♀♀ Chapter 27: INSECURITIES
"Ang pinaka masakit sa lahat, habang iniiwan mo ang taong mahal mo ay ang fact na kahit gaano kabagal ka pa maglakad, walang hahabol sa iyo"
✉Bakit ganun hahaha hindi ata talaga ako kasakay-sakay wala man lang sumali sa audition ni Shine? Ako lang kaya ang bully sa wattpad? Haha bully na hindi masyadong maingay at active siguro oo ako lang. Anyways, siguro hindi lang talaga ako kasakay-sakay. Thankyou padin sa mga nagaantay ng update ko kahit matagal.
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==
"I can search my whole life through but I would never find another you~"
Nakaupo ako sa kama yakap-yakap yung unan ko. Mix emotions eh. Parang angsarap ko hampasin ng martilyo sa ulo para matauhan ako. Pero eto, at tulala parin habang nakangiti ang gaga.
I would never find another you...
Another... you.
Ngumiti ako. naramdaman kong ngumiti ang kalahati ng labi ko... masaya kasi ewan ko... pero yung other half hindi nakangiti kasi parang may dismaya akong naramdaman.
Tinignan ko ang cellphone ko. Napakadaming messages. Sana naman wag to sa trabaho, kung in-on-call ako. Naku paktay na! Wala ako sa wisyo. Brinowse ko pababa... umn... puro pala si Macky.
"Dre, bakit di ka nagpaparamdam?"
"dre, eat dinner po"
"Dre?"
"Dre, okay ka lang ba?"
"dre, nakatulog ka nanaman ba ha? Hahaha" blahblahblahblah
Ni wala siyang idea sa nararamdaman ko. Eh paano nga ba niya malalaman eh wala naman akong nasabi. Wala naman akong... sinasabi.
Bakit ganoon? Sabi nila pag babae daw ang kinarelasyon mo, mas magiging madali kumpara sa mga lalaki kasi alam nila o makakarelate sila sa nararamdaman mo. *smirk* kay Macky ko nga pala narinig yun. Sakanya rin mismo, pero bakit each time na nadidisappoint ako sakanya, hindi niya alam kung bakit. Kung hindi pa ako magiging cold, hindi niya mararamdaman na may mali.
Ano nga ba ang mali, Shine? Si Macky nga ba?
"Friend" bumalik ako sa ulirat nung nagsalita si Aya. "Hindi ka ba napapagod sa posisyon mo?"
"Ha?"
"Kanina ka pa nakanganga"
"Ay, sorry naman"
"Matulog ka na" sabi niya sabay yakap sa unan niya.
So talagang gumising siya para lang sitahin na nakanganga ako? Great! Great, Aya! Good job!
Hahaha humanda ka sa akin bukas!
"Friend, anong oras ka gigising?"
"Umnnn.... Ano... mga.... 8am"
"Bakit ang late naman?"
"Wag ka na madaming tanong ... antok na ko"
"Okay! : ) I'll wake you up. I love you friend" aba at di nagreply??? "Hoooy sabi ko I love you!"
"Bakit, girlfriend ba kita?"
"Ahhhhh..." humanda ka talaga sa akin bukas!
4am na nun kaya naman konting hintay na lang at mambubully na ako kay Aya. Hahahaha. Tumayo ako at lumapit sakanya. dahan-dahan kung nilagay at inipet ang magkabilang palad niya sa magkabilang kili-kili ka niya.
BINABASA MO ANG
IF ONLY
General Fiction♀♥♀Tungkol ito sa dalawang taong mas piniling magmove on na lang at harapin ang kasalukuyan. Tungkol sa dalawang taong mas piniling wag ng lumingon sa nakaraan, at ipagpatuloy ang buhay kahit na wala na ang isa't-isa. Tungkol ito sa mga taong takot...