagod pero hindi makatulog. Ansakit sa ulo. Pinikit ko yung mata ko pinipilit i-relax yung sarili ko. Hindi rin kasi talaga ako nakakatulog pag walang kuryente. Nasanay ako na hinihintay magkakuryente para makisama sa mga nag-uunahan sumigaw ng MAY KURYENTE NAAA! Kasabay yung mga kapit-bahay.
*Bzzt.Bzzt*
Akala ko langaw lang, tunog pala yun ng mga switch.
Bumukas na yung ilaw. At nabuhayan ako kaagad. Umupo ako mula sa pagkaka-higa, akmang tatayo pa lang ako nung namatay nanaman yung ilaw.
●B●R●O●W●N●●O●U●T●PART2●
Haaay... brownout the second time around.
Tumayo na lang ako at tumambay sa labas. Atleast dun, mas presko ang hangin.
Tahimik yung boong village nun, malamang tulog na din sila. Ansarap kaya tumambay dito sa garden, bakit walang nakaisip nun?
Napangiti ako, naniwala kaya si Bell sa sinabi ko na malamok dito? Hihihi
Tinaas ko yung dalawang kamay ko tapos humiga sa damuhan.
Pagbagsak ng katawan ko.
"Hoooy!" Bumalingkwas ako ng tayo.
Si Dawn nasa tabi ko
"Nagulat ako sayo..." Napahapo ako sa dibdib ko. Na-karma ata ako sa ginawa ko kay Belle at Aya kanina
BINABASA MO ANG
IF ONLY
General Fiction♀♥♀Tungkol ito sa dalawang taong mas piniling magmove on na lang at harapin ang kasalukuyan. Tungkol sa dalawang taong mas piniling wag ng lumingon sa nakaraan, at ipagpatuloy ang buhay kahit na wala na ang isa't-isa. Tungkol ito sa mga taong takot...