♀♀ Chapter 12: GLOW IN THE DARK
Stars can't shine without darkness
✉Thankyou po sa mga bumasa ng extra chaps ng IF ONLY. Pasensya na po kayo, hindi yun dapat chap 12-13 kasi parang biglang talon sa kwento yung ngyare. Pinalitan ko na po yung label nya ng EXTRA CHAPTER. Masyado po kasing biglaan yung pangyayari kaya sinulat ko para mailabas yung nasa puso ko. Sana po hindi naging abala sa inyo yung chapter na yun. Gusto ko din po itake yung oppurtunity na to na magpasintabi (<<di ko alam kung tamang term yun) sa iba pong religions at may ibang paniniwala tungkol po sa kamatayan ng tao. Salamat po sa respeto at pag suporta.
Kung medyo matatagalan po ako sa pag update, alam niyo na po yung dahilan ha :)
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==
Pagkatapos ng lobo na activity nila, natulog na sila. Daig pa nila ang pagod sa bilis ng pagkakahimbing nilang dalawa.
☼ K I N A B U K A S A N ☼
Nagmamadali nanamang pumasok si Shine. Nakita siya ni Belle -"Lagi nagmamadali si Shine sa pagpasok"
Napatingin lang si Dawn sa paglabas niya at si Aya naman medyo tulala padin.
✎ AYA's POV
"Uuwi ba kayo sa undas?" Walang karea-reaksyon na sabi ko sakanila.
"Oo, sasama sa amin sa probinsya si Dawn. Kayo?"
"Uuwi si Shine. Baka dun na lang ako sa bahay ni Kuya"
"Ahh. Gusto mo sumama sa amin?"
"Hindi. Sige okay lang ako" tumayo ako para kumuha ng tubig sa ref "Siguro kung ikaw si Shine, araw-araw ka din magmamadali para mag time in" Hindi ko napigilan sungitan si Belle sa sinabi niya.
Napapansin ko kasi, kung ano-ano yung minsan nasasabi niya kay Shine na hindi lang namin masyadong pinapansin.
At isa pa, bagong gising ako kaya masungit.
Pagktapos nun pumasok na kami sa trabaho.
Hindi parin maalis sa isip ko yung pinagawa sa akin ni Shine. Hindi ko alam, pero nakakapanghina pero at the same time parang ginsing ako nito sa mga symbolism na ginamit at sinabi niya sa akin. Sa mga symbolism na nakapagpagaan sa akin mag let go. Ang bumitiw sa lobo, ng dahil sa napagod na ako. Na kahit pala gustong-gusto mo ang isang bagay... kahit itali mo pa siya sa kamay mo... dadating ang araw na mapapagod ka na at bibitawan mo ang tali na nagdudugtong sa inyong dalawa.
☏-kriiiiing- Sunshine calling ...
"Hello friend? Dederecho na ako umuwi sa amin kasi uuwi na daw kami ng madaling araw"
"Madaling araw nanaman?"
"O anong problema?"
"Dawn nanaman?"
"Baliw! Hindi ka ba uuwi sa inyo?"
Medyo ilang ako sa araw na ito. Hindi ko kasi nabibisita panay ang taong pinakamalapit sa akin na yumao na-ang aking ama.
BINABASA MO ANG
IF ONLY
General Fiction♀♥♀Tungkol ito sa dalawang taong mas piniling magmove on na lang at harapin ang kasalukuyan. Tungkol sa dalawang taong mas piniling wag ng lumingon sa nakaraan, at ipagpatuloy ang buhay kahit na wala na ang isa't-isa. Tungkol ito sa mga taong takot...