♀♀ Chapter 11

4K 62 10
                                    

♀♀ Chapter 11: MOVE ON STEP 1,2,3

Perhaps, our eyes need to be washed by our tears once in a while, so that we can see life with a clearer view again.-Alex Tan

✉Nakakatuwa naman. Madaling araw na ako nag update pag gising ko dami ko ng votes! Thankyou~ salamat din sa mga bagong recruit na follower dyan @_gongju @nadosaranghaeyo @AyunMeseses @DemnYoo @katyaandgagababy @FindingyourSparks @camz011389 @KakamBerr @HelloIamJaja @ymcared @xreignx @rickric@ailaabanto @yikurumi_szrielle haha nakita niyo ba name niyo? Para lang akong nagtytype ng pangalan ng gagraduate haha dami niyo. Mwaaaah!

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==

☼ K I N A B U K A S A N ☼

Maagang nagising si Shine, ginising niya si Aya para sumama sana magjogging kaso "Aya, tumayo ka na dyan!" tinadyakan na niya pinagulong dinaganan pero ayaw talaga patinag nito. Napatingin siya sa kalsada, madami na nagjojogging na ka-village nila kaya sumama na lang siya doon.

Pagkatapos nila magjogging bumalik na siya sa bahay at nagluto ng breakfast

SUNSHINE's POV

Nilutuan ako ni Belle kahapon ng breakfast ang sweet talaga. Ntutuwa talaga ako kasi siya yung girlfriend ni Bes ngayon. Kahit di pa man sila ni Belle nun, kahit na madaming ibang babaeng umaaligid kay Dawn nun... alam kong si Belle ang pinaka magiging karibal ko. Ganda ni Dawn eh, pang that's my tomboy, pinag-aagawan hahaha tamang description lang. Hindi siya katulad sa mga ibang gxg na nababasa kong may nakakalokang kagandahan. Hindi siya gaanong katangkaran pero magaling magbasketball at mahilig talaga siya sa sports. Hindi rin siya hot tignan pero nakakainggit talaga yung abs niya. Sa totoo lang mukha siyang bata :)) maputi at namumula yung cheeks niya. Mas maganda siya pag hindi nagmamake up. Kung ano yung description ko sakanya baliktarin mo na lang kay Belle. : ))

Kahit na ganoon si Belle, Bell-ieve talaga ako sakanya. 3 years? Imagine that ha? Sa lahat ng umaligid kay Bes siya yung pinaka chorlaloo haha alam niyo na ibig sabihin nun he-he-he. Grabe nga kung ipagtulakan pa ni Dawn yun noon. Pero ... tignan mo na sila ngayon. hahaha tulog padin anong oras na ha?!

Pancit Canton lang ang niluto ko ngayon, itlog, tapos may tinapay sa hapag. Sana naman pagkatapos ko dito eh magising na sila.

Mahal ko si Dawn, oo. Pero kung kay Belle siya mapupunta, ipapaubaya ko na siya.

Dawn: Yung matagal niyo ng pinipilit, ngayon lang nagkatotoo.

Shine: Si bella???

Dawn: Yep. Kami na : )

Kahit masakit, basta alam kong hindi niya papabayaan yung bestfriend ko.

Nagpatugtog ako ng malakas para gumising na sila "Sige ikembot-ikembot mo all around. Sige ikembot-ikembot mo to the ground!" sinasabayan ko pa yung tugtog ng sayaw hahaha lakas trip.

At lumabas na nga si Aya, sumunod si Belle at Dawn.

"Goodmoooooorning! Nagluto ako ng breakfast niyo. Bakit late na kayo nagising? Diba maaga yung pasok niyo? Change sched din ba kayo lahat?"

"Friend, nakakairita yung tugtog mo"

"Election ngayon, Shine. Wala kayang pasok" antok na sabi pa ni Belle.

"Ay hehe sorry naman. Bukod sa hindi ako naboto, hindi narin namin ramdam yung mga ganyang walang pasok"

"Friend, patayin mo na yung tugtog mo"

IF ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon