♀♀ Chapter 42: STARTING AGAIN
“Wag mong pigilan ag damdamin sa aking pagkawala, maakahanap ka bigla ng iba”
ANG IKA-APAT , HULING YUGTO –FINALE
“Sometimes, two people have to fall apart to realize how much they need to fall back together”
✉ yes, :D abangan ang MGA huling chappy sa pagtatapos ng if only
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
✎DAWN’s POV
Kahit ata ilang beses na akong nainlove sa ibang tao nakikita at nakikita ko padin ang sarili kong iniisip siya. Ganoon daw ata talaga pag true love. I shook my head to erase that thought. Ang hirap mo talagang kalimutan.
“Goodmorning Miss” mabilis ang paglakad ko, mabilis ang paglipat at pagcheck ko bawat kwarto sa hotel na pinagtratrabahuan ko. Hanggang ngayon ay napapatingin ako sa cellphone ko. Nakapasok kaya siya on time? Bakit parang wala siya sa sarili kanina? Haay Dawn, ano bang ngyayari sa akin?itetex ko ba siya? tatawagan? Bakit? Para saan?
“Vienne, alam mo ba kung anong gamot para sa sakit ng chan?” nagulat ako ng biglang may nagtanong sa akin. Guest siya sa hotel, siguro nabasa niya yung nasa name plate ko kaya alam niya ang pangalan ko. “Uhm masakit po ba ang tyan niyo? Pwede ko po kayo samahan sa clinic”
“Hindi… okay lang. kung may alam ka lang” for a moment, naalala ko si bes. Kung itetex ko ba siya or what. Pero parang halata naman na naghahanap lang ako ng dahilan to text her. “Mefenamic Acid” sabi ko na lang.
“Thankyou” nakangiti niyang sabi sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas naglakas loob na akong idial ang number niya.
Kriiing-krriing-krrinng bakit antagal naman niya sagutin? Haay dalawang ring na lang.. krriing-kriiing. Nakakalungkot man isipin pero tinapos ko yung isang buong minutong nagaantay na sagutin niya yung tawag. Pero wala. Nagmukha lang akong pathetic. Ano ba itong ngyayare sa akin? Pinindot ko ang sleep button ng phone ko saka ko nilagay sa bulsa ko.
Maya-maya pa, lumapit nanaman siya sa akin “May problema ka?” pagtingin ko sakanya duon bumungad ang ngiti ng isang anghel. Bakit ba hindi ko nahalata yun kanina? “Maybe I can help” sabi pa niya saka umupo sa aking tabi.
Nitong mga nakaraan naguguluhan talaga ako sa nararamdaman ko. May parte na nagsasabi sa akin na mahal ko pa si Sunshine. May parte na gumugulo sa akin na paano na si Belle? May parte na pumipigil padin sa akin na ipaglaban siya. Bakit ba kasi hindi ko siya maipaglaban? At bakit ba kasi hindi mawala-wala sa isip ko ang gawin yun. Dahil ba yun kay Belle? … kasi kung mahal na mahal ko si Belle, maiisip ko pa kaya gawin ang mga ganoong bagay.
Then she came—Amber. Mabait siya, malambing, maalalahin. Pinigilan ko siyang magustuhan kaso nga lang… isang gabi nakita ko si Belle na may kasamang lalaki. Hinintay ko siya sa harap ng village para pag-usapan iyon.
“Sino yung kasama mo?”
![](https://img.wattpad.com/cover/9022007-288-k677710.jpg)
BINABASA MO ANG
IF ONLY
General Fiction♀♥♀Tungkol ito sa dalawang taong mas piniling magmove on na lang at harapin ang kasalukuyan. Tungkol sa dalawang taong mas piniling wag ng lumingon sa nakaraan, at ipagpatuloy ang buhay kahit na wala na ang isa't-isa. Tungkol ito sa mga taong takot...