♀♀ Chapter 33: LEARN TO LOVE AGAIN: LOVE101
"We're not broken just bent, and we can learn to love again"
✉the moment na finollow mo ko sa twitter, aasarin at chichikahin na kita kaya sorry kung napikon ka sa akin :P.
@HeyJusz- I don't talk to strangers. Okay?!
@NurseAise- Okay :P
@HeyJusz- do i know you?
@NurseAise- Yes, i am stranger haha
@HeyJusz- K. Fine!
Sorry kung napikon ka :p
dedicated to G2BAmbrosia haha ito na yun, tama yung hula mo.
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==
LESSON ONE: KNOW YOUR WORTH
Sa lahat ng mga nakipagbreak, isa na ata ako sa mga naging pinakamasaya. Nakakaloka, pakiramdam ko ang bad ko. Pero ewan ko pakiramdam ko para akong pinalaya sa isang relasyon na... haaay! Basta. Wala na akong itetex palagi, pagpapaalaman ng mga ginagawa ko. Wala na kong iisiping magseselos. Ang hirap kaya gawin lahat ng iyon lalo na pag hindi mo mahal yung tao.
STANDARDS-sa totoo lang kinalimutan ko iyon nung sinagot ko si Macky. Kahit na palagi niyang inuungkat sa akin iyon noon. Ang hilig niya magpa-awa at mangonsensya na kesyo hindi niya abot ang standard ng ex ko. Oo, wala ng makakatalo sakanya! Minsan gusto ko siyang ganunin eh. Mataba siya, sexy yung ex ko. Double chin siya, Maganda yung ex ko. Anlayo ng edad niya sa akin, magkalapit lang kami ng ex ko. Thru online ko lang siya nakilala, bestfriend ko yung ex ko. Tignan mo nga, walang-wala ka sa ex ko pero pinagbigyan kita tapos sasayangin mo lang? Tapos kokonsensyahin mo pa ako at magpapa-awa. Haaay enough with your dramas! Nasstress lang ako sa iyo!
Next time I'll set my standards na para worthy naman. Ang hirap sa tao, parang ang negative ng dating ng salitang standard. Pero aminin natin, lahat naman tayo may standard ayaw niyo lang siyang i-qoute o gamiting term na standard kasi it looks and sounds negative. Pero we do all have. Standard ay ang pinagandang term na "mga bagay na kinakaattract mo sa ibang tao"
Not necessarily meron dapat nito ang taong mamahalin ko, kasi kung ganoon it will surely be negative, pero ito yung mga criteria na kinakaattract ko sa ibang tao.
Standard? Biglang tingala ko, Diba tatak ng electric fan yun? Hahaha nyenyenye
Kung makikipagrelasyon ka, it's either mahal na mahal mo yung tao o kung hindi mo man mahal at gusto mo makipagplay lang dapat papable para worthy masaktan hahaha-BAD!
Hindi naman perfect si Dawn, may mga flaws din siya. Pero diba sabi nga nila "Nobody is perfect until you fall in love with them" it's not that Love can make you/us blind, it's just that Love has the power to love even your/their flaws.
At dahil lagi kong pinupuntirya ang taba ni Macky ibig sabihin ba nun hindi ko siya minahal?? Well, maybe my love for her is not enough to make me blind XD-BAD, Sunshine!
LESSON TWO: UNWIND, iwas muna sa mga stressor sa paligid.
Hindi muna ako umuwi sa Leon Guinto, nastay muna ako sa bahay namin. Two weeks akong uwian sa amin sa ospital. Inayos ko ang schedule ko apat na araw akong straight sa trabaho tapos tatlong araw straight off ko. Dinahilan ko na lang ang pag-aaral kuno para sa magiging exam ko. Exam na di ko alam kung i-pupush ko haha.

BINABASA MO ANG
IF ONLY
General Fiction♀♥♀Tungkol ito sa dalawang taong mas piniling magmove on na lang at harapin ang kasalukuyan. Tungkol sa dalawang taong mas piniling wag ng lumingon sa nakaraan, at ipagpatuloy ang buhay kahit na wala na ang isa't-isa. Tungkol ito sa mga taong takot...