♀♀ Chapter 50.1

713 21 3
                                    

♀♀ Chapter 50.1: Let go of your FEARS

Best way not to get your heart broken is to pretend that you don't have one

✉thankyou po sa mga bagong readers at followers sa kwentong ito lalong lalo na po sa mga matagal ng nagaabang sa mga magiging updates. Thankyou so much! mwaaaah!


= = = = = = = = = = = = = =

S U N S H I N E ' s POV

Masarap magkaroon ng minamahal. Masarap magkaroon ng taong nagmamahal sa iyo. Pero mas masarap kung pareha kayo ng nararamdaman para sa isa't-isa. Sa tatlong taon kung paghahanap ng daan patungo sa pag-ibig, narealize ko na hindi pala dapat minamadali ang pakikipagrelasyon, na hindi gagana o hindi mo magagamit ang isang bagay na nagtamo ng matinding sugat, matinding basag kung agad mo ulit itong isasabak. Mas lalo mo lang sasaktan at dudurugin ang iyong puso.

Bae, tara na ano pa ba yang ginagawa mo? Malalate ka na?” ani ni Aya sa akin habang inaayos ang mga gamit bago pumasok. At ako? Heto at kaharap ang laptop ko at gumagawa nanaman ng blog.

Masarap ang pakiramdam na mahal niyo ang isa't-isa pero ... nakakatatlong girlfriend na ako pero ganito parin yung tanong na nararamdaman ko. Tama ba ito? Paano kung makita ako nila mama sa daan? Kailan ko kaya maamin sa buong mundo na siya ang mahal ko? Ito na ba talaga ako? Hindi na kaya ako magbabago? Pero lahat ng katanungan kong iyon ay napapawi sa tuwing makikita ko siya ng kasagutang Haaay yaan na nga. Tignan natin kung anong mangyayare.

God's will, God's plan. Kahit naman kasi anong iwas ko yan at yan ang kinakahinatnan.

Pumasok na ako sa trabaho, at maging siya pagkahatid niya sa akin. Maraming mata ang gustong mangutya, maraming tainga ang gusto makiasyuso sa akin sa trabaho. Ang nakakainis lang sa tuwing nakakarinig ako ng Sayang siya, maganda naman siya at matalino. Si Sunshine?? Kaya pala hindi magkaroon ng boyfriend o babae naman ang gusto. Hindi pa man ako umaamin sakanila eh yun na ang naririnig ko. Napatingin ako kay Aya. Nakapolo shirt siya, nakataas ang ibang buhok at nakalaylay ang nakatirintas niyang mahabang buhok (buntot) makapal ang suot niyang relo at nakaslacks sa pang ibaba at leather shoes. Ito yung dahilan kung bakit ayaw ko magsuot si Dawn ng panlalaki nuon, pero ewan ko ba bakit eto ngayon yung kinakakiligan ko sa tuwing nakikita ko. She hugged and kissed me goodbye.

Saktong nasa Medical-Surgical department na ako nung matapos ang salita sa isip ko. Nilapag ko ang bag ko, itinali ang buhok at saka nagsimula ng nagtrabaho.

DAWN’s POV

Nagising ako sa paghalik ng araw sa akin mula sa nakaawang na kurtina. Pagmulat ko, nakayakap ako sa napakalaking unan, tinignan ko ang paligid ng aking silid... napakakalat. Kailan ba ang huling nagkabuhay ang silid na ito. Ahh oo nga pala, nung nandito pa si Bella.

Dahan-dahan kong nilugmok ang unan sa mukha ko sa pag-aalala ng pakikipaghiwalay niya sa akin. Napakabait niya at maalalahin. Siya lang naman yung taong nagstay sa tabi ko nung lahat eh umalis at tinalikuran ako. Napakatanga mo Dawn at hinayaan mo siyang mawala sa buhay mo.

Tatlong taon na... tatlong taon na pero parang bakit kahapon lang ngyare ang lahat? Ni hindi ko naranasan ito nung mga araw na iniwan at tinalikuran ko si Sunshine. Lahat pinatalo ko ng dahil sa pakiramdam na nagbalik, lahat pinatalo ko ng dahil sa ala-alang nangibabaw sa kasalukuyan ko. Anong guarantee na magkakabalikan kami? WALA. Eh bakit hindi ko na lang balikan at habulin si Bella? E di wala ng problema.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Nagpakaduwag ako nung mga nakaraang taon, while everybody believes that I am already healed, that is, I am at my worst. Hindi purket nakangiti ka, hindi purket may iba kang babae eh okay ka na. Hindi pala yun ganoon... minsan kailangan mo din tumigil at magreflect, hindi lang basta go ng go. Marahil natakot ako, si Belle lang kasi yung support system ko. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko yung mga post ni Shine nuon na para bang hindi parin siya nakakamove on samantalang ako eh andami ng babaeng nagdaan sa akin. Naiinis ako, pero deep inside it's damn hard killing me! Siguro kaya ako naiinis ng dahil dun, at hindi sa kung ano pang rason.

IF ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon